"We have a problem"
Josh: Ano yun? Mahal ba ang bayad sa pag-upa ng bagong bahay na 'yan?
Lyn: Worse than that. Ang sabi ni Nelsi, siya raw ang nagpapatakbo ng new house na ito. Nagkamali raw ng pic ang ibinigay sa 'tin. Ay, wait siya nga pala, I want you to meet Jeff. Siya naman ang nagpapatakbo ng lumang bahay.
Nanlaki ang mga mata ni Janie nang makita niya ang mukha ni Jeff. Kinalabit ni Janie si Mira ngunit hindi pa rin nito winawala ang tingin kay Jeff.
Mira: Ano ba yun Janie?
Nakita niya ang naglalakihang mata ni Janie. Tiningnan niya kung saan ito nakatingin.
Janie: Ang...Ang..
Mira: Ano? Ang gwapo noh?
Janie: Ang...Ang,,
Mira: Ano ba kasi yun?
Janie: Ang...Ang... Ang pangit niya.(nandidiring reaksiyon nito)
Narinig nina Josh at Jerry ang sinabi ni Janie kaya nagtatawanan silang dalawa. Uminom naman ng mineral water si Mikael. Nakita ni Jeff ang pagtatawanan ng dalawa.
Jeff: May problem ba?
Napatigil sina Josh at Jerry.
Jerry/Josh: Ah wala po. Wala po.
Josh: A-ah, gusto ko lang pong sabihin na ang gwapo po ninyo.
Jerry: Opo, opo tama po 'yun.
Pa-posing-posing pa si Jeff.
Jeff: Salamat.
Nabilaukan si Mikael sa iniinom nitong tubig sa mga narinig. Naibuga niya ito kina Josh.
Jerry: Yuucckk!!! Ano ba Mikael?!
Mikael: Sorry.
Jeff: Mikael, may problema ba?
Mikael: Wala po, sa totoo lang, totoo po ang sinabi sa inyo ni Josh. Sigurado po pag punta nyo sa siyudad, kukunin agad kayong artista kasi mukha niyo pa lang, ang lakas na ng dating. Kailangan ko na atang mangumpisal. (bulong nito)
Josh: Ui, sama kami ah.
Roxanne: Lyn, ano ba ang gusto mong sabihin kanina?
Lyn: Eh, kasi... hindi tayo titira sa magandang bahay na yun.
Janie: What do you mean?
Lyn: Dun tayo titira sa katabi nun.
Mira: What! No way! Ayoko!
Lyn: Wala tayong choice. Hindi na tayo pwedeng bumalik, gagabihin tayo.
Nelsi: Wag ho kayong mag-alala. Maganda naman ho ang bahay na 'yan.
Janie: Maganda? Eh, ang luma-luma na nga eh.
Josh: halina nga kayo! Pumasok na tayo.
Pumasok na silang lahat sa bahay.
(Pagsapit ng gabi...sa kwarto ng mga girls.)
Janie: Grabe, it's so dark here.
Mira: Oo nga eh. Lyn, bakit ba kasi hindi mo muna sinigurado na yung bahay na titirhan natin ay ito pala?
Lyn: I'm very sorry friends. Hindi ko kasi akalain na ganito ang mangyayari.
Mira: Too late to say that.
Napatingala sila kay Rose na tila nasa gitna nilang lahat ngunit nagbabasa lang ng aklat. Kinalabit siya ni Roxanne ngunit hindi ito napansin ni Rose. Nagngitian sila at bawat isa sa kanila ay dahan-dahang kumuha ng unan. Hinampas nila ng unan si Rose. Malambot naman ang mga unan kaya hindi gaanong naapektuhan si Rose.
Rose: Aray! Ano ba kayo?
Roxanne: Alam mo ba na kanina pa kami dito nag-uusap. Hindi ka man lang kumikibo.
Rose: Can't you see? I'm busy reading these books.
Mira: Kahit ba sa madilim na lugar nagbabasa ka pa rin?
Rose: Eh, nakakabasa pa naman ako. At isa pa, I have a bad feeling about this house.
Janie: Anong feeling?
Rose: It's like there's a.. there's a..
*tok-tok*
Roxanne: Who's there?
Jerry: Kami 'to.
Lyn: Ah! Pumasok na lang kayo.
Josh: Pasensiya na kayo ha.
Mikael: Sorry for disturbing you, madilim kasi. Sinisigurado lang naming maayos kayo dito.(napalingon siya kay Rose at napansin naman ito ni Janie) Hmm..Ros---
Janie: Don't bother her. She needs time with herself. (bulong na sambit nito)
Naintindihan naman agad ito ni Mikael.
Roxanne: Guys, I need to go to the comfort room.
Lyn: Here's the flashlight, sigurado kasi akong madilim dun.
Roxanne: Thanks! (umalis agad)
Mira: Jerry, maayos naman yung kotse di ba? Gusto ko na kasing umalis dito eh. Bukas na bukas din.
Jerry: wag kang mag-alala. Makakaalis tayo bukas.
Janie: Ano ba yung lalaking yun...Si.. Jeff tama. Bakit ba kasi binigyan tayo ng pekeng picture. Tingnan nyo nga ang bahay na ito. Kung gaano kapangit ang mukha nun, ganun din kapangit ang bahay na pinapaupa niya.
Josh: Kanina pa tayo nag-uusap tungkol sa bahay na ito ah.
Habang si Roxanne naman ay nasa cr.
Roxanne: Ano ba yan, ang dilim dito.
Nang makapasok na siya sa cr bigla siyang napatigil at nahulog ang flashlight.
.
.
.
Mira: Ano ba 'yan, ang tagal ni Roxanne.
Bigla na lamang humangin at ang kanilang mga lampara at kandila ay napatay.
Girls: Ahhh!!!! Ahhhh!!! Ang dilim!!! Ahhh!!! (Malakas na sigaw nila)
Jerry: Mga babae talaga, takot sa dilim.
Josh: Oo nga. Hay naku..
Napatigil ang mga girls nang biglang bumukas ang lahat ng mga light sa bahay.
Boys: Ahhh!!! Maliwanag!!! Ahhh!!! (Malakas naman nilang sigaw.)
Ang sigaw ni Josh ay parang bulyaw ng kalabaw, si Jerry ay parang nakakita ng lalaki at sumigaw nang parang babae, at si Mikael naman kung sumigaw ay dinosaur. Nangiba ang reaksyon ng mga girls at minasdan na lamang ang mga nagsisigaw.
Boys: Ahhh!! (Napatingin sa mga girls) Ha???
Mikael: Ano'ng tinitingin-tingin niyo?
Lyn: Eh pa'no? Kung sumigaw kayo parang mas takot pa nga kayo sa amin.
Jerry: Ano naman dun?
Mira: Teka, eh pano na-on ang mga lights?
Mikael: Oo nga. Jerry, sabi mo pundi na lahat ng lights dito.
Jerry: Aba! Ewan ko.
Janie: Mabuti na lang hindi ka natakot Rose.
Paglingon nila sa inuupuan ni Rose kanina ay wala na siya dun.
Lyn: Nasaan si Rose?
Mikael: Rose? Nasan ka?
Sa hagdanan ay naroon si Rose naglalakad, wala sa sarili. May kumakatok sa pinto. Napansin niya agad iyon at dali-dali itong binuksan.
Rose: Sino yan?
.
.
.
.
.
.
.
.