-L
"Paano kayo tumagal nuong boyfiend..." Tumigil si Chase sa pagtatanong saka tumikhim bago ipinagpatuloy ang sasabihin niya. "...ex boyfriend mo noon?" tanong niya saka kinain ang hawak niyang Stick-O. Ang random naman nito nitong lalakeng ito. Kanina lang kasi, iba ang pinag-uusapan namin.
We're here at his house. Wala kasi kaming pasok. We decided to stay here to hang out. Actually I'm the one who insisted. Ayaw niya noong una pero kinulit ko talaga siya. Hindi naman ako nahirapan mapapayag siya kasi wala ang mga magulang niya. Ayaw niya raw kasi ako dalahin rito kapag narito ang mga ito dahil uulanin siya ng tukso.
He also confessed that he really doesn't have a sister. Kahit na alam ko na, I still, somehow, felt thankful kasi naging honest siya sa isang napaka-obvious na bagay. He said sorry a lot of times, na narindi na ako at niyaya na lang siyang kumain ng Stick-O na dala ko para matahimik siya. And thank God he did.
Chase and his sweet tooth.
"Hmm..." Napaisip ako ruon, ha? Paano nga ba? Kumagat muna ako sa Stick-O ko bago sumagot. "Kasi compatible kami? Mahal ko siya, mahal niya ako and we both love ourselves so compatible kami." proud kong sagot sa kaniya. Partly, iyon ang rason.
"So you think compatibility alone can make your relationship lasts? Paano iyong love?" tanong niya habang pinaglalaruan ang hawak niyang Stick-O. Kasasabi ko lang kanina na mahal namin ang isa't isa, ha? Nakikinig ba itong lalakeng ito?
"As to what I've said, we love--" Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita gamit iyong Stick-O. Ipasak niya kasi bigla sa bibig ko iyong Stick-O na nilalaro niya sa kamay niya.
"You know, love is the start of forever."
"Wow, big word. Forever?" matawa-tawang tanong ko. "Naniniwala ka ruon?" Hindi ko talaga maiwasan na matawa nang marinig ko mula sa kaniya iyong forever. Hindi ko alam; epekto siguro ito ng breakup namin ni Robi. Naging bitter na ako. Ayoko man pero ano ba ang magagawa ko, hindi ba? Ang lalakeng magpapatunay raw sa akin ng forever, nawala rin. So itinatak ko na talaga sa utak ko na kahit ano pang sabi ng kapartner mo na they'll show you what forever is, they wouldn't be able to do so kasi gagawa at gagawa ang mundo ng paraan para hindi maabot iyon.
Death even separate couples who has gone through a lot and grew old together so by that fact, maiisip mo talaga na wala nga talagang forever. Pangit man magpakabitter pero hindi ko lang talaga mapigilan.
"Actually, no." Natigil ako sa pagtawa nang titigan niya ako. Tignan mo itong lalakeng ito, ang gulo-gulo.
"Then bakit mo sinabi na love is the start of forever kung hindi ka naniniwala?"
"Iyon ang sabi nila. Pero... I don't think forever exists." Ngumiti siya, faint nga lang. "Forever doesn't exist. The only permanent thing in this world is change. Paano magkakaroon ng forever kung lahat ng bagay ay nagbabago? Even love? Iyong bagay na nagpapatunay na may forever daw?"
"Oo nga." mahinang pagsang-ayon ko sa kaniya. Nakakapanghinayang rin kasi ang forever. It's such a blissful thing to have an eternal love but the fact na natatapos rin ang lahat adds up to fact that our world is already f****d up so it really is sad to think na walang forever para kahit papaano, mapasaya ang buhay natin sa mundo. "Pero alam mo, I used to believe in forever. Kaso nawala iyong paniniwala kong iyon nang maghiwalay kami ni Robi. Akala ko kasi siya na, hindi pa pala. Siguro may mas pa sa kaniya na ibibigay sa akin para ibalik iyong paniniwala ko ruon." I added, kahit pa alam ko sa sarili ko na medyo malabo na para maniwala ulit ako sa bagay na iyon.
