-L
As soon as nakauwi ako, nagbihis kaagad ako tapos dumiretso sa bahay nina Chase kahit maggagabi na. Wala akong pakielam kahit na madisgrasya ako. Wala na akong pakielam kahit may pending project ako na dapat tapusin dahil ang mahalaga sa ngayon ay makita ko ang kaibigan ko. Tinawagan pa ako kanina nina Tita (parents ni Robi) at nakiusap na pumunta ako sa kanila kasi gusto nila ako makausap dahil nga nag-aalala na sila kay Robi pero itinurn down ko talaga ang pakiusap nilang iyon. Gustuhin ko man na pumunta para macheck man lang si Robi, hindi ko magawa dahil nga kay Chase. Sa ngayon, mas uunahin ko muna siya kaysa sa ex ko.
Doorbell ako nang doorbell sa gate pero walang tao na nalabas. Nang tumingin naman ako sa mga bintana, nakababa lahat ng blinders pati kurtina tapos nakapatay pa lahat ng ilaw. Kinuha ko rin iyong cell phone ko tapos tinawagan ko ulit nang tinawagan iyong number ni Chase. Nagriring, oo. Nagtext din ako nang nagtext pero hindi siya nagrereply.
You stupid Chase! Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Nakakainis ka naman, eh!
Umakyat ako sa bakod nila at kumatok nang kumatok sa pinto pagkapasok ko pero wala talagang nasagot. Napagpasiyahan ko na lang na umuwi at ipagpabukas na lang ang pakay ko sa pagpunta sa bahay niya dahil baka kung ano pa ang mangyari sa akin rito.
Kinabukasan, hinintay ko siya buong araw sa school pero hindi siya pumasok. Pati iyong sumunod na araw, pati iyong kasunod nuon, hanggang sa umabot na ng isang linggo. At sa buong isang linggo ng paghahantay ko, si Dylan ang kasama ko. Tinotoo niya nga ang pagiging girlfriend ko sa kaniya.
Pero kahit na si Dylan ang kasama ko, nakay Chase naman ang isip ko.
"Babe, hindi naman puwedeng siya na lang palagi ang iniisip mo – ako ang boyfriend mo, hindi siya." reklamo ni Dylan matapos niyang bitawan ang kamay ko. Minsan, hindi ko talaga maiwasang mailang dahil sa rami ng matang sumusunod every single time na dumaraan kami nito sa hallway. Hindi ko nga alam kung ano nang iniisip ng mga tao tungkol sa akin pero hula ko, ang tingin nila, napulot ako nito at ikinakama tulad ng mga naunang girlfriend ng lalakeng ito.
Napabuntong-hininga ako saka nagsalita. "Dylan, puwede ba? Nag-aalala ako sa tao." Iniayos ko iyong pagkakaupo ko saka ko niyakap ang bag ko tapos ibinalik ko iyong tingin ko sa entrance ng school at tinitignan ang bawat lalakeng pumapasok. Nagbabakasakali lang kasi ako na makita ko si Chase.
Panibagong araw na naman. At sa araw na ito, hinihintay ko pa rin ang kaibigan ko. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa ito nakikita. Gabi-gabi rin ako nagpupunta sa bahay nila pero wala akong nadadatnan ruon. Kahit iyong mga maid, wala ruon. As in parang haunted house iyong bahay nila dahil walang katao-tao.
"L naman!" Pumunta siya sa harap ko tapos hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Parang hindi naman tayo dahil sa inaakto mo. Ni hindi mo nga pinaninindigan iyong pagiging girlfriend mo sa akin, eh."
"Dylan, clearly, hindi kita gusto. Alam kong alam mo iyon. So ano ang gusto mong gawin ko?" Marahan kong inialis iyong pagkakahawak niya sa akin saka ako napakamot sa batok dahil hiyang-hiya na ako sa inaakto niya.
"L, gusto kita. Gustong-gusto kita, sa totoo lang. Lahat na ng katarantaduhan, ginawa ko na para lang magustuhan mo ako. Ano? Hindi mo ba ako puwedeng magustuhan pabalik?" malumanay na pagkakasabi niya. This time iyong magkabilang pisngi ko naman ang hinawakan niya.
Just to make things clear, nakaupo ako sa isang bench sa tapat ng corridor habang siya, nakatayo sa harap ko. Nasa corridor kami kaya kitang-kita ng mga nadaan ang ginagawang eksena nito. Pinagtitinginan na talaga kami ng mga nadaan. Grabe naman kasi ang boses nitong lalakeng ito.
