9

3620 Words
-L Dalawang araw na ang lumipas nang makita ko si Chase sa field na walang malay. Tinatanong ko iyong nurse pero ang sinasagot lang nito sa akin, wala raw siya sa posisyon para sumagot sa mga tanong ko tungkol sa kaibigan ko. Nag-aalala ako. Sobra. At naiinis rin talaga ako sa mga prof at sa nurse na iyon. Ayaw nilang sabihin kung ano nangyayari kay Chase. May karapatan naman siguro akong malaman kung ano iyong nangyayari sa kaniya kasi kaibigan ko siya, hindi ba? Alam ko na wala pa talaga ako sa posisyon na puwede ko na talagang alamin lahat ng bagay na umiikot sa mundo ng lalakeng iyon. We've only been friends for a while at hindi ko alam kay Chase kung tulad ng turing ko sa kaniya ang turing niya sa akin para basta-basta niya na lang sabihin sa akin lahat ng bagay tungkol sa kaniya. Of course it's a given that he'll still keep secrets that are too personal to reveal. Tawag ako nang tawag sa kaniya pero hindi ko siya macontact. Ring lang nang ring iyong cell phone niya. Tinatadtad ko rin siya ng text at message sa f*******: pero ni-isang reply, wala akong natanggap. Imbis na mainis ako sa ginagawa niyang hindi pagpansin sa pagcontact ko sa kaniya, kaba lang ang naramdaman ako. Siyempre, hindi ko alam kung ano na nangyari sa lalakeng iyon. Ngayon pa na narealize ko na sobrang importante niya sa akin dahil bukod sa pamilya ko, siya na lang ang mayroon ako. Oo, alam ko na sa sinasabi ko, parang lumalabas na selfish ako kasi hindi ko nga alam kung ano nang lagay ni Chase tapos pangsariling kapakanan ko lang iniisip ko, which is sobrang mali. Pero kasi hindi ko maiwasan. Hindi ko naman macontact iyong mama niya. Hindi ko kasi alam iyong landline o cell phone number ng mga tao sa bahay niya. At kahit gusto ko pumunta sa bahay nila, hindi ko magawa dahil nga sa projects na dapat tapusin. Iginagawa ko na rin siya ng isa sa mga project namin. Siyempre, ayaw ko naman na bumagsak siya nang dahil lang sa absences niya. At least kapag nagpasa siya ng project, may chance na hindi siya bumagsak, hindi ba? "L, ikaw na." Kinalabit ako ni Angie at tinuro niya ang harap ng klase. Napatingin ako sa harap. Ako na nga. Wala na iyong nagrereport sa harap. Isa rin kasi ako sa mga magrereport ngayon. Hindi ko lang alam kung makakapagreport ako ng maayos dahil nga lutang na lutang ako dahil sa pag-aalala kay Chase. Tatanungin ko nga mamaya itong prof namin kung may alam siya tungkol sa kaibigan ko. Alam niya kasi na absent ito pero okay lang sa kaniya. It's either wala siyang pakielam o may alam siya. And I really have an idea that it's the latter part kasi he's just like any other profs out there; naiinis rin kapag may absent. "Sir!" tawag ko rito saka ako tumayo at lumapit sa kinaroroonan niya. Nakalabas na lahat ng mga kaklase ko. Vacant na rin ngayon since eleven na. Tumigil siya sa pag-aayos ng gamit niya tapos tumingin sa akin. "Oh, Punzalan, bakit?" Inayos niya iyong salamin niya saka ako tinignan sa mata. "Sir, I just want to know something." Iniayos ko ang pagkakasabit ng bag sa balikat ko dahil bigla itong dumulas. "What is it?" "It's about Chase--" "Punzalan, I'm not in the position to tell you what I know." pagpuputol nito sa sinasabi ko. Inilagay niya iyong mga gamit sa bag niya tapos lumabas na nang hindi man lang ako tinignan pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon. What was that all about? Ano bang itinatago ng mga taong iyon tungkol kay Chase? More importantly, anong mayroon ang lalakeng iyon at ganuon na lang siya