"Siguro." Tinignan niya ako sa mata. Nakakailang. "Siguro wala na." he said then he grinned like a mad dog.
Aba! Hindi puwede iyon! Kung puwede nga lang ikaw na, eh.
"Ang sama mo!" Tinawanan niya lang ako habang nakasimangot ako. Tama ba naman sabihan ako nuon? Whatever. Alam ko naman kasi na joke lang iyon. "Chase,"
"O?" Huminto naman siya sa pagtawa habang hawak pa rin iyong tiyan niya. Buti na lang at nasa bahay niya kami, walang ibang makakakita bukod sa mga katulong. Mukha kasi siyang siraulo habang tumatawa.
"Okay lang ba na samahan mo ako sa mall?" pabulong na pakiusap ko pagkatapos ko tumungo. Gusto ko kasi siyang makabonding sa ibang lugar, hindi iyong puro sa school at sa bahay na ito lang kami nakakapagbonding.
Tumikhim siya kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. Nakangisi siya kaya kinabahan ako. Did he notice na may gusto ako sa kaniya? "Sige ba, date tayo."
"Da-Date?" Naestatwa ako dahil sa narinig ko. Nanikip rin ang dibdib ko dala ng emosyon. Parang ang sarap lang marinig mula sa kaniya iyan kung boyfriend ko siya. I'm pretty sure na mararamdaman ko iyong matinding kilig gaya noong nagyayaya si Robi na magdate nang nagsisimula pa lang kami sa relasyon namin. Ngayon pa nga lang, kinikilig na ako. What more kung kami na. At saka date? I want to say date pero hindi naman date ang sinabi ko.
"Tara." Hinawakan niya ako sa kamay tapos hinila na ako palabas ng bahay nila.
As much as I wanted to have a date with him, hindi pwede. "Chase, nakapangbahay lang tayo." Nakakahiya kasi ang ikli ng short ko at nakafitted tshirt lang ako. Hindi naman sobrang ikli ng short ko pero kahit na. Tapos siya, jagger short at tshirt lang rin.
Huminto siya saglit saka ako tinalikuran. Akala ko ay magsstay na lang kami at nakumbinsi ko siya dahil bigla siyang umakyat papunta sa kwarto niya pero mali ako dahil pagkabalik niya, may jacket na siyang dala. Sabagay, may ilang pasa na nagform na naman sa magkabilang braso niya. "Wala iyan, tara na't magdate!"
--
"Okay, hati tayo sa bayarin, ha?" Natigilan ako nang magsalita siya kaya liningon niya ako pagkahinto niya sa paglalakad.
Ikaw ang lalake, Chase! Sabi mo date! Ang alam ko, ang lalake ang nagbabayad sa gastos sa date! Pero... mali. Ayoko nang magstereotype. Hindi naman dapat all the time ay lalake ang magbayad kaya okay lang. Si Chase naman rin kasi ito. Sinanay kasi ako ni Robi sa libre kaya ganuon ang naging reaksyon ko. At saka hindi naman considered as an appropriate date ito. Nakapangbahay nga lang kami kaya ang weird naming tignan at gumagala kami sa mall na nakaganito.
"Kuripot." bulong ko pagkaiwas ko ng tingin. Hindi ko rin kasi maiwasang ngumiti. Siyempre, masaya ako ngayon. Nakakakilig rin kaya hindi ko talaga maiwasang ngumiti.
"Hindi ako kuripot." depensa niya.
"May sinabi ba akong kuripot ka?" painosente kong sagot.
"Oo, narinig ko. Bubulong-bulong ka pa." Hinawakan niya bigla ang kamay ko tapos inintertwine iyong mga daliri namin, which gave me that electrified feeling. Ang... sarap hawakan ng kamay ni Chase. Kalalake niyang tao, ang lambot ng kamay niya. Again, stop stereotyping guys, L. "Since date ito, we have to hold each other's hands." sinabi niya na parang nagtuturo sa bata habang nakangiti.