"To be honest, hindi. Depende na rin siguro iyan sa puso ko. Hindi ko kayang sagutin iyang tanong mo na iyan ng oo dahil hindi ko kayang turuan ang puso ko kung kanino ba ito dapat o hindi dapat tumibok."
"Pero, L, gusto kita."
"Iba ang gusto sa mahal, Dylan, tandaan mo iyan."
"L--"
Hindi na ako nakapagpigil at lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya, sinabi ko na. Alam ko na kahit papaano, masasaktan siya sa sasabihin ko. Iyon ay kung genuine nga ang ipinakikita niyang mga kilos at walang ulterior motive. Pero panahon na rin siguro para matauhan siya. "Hindi ko talaga alam kung paano mo ako nagustuhan." pagpuputol ko sa sinasabi niya. "Kasi ang alam kong mga nagugustuhan mong babae ay iyong mga nawawala sa landas kung manamit. Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi ako ganuong babae, Dylan."
Bumitaw siya sa akin. Ang lungkot ng mukha niya, ng mga mata niya. And at this point, alam ko na genuine nga ang nararamdaman niya para sa akin. Nakakagulat pero marunong rin pala siyang magseryoso pagdating sa pagmamahal. Hindi naman siya magpapakita ng ganitong klase ng ekspresyon kung hindi talaga siya nasaktan. "Ganuon ba talaga ang tingin mo sa akin? Mababa?"
"Prangka na kung prangka pero oo. Ganuon. Kasi alam mo, you haven't even proven yourself to me kaya najajudge kita ng ganiyan kadali. Base na rin naman sa actions mo kaya ko nasabi iyan. Hindi ko naman kasi sasabihin na mababa ang tingin ko sa iyo kung wala akong nakikita, kung wala akong pinagbabasihan. At saka kung balak mong magbago, sige, Dylan, you're free to do so. Pero huwag na huwag mo lang babaguhin ang sarili mo para sa akin. Baguhin mo iyang sarili mo para lahat ng tao, sa babaeng mamahalin mo at mamahalin ka pabalik. Huwag sa akin dahil magbago ka man, hindi ko pa rin kayang ibigay iyong hinihiling mo." Tumayo na ako saka isinukbit iyong bag sa balikat ko. Hindi ko na kasi matiis na pinagtitinginan kami, ako, kaya aalis na lang ako. Naglakad na ako at nilagpasan siya pero humito ulit ako dahil may ilang bagay pa akong gustong iparating sa kaniya. "Dylan, start anew. Let's break up."
Bago ako makalayo, narinig ko siyang sumigaw pero hindi ako tumigil at nagpatuloy lang sa paglalakad. "L, tandaan mo, balang araw, mamahalin mo rin ako!" Iyan ang mga katagang binitawan niya kaya iyong ibang mga nadaanan kong estudyante, napatingin sa akin.
Dylan.
The Dylan I met back then was a complete mess. Pero sa mga araw na nakasama ko siya, na girlfriend niya ako, he changed my perspective towards him. Sobrang bait niya. I swear to God, nagbago talaga iyong tingin ko sa kaniya. Lagi niya pa nga akong pinatatawa kahit nagmumukha na siyang tanga. Taliwas nga lang iyong sinabi ko kanina para magtino siya. Hindi ko nga alam kung bakit ganuon siya. Iyon bang pumupulot ng babae, hahalik-halikan ako kung kailan niya gusto. Basta. Kasi iyong mga araw na magkasama kami, hindi niya ako nagawang halikan. Ang sabi niya kasi, gusto niya hihingi muna siya ng permiso sa akin bago niya gawin iyon.
Masyado kong minaliit ang feelings ni Dylan, to the extent na itinatak ko sa buong pagkatao ko na he's not capable of loving dahil sobrang babaero niya but look, he changed what I thought was the real him.
He's nice and sweet at times. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa kaniya. Well, kung ganuong ugali siguro ang ipinakita niya sa akin dati noong wala pa kami ni Robi, baka nagustuhan ko rin siya.
At siyempre, puwede ba naman na hindi malaman ni Robi na naging girlfriend ako nito? Magkasama sila sa basketball team ng school so imposibleng hindi niya malaman.