pagtakpan ng mga prof at nuong nurse? Ang weird lang kasi parang lahat silang faculty ng univ na ito, alam kung anong itinatago niya. At nakakainis lang kasi feeling ko, napag-iiwanan ako sa mga impormasyon tungkol sa kaibigan ko. Kinuha ko iyong cellphone ko sa bulsa ko pagkahiga ko sa kama tapos nagcompose ng message. Hoy Chase, buhay ka pa ba? Paramdam ka naman kasi miss na kita! Nagpagulong-gulong ako sa kama habang hinihintay iyong reply niya. Dumaan ang ilang segundo, minuto hanggang sa lumagpas na ng ilang oras pero walang reply. Since gabi na tapos pagod pa ako, napagpasyahan ko nang matulog. Kinaumagahan, nagising na lang ako dahil sa ingay na nanggagaling sa kabilang kwarto. Napabuntong-hininga ako habang nakangiti ng bahagya. Nandito na si Ate. Dali-dali akong pumunta sa kabilang kwarto at nakita ko si Ate na nagheheadbang habang nakasuot sa ulo niya iyong headset. Mas matanda siya pero kung umasta, grabe, parang ako pa mas matanda. Hindi naman siya totally matanda. She's only twenty so two years lang ang pagitan namin. But still, hindi ba? Hinubad ko iyong bunny slippers ko tapos ibinato ko sa kaniya. Napatingin naman siya at napatigil sa pagtalon-talon saka siya pumunta sa akin tapos niyakap ako. "I missed you, li'l sis!" sigaw niya habang nakayakap sa akin. I hugged her back habang nakangiti dahil namiss ko rin naman talaga siya. "I missed you, too." Bumitaw ako kaagad sa yakap tapos hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Where is Mom and Dad? Akala ko susunduin ka lang kina Lola?" "Ako lang muna umuwi. May mga kailangan pa kasi silang tapusin ruon." "Ah," Hinawakan ko siya sa kamay. "Tara, kain tayo sa baba." -- "Chase," nasabi ko ng pabulong nang makita ko siyang nakaupo sa usual seat niya. Napangiti ako. Paano, parang bored na naman ang itsura niya. Same old him. "Chase!" pagkuha ko sa atensyon niya pero hindi niya ako tinignan. Ipinasak niya iyong earphones niya sa magkabilang tenga niya tapos umubob. Hindi niya ba ako narinig? But I'm pretty sure na malakas iyong boses ko para makuha iyong atensyon niya. Napatingin nga sa akin iyong iba naming kaklase so that only indicates na dapat, narinig niya rin ako. Nilapitan ko siya tapos inilapag iyong bag ko sa upuan ko. Iniharap ko naman ang upuan ko sa kaniya para hindi na ako pumihit pa para lang makausap siya. "Chase," Kinalabit ko siya. "Chase. Chase. Chase. Chase." Kada tawag ko sa pangalan niya ay siyang kalabit ko sa kaniya. Nakakatuwa lang kasi may makukulit na naman ako. "Chase. Chase--" "Ano ba?!" Napatigil ako sa pagkalabit sa kaniya nang bigla siyang sumigaw tapos tinignan ako ng masama. "Bakit ka ba kalabit nang kalabit?!" Pagtingin ko sa paligid, nakatingin silang lahat sa amin. Nakakahiya. Ibinalik ko rin naman sa kaniya ang tingin ko. "Ch-Chase... Bakit--" "Huwag kang magulo." Cold. Ano bang problema nitong lalakeng ito? Natahimik ako. Bakit niya ako sinigawan? Ano bang nagawa ko? Nainis kaya siya dahil nangulit ako? Nanahimik na lang muna ako at umobob na lang rin. I don't know why and how pero parang may sumasakit sa dibdib ko ngayon. Mag-isa ako ngayong kumakain sa cafeteria. Wala akong makasama ngayon. Nagtatampo kasi ako kay Chase. Bakit kailangan niya akong sigawan kanina? Never naman niya akong sinigawan, ha? Ngayon nga lang yata iyon nagalit sa akin. Ngayon lang siya sumabog. Usually kasi kapag naiinis sa akin iyon, sisimangutan lang ako ng lalakeng iyon. Naiinis na ba siya sa akin? Kung oo, dati pa ba siya naiinis sa akin at naipon na iyong galit niya tapos umapaw kaya sumabog na iyong inis na iyon kanina? Nakita ko si Chase na bumili lang sa counter tapos nang matapos siyang bumili, pagkatalikod niya, nagkatinginan kami. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko lang alam kung nakatingin pa rin siya o ano. Bahala siya. Hindi ko siya papansinin hangga't hindi siya nagsosorry. "L!" bungad ng lalakeng bigla na lang umupo sa harapan ko. "Robi." Nginitian ko siya. Ang saya yata ng aura niya ngayon? Ang lively ng itsura niya. I like him better this way. At least hindi na siya malungkot at nang hindi na rin ako mag-alala sa state niya. "Bakit mag-isa ka yata ngayon?" nakangiting tanong nito saka inilapag ang bag sa tabi niya. "Baka kasi wala akong kasama kaya mag-isa lang ako." sarkastiko sagot ko. How I wish na sana ganito na lang kami – walang ilangan, walang iwasan, iyong parang dati lang, noong magkaibigan pa kami. He chuckled then inabot niya iyong ilong ko tapos pinisil iyon. "Ang cute mo talaga, ano?" "Hindi ako cute, maganda ako." pabiro kong sinabi saka ko inalis iyong pagkakapisil ng kamay niya sa ilong ko. "Oo, kaya nga ako nain love sa iyo, eh." seryoso niyang sinabi habang nakatitig sa mga mata ko. Napabuntong hininga ako. Heto na naman tayo. Akala ko pa man rin, okay na siya, na medyo nakamove on na siya. Iyon pala hindi pa. "Robi," "I know. I know." Ngumiti siya. Halata namang peke lang. "Magmomove on na nga, hindi ba? Kinakaya ko naman, don't worry." Don't worry? Paanong hindi ako mag-aalala gayong alam ko na ako ang nagcacause ng sakit na nararamdaman niya? "Kaya mo iyan! Ikaw pa!" Nginitian ko ulit siya tapos sumubo ako ng kanin. "Kasi naman, L... wala na ba talaga?" Bigla siyang tumungo saka pinaglaruan ang pagkain niya gamit ang tinidor. "Robi--" "Yo!" bungad ng lalakeng biglang umupo sa tabi niya kaya napatingin ako sa umupo. Si Dylan. "Uy, par!" bati ni Robi tapos umusog siya ng kaonti para makaupo ng maayos si Dylan. "Siya iyong ex mo, hindi ba?" Napansin ko na bigla naging stiff siya dahil sa sinabi ng isa. "Buti naging magkaibigan pa kayo?" Pakiramdam ko, may nagtwitch sa sintido ko nang marinig ko ang sinabi niya. Really? Dapat ba talagang sabihin iyon? Ang laking sampal kaya nuon kay Robi na hindi pa nakakamove on. How insensitive can this jerk be? Sinamaan siya ng tingin ni Robi tapos nagtaas lang siya ng dalawang kamay na parang nasurrender. "Joke lang." pagbawi niya habang tumatawa. "Hindi ka na mabiro." "Hindi naman kasi magandang biro iyong sinabi mo." I butted in. Napatingin naman siya sa akin at parang amused na amused siya dahil sa ginawa ko, where in fact, ang bastos ng ginawa ko dahil hindi naman ako ang kausap talaga nito para sumabat ako. Pero patas lang kami kasi bigla rin siyang umepal habang nag-uusap kami ni Robi. Tinitigan niya ako. Nakakailang. "Sayang. Tsk. Tsk." Umiling-iling siya tapos tumingin kay Robi. "Seriously, Rob, hindi mo dapat pinakawalan itong ganitong babae." At talagang sa kaniya pa nanggaling iyan? Siya nga, kung kumuha ng babae, parang bumibili lang ng lollipop. "I know. Kaya nga sinusubukan kong bawiin." Tumingin sa akin si Robi na sobrang lungkot ng mata. Seriously, naaawa ako sa kaniya. Hindi ko na kasi kayang ibalik iyong dating nararamdaman ko sa kaniya, eh. Ayoko naman siyang balikan just because I pity him. Mas kawawa siya kapag ganuon. "No offense, dre, pero... mukhang hindi mo na mababawi iyan." He just grinned then faced me. "You know what?" Tumayo ako tapos tinignan ko si Dylan ng sobrang sama. "Just