Confirmed nga. Kinilig ako ng sobra sa mga ginagawa niya.
Dati, si Robi lang talaga ang may kakayanang nakakapagparamdam sa akin ng ganito. Who would have thought that the guy who I call weird could make me happy? Loved? I don't think so. Loved as a friend, yeah. Definitely. Nakakalungkot man isipin pero dapat ko pa rin tanggapin na hanggang magkaibigan lang talaga kami.
"Uhh... Chase," Tinaasan niya lang ako ng kilay. Alam na; go on o kaya bakit iyong meaning niyan. "Hindi kaya mapagkamalan tayo na magsyota nito?" Itinaas ko iyong magkahawak naming kamay para makita niya.
Sasakyan ko na lang ang ginagawa niyang paghawak sa kamay ko since minsan lang ito. At saka para na rin itago iyong kilig ko. Alam ko naman kasi na minsan lang ito mangyayari. Remember that he said he hates people who likes him? Yeah, hindi ko sasabihin iyong nararamdamn ko dahil ayokong layuan niya ako.
"Ano naman? Pakielam ba nila?" mabilisang sagot niya habang nakangiti. "Anong gusto mo unahin natin? Kakain muna o ano?" Ipinagpatuloy lang namin ang paglalakad at nakakakuha na talaga kami ng atensyon dahil sa suot namin. Nakakainis naman kasi itong lalakeng ito; hihilahin na lang ako para lumabas, nakapangbahay pa. Sabagay, ako rin naman kasi iyong nagyaya, knowing na wala akong dala na pang-alis.
"Hmm..." Tumingin-tingin ako sa paligid kung ano ba ang puwede namin unahin. "Kain muna?"
"Sige."
Nandito kami ngayon sa gitna ng mall, nakaupo sa bench sa harap ng isang ice cream stand malapit sa Quantum kaya medyo maingay. Marami rin kaming nakikitang pamilyar na mukha pero hindi na namin inintindi ni Chase. Mukhang may mental agreement na kaming walang iintindihin bukod sa aming dalawa lang.
"Chase," Tumingin siya. Ang cute niya talaga kumain ng ice cream. Dinidilaan niya lang kasi. Ginaya ko nga, hoping that he'll find me cute as well. "Five years from now, ano nang ginagawa mo? Nasaan ka?" Gusto ko kasi malaman iyong mga plano niya sa buhay. Sa itsura at talino niya, puwede siyang doctor. Naiimagine ko tuloy na nakadoctor outfit siya. He will seriously look so cool. "Puwede kang doctor--"
"Ewan ko." Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "Siguro... nasa ilalim na ng lupa." pabulong na sagot niya saka siya tumingin sa malayo habang dinidilaan iyong ice cream niya.
Biglang kumirot iyong dibdib ko sa sinagot niya. Bakit ko ba kasi natanong iyon? I didn't intend... I'm so stupid. Iniisip ko pa lang na iiwan rin ako ni Chase, ang sakit-sakit na. Paano pa kaya iyong sakit na mararamdaman ng mas malalapit pa sa kaniya, hindi ba?
"Wait," Tumayo ako tapos pinagpag iyong invisible dirt sa skirt ko. "Cr lang." pagpapaalam ko saka ko siya iniwan kahit hindi pa siya tumatango.
Pagdating ko sa cr, as expected, may pila. Habang nakatayo, hindi ko maiwasang umiyak. Una, dahil sa haba ng pila, pero naiyak talaga ako dahil sa thought na iiwan rin ako ni Chase.
May cure pa naman siguro sa sakit niya, hindi ba? Ang alam ko marami pa ang gumagaling sa leukemia. Gusto ko talagang tulungan si Chase pero paano? Gusto kong ibsan iyong paghihirap niya pero paano?