Noong araw na nalaman niya na kami na ni Dylan, dahil ipinangalandakan ng lalakeng iyon sa kanila habang hila-hila ako, umiyak talaga siya sa harap ko nang makauwi ako at nagmakaawang balikan ko siya. Pati sina Tito at Tita, parents ni Robi, nakiusap na makipag-ayos na ako sa kaniya kasi gabi-gabi nang naglalasing ang anak nila at saka hindi kumakain ng maayos. Palagi rin daw tulala iyon tapos maririnig na lang nila na umiiyak na kapag mag-isa lang siya sa kwarto niya. Hindi naman siyempre maiaalis sa sistema ko ang pag-aalala rito kahit pa sabihin na hiwalay na kami, na tapos na kami. Minahal ko iyon kaya importante pa rin talaga siya sa akin. Hindi naman porque wala na kami, babalewalain ko na lang siya, hindi ba? Marami akong dapat ipagpasalamat sa kaniya and one of the best things to offer for him is I should still care for him.
Sobrang naistress ako sa mga nangyayari ngayon. Idagdag mo pa iyong tungkol kay Chase. Sa tingin ko nga, sasabog na utak ko sa kakaisip ng mga bagay-bagay. Dalawang tao tuloy ang sobra akong pinag-aalala: Sina Robi at Chase.
--
Nakita ko na si Chase. Nakita ko siyang naglalakad papasok sa campus. Mas... pale siya. Sobrang exhausted ng itsura niya.
Ang tanga-tanga ko. Dati ko pa napapansin na medyo pale siya pero bakit hindi ko naisip na sign pala iyon ng sobrang seryosong bagay? Ang tanga ko. Naiinis ako sa sarili ko. Naruon na. Nasa harap ko na mismo iyong signs pero bakit hindi ko man lang binigyang pansin iyon? Bakit ipinagwalang bahala ko na lang ang mga iyon? Nakakainis. Sa rami kasi ng mga bagay na dapat ipagwalang bahala, bakit kung ano pa ang importante, iyon pa talaga iyong hindi ko pinansin? Nakakainis.
"Chase!" pagkuha ko ng atensiyon nito. Napahinto siya saglit pero hindi man lang siya tumingin sa direksyon ko tapos umiling lang siya at tumuloy na sa paglalakad. "Ano ba, Chase?!" Tumakbo na ako para habulin siya habang dala ang I.D ko. Pagdating sa guard, ipinakita ko lang iyon tapos dumiretso na ako rito, na paakyat na ng hagdan. "Chase!" Hindi pa rin siya huminto pero napansin kong mas bumilis ang lakad niya. Sprint na nga kung tutuusin. "Chase, ano--" Bigla siyang tumakbo kaya napatigil ako. Hinabol ko ulit siya. Maaabutan ko na sana siya kaya lang napatid ako sa bag ng mga nakatambay sa corridor. "Ay!" Buti kamo, duon ako bumagsak sa mga bag nila. Tumayo ako tapos inayos ko iyong damit ko. "Sorry." Pag-angat ko ng paningin ko para tignan ang hinahabol ko, wala na akong nakita kung hindi ang mga estudyanteng nagtatawanan habang nakatambay sa railings.
Bakit ba kasi tumakbo iyon? I'm pretty sure na narinig niya talaga ako.
Pumunta na lang ako sa room namin, hoping na duon ko makikita si Chase pero hindi siya pumasok. Buong araw, akala ko talaga papasok siya. Oo, pumasok nga siya pero hindi naman siya sumipot sa classroom namin. Sobrang alerto ko talaga kapag may pumapasok sa classroom namin o kahit na may dumaan sa corridor. Siyempre baka kasi si Chase iyon.
"L, kailangan ka namin." Hinawakan ni Angel ang dalawang kamay ko saka ako tinitigan sa mata. "Please, pumayag ka na," pagmamakaawa nito. Akmang luluhod pa nga ito pero pinigilan ko. Hindi niya kasi kailangang gawin iyon.
"Angel, parang hindi ko yata kaya." Umiwas ako ng tingin dahil nahiya ako rito. Ayoko man siyang tanggihan sa request niya, tinanggihan ko pa rin siya. I just... I just can't do what she wants me to do. Nakakahiya.
"Please. Ikaw lang kasi iyong alam kong kayang ipull off itong project naming ito."
Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa persistence niya. Kung hindi ko lang talaga ito kaibigan, malamang tinalikuran ko na ito. And I also owe her a lot kasi marami na rin siyang naitulong sa akin. "Sige na. Sige na."
"Talaga?! Thank you, L! Thank you!" Bigla niya akong niyakap habang nagtatatalon. Iyong mga kasama niya, nakitalon na rin. Napangiti tuloy ako kasi mukhang ang saya-saya nila dahil pumayag na ako. Kahit nakakahiya, ang sarap talaga sa pakiramdam na may napasaya ka sa desisyon mo.