shut your mouth if you can't say something nice, insensitive jerk." Iniayos ko iyong mga gamit ko tapos naglakad na palayo. Iniwan ko nga iyong pagkain ko ruon dahil sa inis. Kaonti pa lang nga bawas nuon kaya sayang rin. Hindi bale, magcucut na lang ako. Pupunta ako sa katabing mall nitong school. Ngayon lang naman ako magkacut kaya okay lang naman siguro, hindi ba? Pagkarating ko sa mall, pumunta muna ako sa ground floor kung saan may nagtitinda ng sundae. Pagkabili ko ng sundae, sa food court naman ako dumiretso at inilabas iyong isang notebook sa bag ko. "Bakit ba ako nagiging loner?" pabulong kong sinabi habang isinusuot iyong earphone ko. Hindi naman kasi ako loner. In fact, may mga naiinsecure sa akin dahil malapit ako sa tao. Kung baga social butterfly ako. Bakit ngayon... ako lang mag-isa? Bukod kasi sa clown, ang greatest fear ko talaga ay ang pagiging mag-isa. Dumating nga si Chase after ako iwan ng dalawang taong sobrang importante sa akin, bigla naman siya nagsungit tapos sinigaw-sigawan pa ako. Hindi ko naman alam kung bakit bigla siyang nagalit sa akin. Nakakainis ka, Chase! Nagdoodle lang ako ng kung ano-ano. Dinoodle ko nga iyong pangalan ni Chase then nilagyan ko ng isang sungay tapos may malaking tinidor sa tabi ng pangalan niya. Nakakainis kasi siya! Tumayo na ako after ko ibuhos lahat ng inis ko sa notebook ko. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inggit nang makakita ako ng dalawang babae na masayang nag-uusap habang kumakain. I miss my best friend. I miss my Leigh. Pumunta ako sa Quantum. Bumili ako ng tokens tapos pumwesto ako sa arcade. Tekken iyong laro. Bihasa na ako rito – lagi ba naman kami ni Robi dati rito, ewan ko na lang kung hindi ko mamaster ito. Habang naglalaro ako, may lumapit sa akin na lalake tapos may iniabot na papel. Hindi ko kilala iyong lalake, hindi rin ito pamilyar. Kunot noong binasa ko iyong papel. Kapag natalo kita, sa akin ka na. Game ka? Tapos may nakalagay na dalawang box sa ilalim; yes and no ang nakasulat ruon. Hinahamon ba ako ng taong ito? Nakapentel pen pa! Kapal ng mukha! Huwag niya akong minamaliit kapag ganitong gamit ko si Xiao Yu! Tinignan ko iyong lalake. "Ikaw iyong makikipaglaban?" Umiling naman ito. Kung sino man iyong naghamon, ilalampaso ko siya! I checked the yes box tapos ibinigay ko na iyong papel sa lalake. Pumunta naman siya sa kabilang side kung nasaan yata iyong nanghamon sa akin. Hindi ako papayag na walang kapalit kapag natalo ko siya. Bahala na mamaya kung ano maiisip kong kapalit ng pagkatalo niya. Nagsimula na iyong laro nang biglang may new challenger na lumabas. Si Jin iyong pinili ng makakalaban ko. Taob iyan sa Xiao Yu ko! Humanda siya, ipapahiya ko siya. Ilalampaso ko siya dahil masyado siyang kampante na kalabanin ako. Si Robi nga na expert dito sa larong ito, nahihirapan akong talunin, siya pa kaya? Ha! Marami na ang nanunuod. Alam siguro nila na may pustahang nagaganap. At hindi ako papayag na talunin ng kung sino-sino lang. Nagfocus na lang ako sa laro. Grabe na nga iyong pagpress ko sa mga button dahil sa eagerness ko na manalo. Draw na kami. Last round na ito. Shet, kinakabahan ako. Ang tanga ko naman kasi! Ang yabang ko! Bakit ko ba kasi chineck-an iyong yes? Halos hindi na tuloy ako makahinga ng maayos dahil sobrang intense ng laban. Isang sipa na... Talo ako? Tumayo ako saka ibinagsak ang dalawang palad ko. "Hoy, Kuya! Rematch! Madaya ka, pinatid mo ako!" Biglang nagtawanan iyong iba tapos iyong iba naman nagsigawan. "Whoo! Chicks!" Letse