Gusto ko magwala. I want to rave at the world dahil nagkaroon ng ganuong sakit ang taong ito. Ang raming masasamang tao ang naglipana pero bakit kung sino pa ang mabuti, siya pa ang nahihirapan? Bakit ba kasi iyong mga hindi naman deserving bigyan ng sakit ang binibigyan ng sakit na mahirap dalahin? Hindi nga ako ang nagdadala pero ramdam ko iyong paghihirap ni Chase sa pagdadala niya ng sakit na iyon.
Alam ko na marami rin siyang gusto gawin pero dahil sa sakit niyang iyon, nalilimitahan siya. Siguro nga, iniisip nuon na para siyang preso at ang sakit niya ang kulungan. Hindi malabong hindi niya isipin iyon dahil sa kalagayan niya. Limitadong-limitado ang galaw niya.
Pakiramdam ko, pinagtitinginan na ako habang naiyak sa pila. Sino ba naman kasing matinong tao ang iiyak sa pila sa cr, hindi ba? Well, I don't care. I won't care as long as mailabas lang itong sakit na ito.
Pagkapasok ko sa cubicle, saka ko inilabas ang kanina ko pang pinipigilan mga hikbi at iyong sakit na nararamdaman ko.
How... How can I help Chase?
"Bakit ang tagal mo?" tanong niya pagkalapit ko sa kaniya kung saan ko siya iniwan, sa tapat ng ice cream stand. Umusog siya para bigyan ako ng space na mauupuan.
"Ah, wala. Ang haba kasi ng pila sa cr. Ang rami ba naman kasing nagmemake up, paanong hindi matatagalan?" matawa-tawang sagot ko sa kaniya. "Ano? Saan na tayo ngayon?"
"Laro naman tayo? Quantum?"
Napakunot ako ng noo pero ngumiti rin kaagad dahil sa realization. Siguro gusto niya idivert iyong topic namin kanina. Ayoko naman rin na masira ang araw namin dahil lang sa topic kanina kaya mabuti na lang at nagyaya na siya maglaro. "Hmm!" Tumango ako. Tumayo ako at ako na ang humawak sa kaniya niya.
Buti at hindi niya napansin na umiyak ako. This is what I'm good at – acting. Akala niya siguro hindi ako umiyak. Inayos ko muna kasi sarili ko bago ako lumabas ng cr. Ayoko naman na makita niya akong namumugto ang mga mata dahil alam ko na magkakaideya siya kung bakit ako umiyak – dahil sa kaniya.
Pagkarating namin sa Quantum, bumili kami ng tokens. Ang una naming nilaro ay iyong race tapos basketball then arcades.
Kada ngiti ko kay Chase, ngumingiti rin siya. Nahahalata ko ang pagod niya at tinatanong siya kung kaya pa. Okay pa naman raw siya kaya hindi na ako nagpumilit na magpahinga siya. Nabanggit niya kasi na ayaw niya talagang itinuturing siyang babasaging baso.
Sa nakikita ko, hindi isang lalakeng may sakit ang katabi ko ngayon. Isang masiyahing tao, na kayang-kaya ako pangitiin kahit ano ang gawin niya, simple man o hindi. Isang malusog, masiyahin at... medyo isip batang lalake.
Sa loob ng mahabang panahon, namuhay siya na walang kaibigan dahil sa sakit niya. Malungkot siya noong mga oras na iyon, sigurado ako. Sino ba naman ang hindi malulungkot kung wala siyang kaibigan, hindi ba?
Chase deserves to be happy. Come what may, I'll make him happy whenever we're together. Kahit hindi na maging kami, masaya na ako. Kahit masakit, okay lang. Makita ko lang na nakangiti siya, okay na ako.
Tama na ang pagiging selfish sa saya na nararamdaman ko. It's time for Chase to be happy. If he wants a friend and not a girlfriend, okay, I'll always be beside him as a friend. I'll be the best friend he could ever ask for.
--
"Hello..." sagot ko pagkadampot ko ng cell phone ko sa sahig. Nagring kasi. Inialis ko ang ilang strand ng buhok ko na humaharang sa mukha ko saka ako umayos ng pagkakadapa sa kama. Tumingin na rin ako sa alarm clock para alamin ang oras. It's only 11:45PM. Dalawang oras pa lang ang tulog ko, nasira kaagad? This better be good.
"L! Salamat naman at sumagot ka!" bungad ng kung sino mang nasa kabilang linya. Kanino ba ang boses na ito? Boses babae. Umiiyak siya.
"Sino po sila?" Umupo ako sa kama ko tapos inihilamos ko iyong kamay ko sa mukha ko.
"L, pumunta ka rito, please. Chase needs you."
Napaupo ng hindi oras dahil sa sinabi ng kausap ko, which I believe is Chase's mother. "Po?!" Napababa ako kaagad sa kama at biglang nawala iyong antok ko. Chase? Anong nangyari sa kaniya? "Sige po, pupunta na ako!" Bumaba kaagad ako pagkapatay ko ng tawag. Buti gising pa si Manong kaya may maghahatid sa akin. Wala nang hiya-hiya. Kahit nakapajama pa ako, okay lang. My friend needs me and that's what matters most. Pagkadating namin sa tapat ng bahay nina Chase, pinauwi ko na si Manong. I won't go home tonight. No matter what, hindi ko iiwan ang kaibigan ko ngayon. Hindi ako aalis sa tabi niya. "Tita, nasaan si Chase?" Iyan kaagad bungad ko pagkabukas ni Tita ng pinto. Iniwan pa nga nilang bukas iyong gate para sa akin.
"Nasa taas. Sa kwarto niya." Umiiyak na sagot niya. "Nabanggit niya kasi sa akin na alam mo na iyong kalagayan niya kaya ikaw kaagad ang naisipan kong tawagan. Sorry, L. Desperado lang talaga ko."
"Sige po, pupuntaan ko muna siya." Pumasok ako at dali-daling umakyat sa kwarto ni Chase. Naruon ang mga maid nila, nagkukumpulan sa harap ng pinto ng kwarto niya. Kinakabahan man, sumiksik ako sa mga ito at pumasok na ako sa kwarto. Nakita ko si Tito na nasa gilid ng kama, umiiyak rin habang nakatingin sa anak. "Chase..." Tulog siya. Pawisan. Bawat paghinga niya, sobrang lalim.
Napatingin sa akin si Tito dahil sa pagtawag ko sa anak niya. Tumayo siya at humarap sa akin. "L, help us."
"Ano pong nangyari sa kaniya?" Pinaupo niya ako kaya umupo ako sa tabi ng kama ni tapos, gamit ang isa kong kamay, hinawakan ko iyong kamay ni Chase. Iyong isa naman, ginamit ko para pakiramdaman ang noo nito.
Sobrang init niya.
Lumapit sa akin si Tita, na hindi ko man lang naramdaman na nasa kwarto na pala. "Bigla na lang namin siyang narinig na sumisigaw habang tulog kami. Pagkapasok namin, nakita naming hawak niya iyong ulo niya. Madalas nang sumakit iyong ulo niya tapos halos gabi-gabi, nilalagnat siya. Ayaw niyang uminom ng gamot o magpadala man lang sa hospital para makampante naman kami kahit papaano. Kahit tumawag man lang kami ng doctor para pumunta rito, wala rin – ayaw niya." Bigla siyang nagbreakdown kaya niyakap na lang siya ni Tito. "Hindi ko na alam gagawin ko para gumaling ang anak ko." Tumingin siya sa akin. Hindi ko rin maiwasan, nagsimula na rin pumatak ng sunod-sunod ang mga luha ko. Nasasaktan ako para sa aming lahat. "Kahit ano. Kahit ano, ibibigay ko, gumaling lang ang anak ko. Gumaling lang siya."
"Shh..." Ppagpapatahan ni Tito habang hinahagod iyong likod ni Tita. "Tahan na,"
"Tito," Tumingin naman sa akin ito. "Iyong mga gamot po ni Chase, nasaan? Iyong para sa lagnat po at headache?"
Kumalas siya sa yakap ni Tita tapos may kinuha sa katabing table saka niya ibinigay sa akin iyon. "Heto," Kinuha ko naman ang inilahad niyang mga gamot. "Hija, ikaw na ang magpainom sa kaniya niyang mga iyan, ha? Baka kasi inumin niya iyan kung ikaw ang magpapainom."
"Sige po. Magpahinga na po muna kayo. Ako na po muna ang bahala kay Chase." Ngumiti ako ng bahagya para kahit papaano, hopefully, mapakalma sila. Tinignan ko si Chase tapos hinimas ko ang ulo nito. Sana kahit papaano, bumaba na ang lagnat niya. Sana kahit papaano, sa mga paghaplos ko sa kanya, mabawasan ang nararamdaman niya.
"Salamat, Hija. Pasensiya na at inistorbo ka namin, ha? Wala lang kasi talaga kaming matakbuhan."
"Okay lang po. Basta para kay Chase." nakangiting sinabi ko sa kaniya. Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit ako ang tinawagan nila instead na doktor. Oo, ayaw ni Chase sa doktor, siguro dahil puro doktor na lang ang nakikita niya, pero sana tumawag pa rin sila para matignan ito. Iniisip ko tuloy na kausapin sina Tita para sa pagtawag ng doktor at nang maicheck ang anak nila. Hindi naman kasi ako doktor para alamin kung paano ang gagawin bukod sa pag-aalaga sa pasyente.
"Salamat ulit." ani Tito tapos inalalayan niya si Tita palabas ng kwarto. Pinaalis na rin nila iyong mga maid.
Ilang oras na ang nakalipas bago nagising si Chase. 4:44 na ng madaling araw pero gising pa rin ako. Hindi kasi ako natulog. Nilalabanan ko talaga iyong antok ko huwag lang ako makatulog. Natatakot kasi ako na baka habang tulog ako, may masamang mangyari sa kaniya. Sisisihin ko talaga ang sarili ko kapag may nangyari sa kaniya habang himbing na himbing ako sa pagtulog tapos siya, hirap na hirap na dahil inaatake na naman ng sakit niya.
Nginitian ko siya tapos hinimas iyong ulo niya nang dahan-dahan niyang iminulat ang talukap ng mga mata niya. "Okay ka lang?" Medyo may lagnat pa siya. Still not good. Medyo mataas pa lagnat niya.
"L? A-Anong ginagawa mo rito?" Tumingin muna siya sa bintana tapos sa alarm clock sa table niya. "Bakit nandito ka ng ganitong oras?" Luminga-linga siya na parang may hinahanap bago itinuon ulit sa akin ang atensyon niya.
"Wala lang. Tinamad kasi ako sa bahay kaya napagtripan ko na bulabugin ka." sagot ko habang natawa. "Hintayin mo ako, ha? Kukuha lang ako ng pagkain mo." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at lumabas kaagad ako ng kwarto niya. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang gumising siya. Thank You po dahil medyo okay na siya. "Tita," nakangiting pagkuha ko sa atensyon ni Tita. Masaya lang kasi gising na ngayon si Chase kaya hindi ko maiwasang ngumiti. Gising na gising pa rin si Tita. She constantly checks on us. Pinatutulog niya nga ako pero hindi ko ginawa at sinuway siya. Buti nga kahit papaano ay kumalma na siya.
Nakaapron siya, nagluluto kasi. Para kay Chase siguro. Humarap siya sa akin pagkalapag niya ng sandok. "Bakit, L?"
"Gising na po kasi si Chase." Napansin ko naman na napangiti siya. Lumapit ako sa kaniya at tinignan iyong niluluto niya. Lugaw. "Tita, pahingi naman po niyan para maipakain ko sa kaniya. Paiinunim ko po kasi siya ng gamot, eh, wala pang laman tiyan niya."
"Ah, sige." Kumuha muna siya ng bowl tapos naglagay ng lugaw ruon. Dalawa iyong inihanda niya. "Para sa iyo iyang isa. Kainin mo na, baka nagugutom ka na rin." Kinuha ko na iyong tray na may dalawang bowl ng lugaw, tubig at spoons. "Kung kulang iyan, huwag kang mahihiyang bumaba rito para kumuha pa. May iba pa kaming pagkain sa fridge, kumuha ka lang."
Nagpasalamat na ako at umakyat ulit sa kwarto ni Chase. Inilapag ko iyong mga bowl ng lugaw sa table sa gilid ng kama niya pagkaalis ko ng mga gamit ruon. "Kain. Masarap ito, iniluto ni Tita." Kahit hindi ko pa naman natitikman, alam kong masarap ito. Amoy pa lang, masarap na kasi.
"Bakit hindi ka pa natutulog? Binantayan mo ba ako buong magdamag?" nahihiyang tanong niya. Tumungo siya tapos ibinalot iyong kumot sa katawan. Iyong way ng pagkakabalot ng kumot niya, hindi natatakpan iyong ulo niya.
"Hmm." Tumango ako. "Sabi ko naman sa iyo, sasamahan kita, hayaan mo lang ako. Kaya mo ba ang kumain mag-isa? Gusto mo subuan kita?"
"N-No. kaya ko na sarili ko." Humarap siya sa table niya para makain iyong lugaw niya tapos kinuha niya iyong spoon then inilagay niya sa bowl filled with lugaw. "Sorry sa abala. Napuyat ka pa tuloy."
"Wala iyon." Nagsimula na rin akong kumain. "Para sa iyo naman kasi." pabulong kong sinabi. "After mo niyan, inumin mo ito, ha?" Itinabi ko sa baso niya iyong mga gamot pero sumimangot lang siya habang nakatingin ruon. "Huwag mo akong simangutan. Inuman mo iyan."
"Ayoko niyan, ang pangit ng lasa." Tinignan niya lang ako habang nakasimangot matapos niya ituon ang atensyon sa gamot niya.
"May gamot ba na masarap?" tanong ko habang tumatawa. "Basta, inumin mo iyan."
"What would I get kung sakaling inumin ko iyan?"
"Relief."
"Relief? Ano ako? Binagyo?" Natahimik siya saglit. Nag-iisip siguro. "Iinumin ko iyan pero may kapalit."
"Ano na naman iyon? Para sa iyo naman iyan tapos may kapalit pa?"
"Yeah." Ngumiti muna siya bago sumubo ulit ng lugaw saka nagsalita. "In exchange, gusto kong magpahinga ka. Matulog ka muna."
Kahit labag sa loob ko, papayag na ako dahil una, antok na antok na ako at pangalawa, naging kampante naman na ako dahil nagising na ang lalakeng ito. "Fine. Basta inumin mo."
Nginitian niya lang ako habang nakatitig sa akin. Maya-maya lang, habang nakatingin kami sa isa't-isa, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Hahalikan nya ba ako?!
Hindi ko alam pero kusang pumikit iyong mga mata ko at may hinihintay yatang mangyari. Hanggang sa dumampi iyong labi niya... sa noo ko.
Nag-expect pa man rin ako! Idinilat ko iyong mata ko, only to see his smiling face while looking at me.
"Thank you kiss."
Gaya nga ng sinabi niya, natulog ako. Nagising na lang ako ng alas tres ng hapon. Sa sofa dapat ako matutulog pero hindi siya pumayag at nagmatigas. Hindi niya kasi ininom iyong gamot hangga't hindi ako sumasampa sa kama niya. Ang kulit lang ng lalakeng iyon.
At hindi pala ako nakapasok.
Dali-dali kong inayos iyong kama tapos lumabas ng kwarto niya. "Ah, Tita." Ito kaagad ang nakasalubong ko pagkababa ko ng hagdan. Pagtingin ko sa paligid, si Tito na nanunuod sa tv ang nakita ko pati iyong ibang maid na naglilinis.
"Oh, L. Gising ka na pala. Tara, kumain ka muna."