"Siguraduhin niyo lang na maaayos na damit ang susuotin ko, ha?" pabirong banta ko saka ko tinignan iyong iba niya pang kagrupo. "Kung hindi, magwa-walkout talaga ako."
"Oo naman, ano." Humarap siya sa mga kasama niya pagkatapos niya bumitaw sa akin. "Tara na, guys!" Humarap ulit siya sa akin saka ako niyakap pero bumitaw rin kaagad. "Start tayo bukas, ha? Thank you, L!"
Nako, Angel, pasalamat ka at kaibigan kita.
Magiging model tuloy ako ng damit na ipapasa nila as their project. Grabe, bakit pa kasi ako, hindi ba? Marami namang iba riyan. Maraming gustong magmodel pero bakit ako na walang interes ang nilapitan nila? Gusto ko siyang tulungan pero natatakot ako na baka bumagsak sila nang dahil sa akin. Kakargahin ko talaga iyong konsensiya na iyon kapag nagkataon.
Naglalakad na ako papunta sa likod ng campus. Tinatamad akong pumasok ngayon, masyado kasing okupado iyong isip ko ng mga bagay-bagay.
Si Chase. Ang lalakeng nagpapasakit ng ulo ko ngayon, and not in a cute way. Simula noong araw na hinabol ko siya, hindi ko na naman siya nakita. Hindi na siya pumapasok. Bakit ba niya ako kailangang takbuhan? Wala naman siyang utang sa akin, ha?
Umupo ako sa swing pagkadating ko sa mini park. Wala naman akong ibang mapupuntahan. Ayoko naman sa mall kasi baka makita ko ruon si Dylan o si Leigh. Kahit ngayon lang, kailangan ko ng pahinga.
Pati ba si Chase, iiwanan rin ako?
May kung ano ang kumirot sa dibdib ko kaya napahawak ako ruon.
Una si Robi, pangalawa si Leigh. Pati ba naman si Chase?
Minsan nga iniiisip ko, may nararamdaman ako para sa kaniya na higit pa sa pagiging kaibigan lang. Madalas kong isipin iyan noong mga araw na bigla-bigla na lang siyang nawawala at hindi papasok ng ilang araw. Kasi lahat ng naramdaman ko kay Robi noong nahulog ako rito, parang nararamdaman ko na rin sa kaniya. Iyong pag-iisip ko sa kaniya ng buong araw, pag-aalala ko sa kaniya, iyong pagkairita ko kapag nilalapitan siya ng babae – lahat. Lahat ng nararamdaman ko dati kay Robi, nararamdaman ko na rin talaga sa kaniya.
Natatakot naman ko na sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Ayoko naman kasing irisk iyong mayroon kami ngayon tapos kapag sinabi ko, mawawala iyong bagay na iyon. Isa pa, hindi pa ako sure kung mahal ko na nga ba talaga iyong lalakeng iyon o ano. Baka nga infatuation lang ito o nasanay lang talaga ako sa presensiya niya. Baka rin masyado lang talaga kaming malapit sa isa't-isa kaya nararamdaman ko ito.
Ewan ko, naguguluhan na ako.
Hindi naman kasi malabong mahulog ako sa taong iyon kasi siya iyong laging dumadamay sa akin kapag nahihirapan ako. Hindi siya umaalis sa tabi ko kapag alam niyang kailangan ko ng kaibigan. At sa totoo lang, hindi siya mahirap mahalin.
Bumangon ako sa kama pero ang neutral ng nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang matulog nang matulog. Pinilit ko pa rin ang sarili ko na pumasok kahit hindi maganda ang pakiramdam ko dahil ito na ang araw ng fashion show.
Araw-araw, kada uwian lang ang time na nagpapractice sila kasama ako. Minsan nga, naiisip ko na magquit na lang kasi iyong oras na gugugulin ko sa pagpapractice, gugugulin ko na lang sa pangungulit kay Chase. Pero, hindi. Ayokong madisappoint sina Angel at saka, kung gagawin ko man iyon, mahihirapan sila sa paghahanap ng papalit sa akin kasi gagahulin na sila sa oras. At siyempre, dahil fashion show nga ang project nila, hindi nila ipinapakita iyong damit na ginawa nila sa ibang grupo. Surprise kasi iyon. Maggugulatan sila sa mga damit na binuo nila.