kayo! Kapag ganitong talo ako, huwag kayong ano! May nakita akong papel na nakataas sa puwesto kung saan nakaupo iyong kalaban ko. Itinaas nuong kalaban ko. Hindi ko makita kung sino o ano ba itsura nitong lalakeng ito kasi natatakpan ng papel iyong mukha niya. Ang nakasulat sa papel, Hindi puwede, sa akin ka na. Ready to escape, dahan-dahan akong umupo, kinuha ko iyong bag ko tapos tinakpan ko ang mukha ko gamit iyon. Unti-unti akong humakbang palayo kaya lang nagsigawan iyong mga letseng lalake ruon at nagsigawan ulit. "Tumatakas, oh!" Napatigil ako sa pagtakbo nang bigla kong maalala iyong sundae ko pero isinawalang bahala ko na lang ito at tumakbo na ulit. Babalikan ko pa ba? Sayang kasi. Pero huwag na! Iyon na lang iyong kapalit ko sa pustahan! Kaniyang-kaniya na iyon! Bumalik ako food court na hingal na hingal. Pagkakuha ko ng cell phone ko, nakita ko na tinadtad na pala ako ng mga classmate ko ng text. Nasaan na raw ako at bakit ako nawala bigla. Nagmass text na lang ako na nagpapalamig lang, na huwag na nila akong hanapin dahil nasa Japan ako. Pagkapatong ko ng cell phone ko, sakto namang may nagpatong ng sundae sa table ko. Tinignan ko naman kung sino iyong nagpatong, only to know na si Dylan lang pala ito. "What are you doing here?" Sinamaan ko siya ng tingin. Don't tell me sinundan niya ako? Augh! Makakapatay talaga ako ng malanding lalake, promise! "Naiwan mo." Tinuro niya iyong sundae na tunaw saka umupo sa harapan ko. "Hindi sa akin iyan." Inirapan ko siya saka tinignan iyong mga taong dumadaan sa gilid namin. Hindi kaya tunaw iyong naiwan kong sundae ruon sa Quantum. "Gusto ko lang ipaalam sa iyo na sa akin ka na." Pagtingin ko sa kaniya, nakangiti siya. Hindi iyong nakakainis na ngiti na lagi niyang ipinapakita sa akin kung hindi ngiti talaga. Maamong... ngiti. Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong pinagsasasabi mo?" Ako? Ako, sa kaniya na? Anong pinagsasabi nitong lalakeng ito? "Hindi ko alam na magaling ka pala sa Tekken. Muntik mo na akong matalo." matawa-tawang sinabi niya, na siyang nagpatigil sa akin. Ibig sabihin... "I-Ikaw iyong nakalaban ko?" "Yeah. You signed yes, natalo kita, loser ka, sa akin ka na." "Hi-Hindi! Mali lang iyon! Nabahing lang ako tapos accidentally kong nacheckan iyong yes na supposedly ay no talaga dapat!" pagdadahilan ko habang winewave iyong dalawang kamay. Shet lang! Bakit si Dylan pa iyong nakalaban ko?! At double shet lang kasi ang tanga-tanga ko! Ang yabang ko rin kasi! "You even requested a rematch." Then again, tumawa siya. "Now, tell me, paano iyon naging pagkakamali?" Okay, talo na ako. "Okay, I admit," Tinignan ko siya habang nakasimangot. "Ako iyon. Natalo mo ako. Pero ayaw ko ng deal na iyon! Ililibre na lang kita." Pakiusap ko habang nagpapuppy eyes. Baka effective. Ngumiti naman siya. Effective ba?! "Okay, kapalit mo, let's just have a date." Date... date? "Ano? Ayoko nga!" "Okay, fine, edi sa akin ka na." "Okay, fine! Date na lang!" -- Nakakainis! Ayaw niyang bitawan iyong kamay ko! Paano, gusto niya kasi gawin ko lahat ng gusto niya. Ayan, wala naman akong magawa. Holding hands while walking kami. Nakaintertwine pa iyong mga daliri namin. Nakakainis. Sana lang walang makakita sa amin na kakilala ko. Hindi naman sa nakakahiyang makita na kasama ko si Dylan dahil – okay, I admit – gwapo siya at puwedeng ibandera pero kasi maraming nakakakilala sa kaniya sa school. Alam ng marami na babaero siya. So ano na lang ang iisipin ng mga makakakita sa amin? Na