"Sorry po pala kasi napahaba iyong tulog ko. At saka, hindi na po. Busog pa po ako. Pero nasaan po si Chase? Pumasok po ba?"
"Hindi. Nanduon sa likod, kasama si Danelle, iyong kaibigan niya. Kauuwi lang kasi galing States." Nakangiting tumalikod ito sa akin para pumunta sa ref. Kumuha lang siya ng tubig ruon saka uminom.
Danelle? Pangalan ng babae iyon, hindi ba?
At saka... kaibigan? Akala ko ba wala siyang kaibigan bukod sa akin?
"S-Sige po." Ibinaba niya sa lamesa ang baso niya saka ako tinitigan habang nakangiti. "Uuwi na po ako." Lalagpasan ko na sana siya kaya lang hinawakan niya ako sa braso kaya napatingin ako sa kaniya.
"Teka, kumain ka na muna. Pahahatid na lang kita pagkatapos mo kumain."
Hindi na ako nakatanggi kasi nahila na ako papuntang kusina. Nakakahiya, nakapajama pa kasi ako.
Pagkaupo ko, biglang dumagsa ang pagkain sa harapan ko. "Tita, bibitayin na po ba ako?" Tinusok ko iyong chicken meat ng tinidor. Noong unang araw ko rito, marami rin siyang inihanda tapos ngayon, marami na naman. Don't tell me, the next time na pumunta ako rito, marami na naman?
Tumawa siya tapos sinuklay ang buhok ko na kaaayos ko lang. "Ikaw talaga. Sige na, kumain ka muna."
"Sina Chase po? Kumain na po ba sila?"
Gusto ko makita iyong Danelle na iyon.
"Oo, nauna na sila ng kaibigan niya."
"Sige po."
Pagkatapos ko kumain, pumunta kaagad ako kung nasaan sila Chase.
Ay. Sana pala hindi na lang ako pumunta. Nakita ko kasi sila na nakaupo sa gilid ng pool. Nakatalikod sila sa akin. Nakapatong iyong ulo ni Chase sa balikat nuong babae.
Kumirot ng kaonti iyong dibdib ko. Sana... ako na lang muna iyong nasa puwesto ng babaeng iyon. Sana sa balikat ko na lang nakapatong iyong ulo ni Chase sa mga oras na ito.
Lumapit ako ng kaonti sa kanila. "Chase," Tinanggal niya ang pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ng babae tapos tumingin sa akin.
"L!" Tumayo siya at nilapitan ako habang nakangiti. "Gising ka na pala."
Napatingin ako sa babae, iyong babaeng katabi ni Chase. Lumapit kasi siya sa amin.
"Hi." bati nito sa akin.
"Uh... H-Hello." Ngumiti ako. Ayoko naman kasi mapag-isipan ng masama, ano.
"I'm Danelle, Chase's childhood friend. And you are?" Napatitig ako sa mukha niya. Halata nga na galing siyang States; porma at accent niya pa lang, halatang naadapt niya sa States.
"L. L lang, ha? L as in l. Hindi e double l e."
"Ang tipid naman ng name mo." Tumawa siya, pati si Chase nakitawa rin. Naiirita ako sa sarili ko kasi hindi naman dapat ako nagseselos pero nagseselos pa rin ako. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. "By the way, can we be friends? Friend natin si Chase so dapat friend rin tayo." Lumapit siya sa akin. At gamit iyong dalawang kamay niya, hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"S-Sure." Kahit na parang ayoko. Close ba sila? Nakakaselos kasi. "Uhh." Tumingin ako kay Chase. "Uuwi na pala ako. Baka kasi hinahanap na ako ng mga kasama ko sa bahay." Ngumiti muna ako sa kaniya bago ako humarap kay Danelle. "Nice meeting you. And I'm sorry, I have to go."
Tumalikod na ako at naglakad papasok. Bago nga ako makapasok sa loob, sumigaw pa iyong babae ng "Okay, see you again!"
Parang ayaw ko na siyang makita.