At hindi ko pa rin talaga makita si Chase kaya hindi ko rin pala magugugol iyong oras kasama siya so second option; igugugol ko na lang sa pagpapahinga ang oras ko.
Gustuhin ko man na puntahan iyong bahay nila, naging busy na ako these past few days. Gaya nga ng sabi ko kanina, nakakain rin ng practice iyong oras ko. At saka, hindi tulad noong mga araw na gabi-gabi ako kung magpunta sa bahay nila para tignan kung nanduon na sila. Wala na nga akong time para magawa iyong ibang assignments ko. Kapag uuwi kasi ako, diretso tulog kaagad dahil sa sobrang pagod - mentally and physically.
Buhay college nga naman, ano? p*****n. Parang kaklase mo na nga si Kamatayan dahil sa sobrang stress.
Ipinaabot ni Angel sa classmate niya iyong summer dress na ginawa nila na ipasusuot sa akin. Nang makuha niya iyon, humarap na siya sa akin. "Isuot mo na, L."
Pumunta naman ako sa likod, kung saan may ikinabit silang malaking tela para matakpan iyong model nila, which happens to be me. Sa laki ng tela, para nang blanket iyon. Actually nasa kabilang room lang iyong prof nila na nagpaproject sa kanila nitong fashion show. At saka, hiniram rin muna ako ng mga ito sa prof ko at inexcuse dahil kailangan nga raw nila ako.
Isinuot ko naman iyong damit saka tinignan ang laylayan nito. "Suot ko na."
"Sige, magbalot ka muna." Ibinalot ko kaagad sa katawan ko ang telang ibinigay nila sa akin para sa paglabas ko ay hindi makita ng ibang estudyante ang damit na suot ko. Mula ulo hanggang paa, balot na balot ako. Nakawedge kasi ako tapos hawak ko iyong summer hat.
Inalalayan ako ng ibang mga kaklase niya hanggang sa makapasok kami sa room kung saan ako rarampa. Pinatugtog na nila iyong music, ang cue para alisin iyong mga balot namin. Pagkaalis ko ng balot, isinuot ko kaagad iyong summer hat na ginawa nila.
--
"Grabe, L! Panalo tayo!" Niyakap nila ako. Group hug. Iyong design kasi ng grupo ni Angel ang napiling panalo. Well, that wasn't really surprising. Sobrang angat na angat kasi iyong dress na ginawa nila, na kahit ako, kung nakita ko ito sa mall, baka bilihin ko kaagad.
"Guys!" Napapatalon na rin ako habang natawa dahil nadadala ako sa katatalon nila. "Hindi totoong fashion show ito!"
"Whooo!" Sigawan nila. Great, hindi nila ako pinansin dahil sobra yata ang saya nila. I understand them, though. Pinaghirapan nila ito at naging mahigpit rin ang laban dahil nahirapan pumili iyong prof at iyong mga manunuod.
"Ano ka ba, L?!" Bumitaw na sila isa-isa at tumigil na sila sa pagtalon kaya napatigil na rin ako. "Nakauno kami! Uno, L! Uno dahil ikaw ang napili; iyong dress namin ang napili!"
"Sige na. Babalik na ako sa room namin." pagpapaalam ko saka ako bumitaw matapos ko siyang yakapin.
"And as for our payment, sa iyo na iyang mga suot mong iyan." Tumingin siya sa mga kaklase niya. "Right, guys?" Sinangayunan lang siya ng mga kaklase niya kaya nagpaalam na ako. Natuwa rin naman ako dahil sa akin na ang ginawa nilang damit.
Nagparty sila ruon at ako naman, lumabas na ng room. May ibang estudyante pa ngang nagpapapicture pagkalabas ko kaya nailang ako. Hindi ko tuloy naiwasan na makaramdam na para talaga akong model dahil ang rami ng nagpapicture. At hindi ko napansin na nanunuod pala si Robi kanina. Nakita ko lang siya nang napalingon ako sa bandang pintuan ng room kung saan ginanap iyong fashion show.
"Ganda mo, ha?" nakangiting bungad niya sa akin pagkalapit niya.
"Naman!" Nginitian ko siya saka hinawi ang buhok ko. "Sige na, Robi, papasok na ako. Baka hinahanap na ako ng prof ko."
"Hatid na kita."
"Wala ka bang klase?" tanong ko rito dahil nagtaka ako. Hinubad ko na rin ang hat na suot ko dahil medyo mainit na. Ang alam ko, may klase talaga siya dahil kabisado ko ang sched niya. Or baka wala silang prof? I don't know.