nabingwit ako nito? Na nakuha ako ng kateam ng ex ko? Baka sabihin pa ng mga makakakita sa amin na play girl ako. "Tara, kain muna tayo." Hinila niya ako papunta sa KFC tapos pinaupo ako. "Anong gusto mo?" "Kahit ano." walang gana ko siyang sinagot pero nakangiti pa rin siya. Isn't he supposed to be turned off dahil walang gana iyong kadate niya? "Bakit ka ba laging nakangiti?" "Wala lang. Masaya lang ako kahit na alam ko na napilitan ka lang sumama sa akin." Nginitian niya ako saka pinat iyong ulo ko. "Sige, hintayin mo ako riyan. Bibili lang ako." Tinalikuran niya na ako tapos pumunta na siya sa counter. Ilang minuto rin akong nakaupo habang hinihintay siya. I'm actually planning to ditch him pero masyado siyang persuasive kaya alam kong mahuhuli at mahuhuli ako nito. The hell, we even go to the same school kaya madali niya akong matutunton. Natahimik ako saka napatungo dahil sa bigla kong naramdaman at naisip. I feel sorry for Dylan. Ano iyong sinabi niya? Masaya siya kahit alam niyang napilitan lang ako sumama sa kaniya? Kung alam niya pala na napilitan lang ako, bakit gusto niya pa rin ako idate? Ang gulo talaga minsan mag-isip ng mga lalake. Like Dylan. Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating pero may hinala ako na gusto niya ako, not in a lustful kind of way pero gusto as in gusto. Iyon nga, nagtuloy-tuloy ang date namin. I hate to admit it but he is fun to be with. Oo, sira na ulo ko kasi sinabi ko iyan pero kasi masaya talaga. Kahit nga ayoko ngumiti dahil siya ang kasama ko, napapangiti at napapatawa niya ako. At ngayon, oras na para umuwi ako dahil tinext na ako ni Ate. Hinahanap na kasi ako nito. "Uuwi na ako." pagpapaalam ko sa kaniya tapos bumitaw na ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko, na buong magdamag niyang hindi binitawan. "Hatid na kita." "Hindi na." Umiling ako habang nakangiti bahagya. "Thanks for this day nga pala. Sige, bye." Maglalakad na sana ako palabas ng exit nang magsalita siya. "Sa tingin mo ba, honest talaga sa iyo si Mendoza?" Napahinto ako dahil sa tanong niya. Mendoza? Si Chase? Chase Mendoza, hindi ba? Siya lang naman ang kilala kong Mendoza. Humarap ako sa kaniya habang salubong ang kilay dahil sa pagtataka. "Si Chase?" Tumango siya. "What do you mean?" "May nalaman kasi akong bagay na hindi mo pa yata alam." "Ano namang kinalaman ni Chase sa usapan na ito?" "Bakit? Kung sasabihin ko ba, anong mapapala ko?" "Could you please just tell me kung ano iyong alam mo?" inis na tanong ko dahil gusto ko nang malaman kung ano iyong sinasabi niya. Naguguluhan na kasi ako. Baka alam niya iyong itinatago ng mga staff ng univ namin. "Ang alam ko?" Tumango ako. Lumapit siya sa akin saka ako hinawakan sa pisngi. "Gusto kita." Seryoso niyang sinabi. Oo, I admitted na he's fun to be with pero... "Well, I like you not! Sabihin mo na iyong alam mo tungkol kay Chase!" "On one condition." Shet naman! Nagdabog ako saka bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili ko. "Okay, fine! Ano ba iyon?!" "Be my girlfriend." Utut. "Ha?! No freakin' way!" "Ayaw mo?" "Yeah! Obviously, ayoko! Who would want to date a guy like you, anyway?" "Marami. And we just dated. Ayaw mo talagang malaman even if it concerns Mendoza's life?" What the. "Fine! I'll be your stupid girl, just please tell me!" Nanghina ako nang lumabas sa bibig niya iyong tatlong salita na parang sumira sa mundo at kaligayahan ko. Si Chase. How could he not tell me about this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD