"Ako ito, si Ara."(isang babae ang bumungad, mga nasa 30's ang gulang)
Rose: Ara? Pasensiya na ho baka nagkamali kayo ng sa lugar na inyong napuntahan.
Ara: Hindi, dito ang lugar na pakay ko. Naparito talaga ako para makausap ka.
Rose: Ahm.. Sige po, tuloy ho kayo.
Pagpasok ni Ara, umupo sila sa isang sofa.
Rose: Ano po ba'ng kailangan niyo?
Ara: Gusto kong makausap.. gusto kong makausap si..
Rose: Sino po?
Ara: Si Abigail.
Nang marinig niya ang sinabi nito. Naalala niya ang tinig ng kanyang kapatid.
Ate: Alam mo ba si Abigail....boarding house....may multo...
Sumakit ang ulo ni Rose.... Samantala...
Lyn: Mabuti pa, maghiwa-hiwalay tayo para mahanap agad natin si Rose.
Janie: Okay.
Nang maghiwa-hiwalay na sila, nahuli naman si Lyn at tiningnan muna kung saan papunta ang mga kaibigan. Ngumiti naman siya na parang---
.
.
.
.
.
.
.Pababa ng hagdan si Mikael hanggang sa isang tinig ang kanyang narinig. Isang ihip ng hangin ang kanyang naramdaman ngunit bigla na lamang.......
-
-
-
-
Ara: Rose! Ok ka lang? Tulong!!!
Rose: Hmmm.. Ang sakit ng ulo ko.
Agad-agad na bumaba si Mikael at nakita niya si Ara, kinuha niya agad si Rose. Binuhat niya ito upang umakyat at pahigain sa kwarto para makapagpahinga.
Mikael: Rose, gising.
Bumukas ang pinto at pumasok sina Lyn, Nelsi at Jeff.
Lyn: Rose!! Mikael, ano'ng nangyari sa kanya?
Mikael: Hindi ko alam. (napalingon kay Ara) Ale, ano po ba ang nangyari sa kanya?
Ara: Mamaya ko na lang sa inyo ipapaliwanag.
Lyn: Sige na iakyat mo muna si Rose sa itaas.
Pumasok na silang lahat kasama si Rose na natutulog.
(Sa pagpapaliwang ni Ara)
Ara: Nag-uusap lang kami kanina tungkol kay Abigail pagkatapos bigla na lang sumakit ang kanyang ulo.
Nelsi: Abigail!?
Ara: Oo, si Abigail. Bakit kilala mo ba siya?
Nelsi: Hindi ho! (napalingon sa kanya si Lyn)
Lyn: Bakit po ba kayo nandito?
Ara: Nais ko kasing makausap si Abigail dito mismo kung saan siya namatay.
Mira: D-dead? Wait, patay na pala eh. Pa'no niyo siya makakausap?
Ara: Hindi ko alam. Parati ko siyang napapanaginipan. Hindi ko rin alam kung ano ang gusto niyang sabihin.
Masama ang pagtitig ni Nelsi. Patay-ilaw ang lahat ng mga light.
Jerry: Ano'ng nangyayari?
Josh: Hindi ko alam. Natatakot na ako.
Unti-unti namang nagising si Rose.
Rose: Ate, ate Gwen! 'Wag mo kong iwan!!
Nagtinginan sina Nelsi at Jeff.
Jeff: Gwen? Ano'ng pinagsasabi niyan?
Janie: Aba! Ewan namin.
Nagising si Rose.
Rose: Ate!!
Mikael: Rose, ayos ka lang ba?
Rose: Oo.
Ara: Rose, kilala mo si Gwen?
Rose: Bakit po?
Ara: Kilala mo ba siya?(seryosong tanong ni Ara)
Rose: Opo, siya ho ang nakatatandang kapatid ko.
Mira: Bakit sa tinagal-tagal ng panahon, hindi mo nabanggit ang tungkol sa ate mo?
Rose: Kailangan ko pa bang ikwento ang tungkol dun? At isa pa, (napayuko) wala na siya.
Ara: Meron din akong naririnig na pangalang "Gwen" sa mga sinasabi ni Abigail.
Rose: Abigail?
Ara: Oo. (nag-iba ang reaksyon sa mukha ni Rose) Bakit?
Rose: Narinig ko kasi ang pangalan na yan sa ate ko. Pinatay daw siya ni Jovin at Franz.
Nelsi: Jovin?
Jeff: Franz?
Lyn: Guys, ano 'to?
...................................................................