"Nagcut ako." proud na sagot nito. At nakuha niya pa ngumiti, ha? Nabatukan ko tuloy. Ayoko kasi ng ginawa niya. "Aray." reklamo niya habang hinihimas iyong part na binatukan ko. "Tara na." Inakbayan niya ako habang naglalakad kami pero hinayaan ko na lang. Gusto ko kasi na bumalik kami sa dati.
Alam ko naman na sa inaakto ko, parang binibigyan ko siya ng hint na puwede niya pa rin akong lapit-lapitan at gawin ang mga bagay na ginagawa namin noong wala pa kami. Ayoko naman siyang limitahan kasi gusto kong isipin niya na magiging ganito ulit kami kaclose kapag nakamoveon na siya.
"Robi, move on, ha?" I know that what I just asked is out of the blue pero kasi I just felt like asking him. Ang lakas kasi talaga ng pakiramdam ko na hindi pa siya nakakapagmove on. At saka, kailan lang, iniyakan niya ako, so yeah.
"Oo na. Alam ko naman na wala na akong pag-asa. Wala na tayong pag-asa." sinabi niya ng mahina pero loud enough para marinig ko.
Napabuntong-hininga ako dahil sa narinig kong sagot niya. Sinasabi na nga ba. Nakarating kami sa room kaagad and to my surprise, nanduon si Chase sa upuan niya. Bigla tuloy akong nabuhayan. Namiss ko na kasi siya!
"Robi," Kumalas ako sa pagkakaakbay niya dahil sa excitement na naramdaman ko. "Pasok na ako. Salamat sa paghatid."
"Wala iyon. Sige, alis na ako." Pumihit siya patalikod at naglakad na palayo. Ako naman humarap na sa pinto at pumasok.
"Sorry if I'm late, ma'am." All eyes were glued on me nang makapasok ako pero ipinagwalang bahala ko na lang dahil ang atensyon ko, nakay Chase lang.
"Ayan ba iyong design ng humiram sa iyo?" tanong nito kaya napalingon ako. Tumango ako habang nakangiti.
"Ah, opo. Ito na nga po." nakangiting sagot ko. "Okay lang po ba if aalisin ko na lang after ng subject niyo, ma'am? Nasa bag ko po kasi iyong uniform ko."
"Ah, sige. Come in and have a sit."
Habang papunta ako sa likuran, iyong mga babae kong kaklase, kung makatingin at makapuri naman. Kesyo grabe raw iyong inggit nila sa mga suot ko, ganito ganiyan. Iyong mga siraulo ko namang kaklase na mga lalake, ayun, sumipol nang sumipol. Napagbabatukan ko tuloy. Naging good mood ako ngayon. At siyempre, nakita nila iyong eksena sa labas ng room – iyong pag-akbay sa akin ni Robi. Tinanong tuloy ako ng iba kung nagkabalikan raw ba kami. Siyempre, hindi naman, hindi ba? Kaya ayun, sinabi ko na hindi naman kahit hindi sila naniniwala.
Pagkaupo ko, sinipa ko iyong upuan ni Chase. Tinignan niya ako, sinamaan ko naman siya ng tingin. "Mag-usap tayo mamaya."
Nagbuntong-hininga lang siya. At iyong mukha niya, sobrang lungkot.
--
"Duon tayo sa mini park." Hinila ko siya hanggang sa makarating kami sa mini park. Tatakas pa nga dapat siya kanina pero hindi niya ako natakasan kasi nahabol ko kaagad siya bago pa man siya nakalayo.
"Bakit na naman ba?" ang cold ng pagkakasabi niya.
"Chase, why didn't you tell me?" Nanunuyo na iyong lalamunan ko. Kanina ko pa talaga pinipigilan na umiyak, sa classroom pa lang. Kapag tinitignan ko kasi siya, sumasakit talaga iyong dibdib ko. Ang daming pumapasok sa isip ko na nagiging dahilan kung bakit maya't-maya ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko. Hindi ko naman maiwasan masaktan dahil sa nalaman ko.
"Didn't tell you what?" painosente niyang sagot.
"Chase, don't play dumb with me!" Pumatak na nga ang unang luha ko kaya marahas ko itong pinunasan. "Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin!" Pinunasan ko iyong talukap ng mga mata ko dahil sa luhang sunod-sunod sa pagtulo. Nangalabo kasi ang paningin ko dahil sa mga iyon.
"Ano ba ang--"
"Chase, why didn't you tell me na may sakit ka?!"
"L, wala akong sakit--"
"Don't you even dare deny it, Chase! Alam ko na! Alam ko na iyong kalagayan mo! Alam ko na may leukemia ka!" Nanglaki mata niya dahil sa sinabi ko. So totoo nga? Hindi iyan ang magiging reaksyon niya kung hindi totoo iyong sinabi ko. Naisuklay ko ang isang kamay sa buhok ko tapos iyong isa naman ay ipinamewang ko.
Luminga-linga muna siya sa paligid, siguro para tignan kung may nakarinig ba ng isinigaw ko, saka ko hinarap. "Pa-Paano mo nalaman?"
"Hindi na importante iyon, Chase! Bakit hindi mo sinabi?" Niyakap ko siya at ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. "Chase, bakit ba kasi hindi mo sinabi, ha?"
"This is what I'm afraid of."
"Ang selfish mo. Ang selfish-selfish mo. Kaya mo ba ako tinatakbuhan noong araw na tinatawag kita dahil alam mong may idea na ako sa sakit mo?"
Narinig ko na napabuntong-hininga siya bago sumagot. "Oo."
"Chase," Kumalas ako sa yakap saka siya tinignan sa mata. "Bakit hindi mo sinabi?"
"Dahil gusto kong maranasang mamuhay ng normal kahit sandali lang." Natihimik ako dahil sa sinagot niya. Masyadong vague na hindi ko maiprocess sa utak ko kung anong gusto niyang iparating. Ang layo naman ng sagot nito. Nagsalubong tuloy ang mga kilay ko.
"Bakit? Kaibigan mo ako, hindi ba? I have every right to know kung ano iyong mga bagay na dinadala mo, especially iyong mga bagay na nagpapahirap sa iyo. I am here to help you, Chase, kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo itinago sa akin ito."
Pakiramdam ko tuloy, ang babaw ng pagkakaibigan namin para sa kaniya. Hindi niya man lang kasi masabi sa akin iyong mga bagay-bagay na tulad nito.
"Hindi lahat ng bagay dapat mong malaman, L."
"Dapat--"
"Hindi. Bakit? Kapag sinabi ko ba sa iyo, anong magagawa mo? Matatanggal mo ba itong sakit kong ito? Hindi mo ako matutulungan, L. Alam kong alam mo iyon!"
Medyo napaatras ako dahil sa gulat ko sa pagsigaw niya pero umabante ulit ako saka siya tinignan sa mata. Now is not the right time to be scared of him. I need him to understand that I am here for him. "Chase, nahihirapan rin ako ngayon dahil sa nalaman ko."
"Tignan mo! Bakit ka umiiyak ngayon?! Hindi ba dahil naaawa ka sa akin dahil sa nalaman mo?! Tama ba ako?! L, akala mo ba hindi ako nahihirapan?! Sobrang nahihirapan ako. Hirap na hirap na akong mamuhay na parang babasaging baso, na kailangang hawakang maigi para hindi mabasag. Pero sa case ko, kailangan akong ingatan para hindi mamatay! Okay na ako sa lahat, eh! Tanggap ko na na mamamatay na ako. Kaso nang dahil sa maling desisyon ko para kaibiganin at tulungan ka, pareho pa tuloy tayong nasasaktan. L, iyon na iyong pinakapinagsisisihan kong desisyon sa tanang buhay ko: Ang hayaan kang makapasok sa mundo ko. Sa loob ng mahabang panahon, ikaw lang iyong pinapasok ko ulit sa buhay ko, sa mundo ko. L, lahat ng malapit sa akin dati, ginalit ko. Para ano? Para kasuklaman nila ako. Para kapag nawala ako, hindi na sila magsasayang ng luha. Sinubukan kong gawin iyon kaya kita iniiwasan pero masyado kang makulit kaya hindi ko kinaya."
"Chase--"
"Sinanay kong mabuhay ng mag-isa, walang kaibigan. Kahit mahirap, kahit malungkot, kinaya ko, huwag lang ako makapanakit ng tao kapag dumating iyong oras na mawawala na ako. Pero... ngayon pa nga lang na hindi pa ako nawawala, nakakasakit na ako, tapos ikaw pa. Paano na, L? I have stopped responding to medical treatments, alam ko iyon. Kahit itinago sa akin ng pamilya ko na wala na akong pag-asang gumaling, sinakyan ko iyong ginagawa nila. Pinaniwala ko sila na iniinom ko iyong mga gamot kahit alam nilang wala na talagang magagawa pa iyong mga gamot sa akin."
Iyong mga gamot. Iyon siguro iyong nakita ko sa bag niya. At siguro, wala talaga siyang kapatid. Kasi kung mayroon man, dapat matagal ko nang alam. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin nakikita iyong kapatid niya kaya alam ko na wala talaga siyang kapatid. Ang tanga-tanga ko para isawalang bahala ang pagkakadiskubre ko sa gamot na iyon. Ang tanga-tanga ko dahil naniwala kaagad ako sa palusot niya.
"Hindi, Chase. Hindi." Umiling-iling ako habang pinupunasan ko ang mga luha ko gamit iyong likod ng kamay ko. "Hindi man kita matutulungan pero sinisigurado ko na sasamahan naman kitang lumaban. Kaibigan mo ako. Hindi mo naman kailangang lumaban mag-isa."
"L, minsan mas okay pa na mag-isa ka lang. Kasi sa paraang iyon, hindi ka makakapanakit at hindi ka masasaktan."
"Hindi mo naman kasi kailangang labanan mag-isa iyan. Nandito rin ako, Chase. Nandito rin ako. Hindi naman kita iiwan sa ere, promise. Huwag mo naman sarilihin iyan."
"Tignan mo. Anong nararamdaman mo? Hindi ba at nasasaktan ka dahil nalaman mo na iyong kaibigan mo ay pinaglihiman ka ng sakit niya? Na iyong kaibigan mo ay puwede kang iwan ano mang oras dahil sa sakit niya?"
"Chase..." Napaupo ako saka ko isinubsob iyong mukha ko sa mga braso ko. Nanglalambot ako. Pakiramdam ko, maghihysterical na ako.
Naramdaman ko na umupo rin siya. At saka, medyo mas lumakas ang boses niya kaya naisip ko na umupo nga talaga siya. Nang iangat ko naman ang paningin ko para tignan siya, tama nga ako – naupo nga siya. "Alam mo, L, sa totoo lang, naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil hinayaan kong maattach ako sa iyo. At naiinis ako sa mga desisyong ginawa ko rati, na kaibiganin ka, na mapalapit sa iyo. Ikaw na lang ulit iyong naging kaibigan ko. Alam mo ba, dati talaga hindi ako natatakot mamatay dahil alam kong lahat naman ng nandito sa mundo ay may oras pero ngayon... L, natatakot na akong mamatay. Natatakot na ako kasi binigyan mo ako ng dahilan para mabuhay, eh. Gusto ko nang labanan itong sakit ko. Gustong-gusto ko. Nang dahil sa iyo, naisip ko na huwag akong sumuko." Tumayo naman siya tapos pagkahawak niya sa magkabilang kamay ko, itinayo niya ako saka pinunasan ang magkabilang pisngi ko na basang-basa na ng luha. Umiiyak na rin siya. "Ang tanga ko. You don't a friend like me, L. You really don't."
But I do.
"Are you scared of death?" Gusto ko lang klaruhin ang narinig ko kasi nagcontradict ang sinabi niya. Sinabi niya na nagsisisi siya na hinayaan niya akong makapasok sa buhay niya pero here he is, saying that he's scared of death because I gave him a reason to live.
Tumigil siya sa pagpunas ng pisngi ko saka niya isinuklay ang kanang kamay niya sa buhok niya habang iyong isa naman, ipinasok niya sa bulsa ng pants niya. "I'm scared of not being with you, Mom, Dad, Danelle... all of you guys. Ayaw kitang iwan. Ayaw ko kayong iwanan. Takot na takot na ako, L."
Nilapitan ko ulit siya tapos pinunasan ko ang magkabilang pisngi niya ng mga kamay ko. "Hopefully, that'll never happen. You just need to be positive and look at a bright side."
Nanghihina ako. Hindi ako sanay na makitang ganito si Chase, na humahagulgol na dahil sa paghihirap. Halatang-halata na nasasaktan siya. Halatang-halata na natatakot siya. Gusto kong alisin ang mga bagay na nagpapahirap sa kaniya, na tumatakot sa kaniya pati iyong mga nananakit sa kaniya pero alam kong imposible iyon. Ang tanging magagawa ko lang para sa kaniya ay ang samahan siyang labanan ang sakit niya, iyon lang.
"There's no bright side. And yeah, it will happen soon. Trust me."
At ngayon, alam ko na kung ano ang nararamdaman ko. Nararamamdan ko iyong mga bagay na nararamdaman ko rati kay Robi kay Chase dahil mahal ko nga siya.
At ang tanga ko para hindi marealize iyon kaagad.