8

3147 Words
-L "Sinong may birthday?" Iyan kaagad ang bungad sa akin ni Chase pagkapunta niya sa kusina. Nandito siya sa bahay. Ang aga nga, eh. Nakauniform pa siya. Sasabay na raw kasi siya sa akin pumasok sabi niya sa text kagabi. Hindi naman hassle sa kaniya since may driver sila kaya okay lang na magpahatid siya kahit saan siya pumunta. "Chase naman." Ibinaba ko iyong hawak kong tinidor saka siya tinignan. "Bakit na naman?" takang tanong niya dahil sa tonong ginamit ko saka siya tumabi sa akin sa harap ng lamesa. Umupo kasi ako pagkalagay ko ng spaghetti sa plato ko. "Kayong talagang mga Pinoy, kapag may nakita kayong spaghetti sa bahay ng ibang tao, ang una niyo talagang tanong, kung sino may birthday, ano?" Sinaaman niya lang ako ng tingin kaya napataas iyong kilay ko. What? Totoo naman kaya. "Almusal ko kasi ito. Birthday ka diyan. Walang may birthday, Mendoza." "Makapangdown ito. Bakit, hindi ka ba Pinoy?" "Pinay." I corrected him. "O'sya, hindi ka ba Pinay? Happy?" sarkastikong tanong niya saka ako inikutan ng mata. Nakakaloka talaga itong tao na ito. Kapag may nakakita talaga sa kaniya kung paano siya mang-irap, malamang sa malamang na mapagkamalan siyang bakla. "Hindi." "May lahi ka?" pagkukumpirma niya na parang nagulat pa sa sinabi ko. I should be the one to ask kung may lahi siya kasi iyong mata niya, gray. Pero looking at his parents, mukhang full-blooded Filipino silang lahat. Maybe it has something to do with genetic mutation or whatever. I don't really know. "Hmm!" Tumango ako. "Half Pinay, half maganda." Nginitian ko siya pero nawala rin iyon dahil bigla siyang lumapit saka ako hinampas sa ulo ng tuwalya na hawak niya. "Aray, ha? Ang sakit!" reklamo ko. Minsan, may pagkabrutal rin ang taong ito. "Tama na nga joke time, bilisan mo kumain." nakangising utos niya saka umayos ng upo. Sumalong baba siya saka tumingin sa kaliwa, kung nasaan si Yaya na nag-aayos sa salas. "Opo. Ngingiti-ngiti ka pa riyan." Sinaktan na nga niya ako, nakuha pa niyang ngumiti. Psychopath yata itong lalakeng ito; masaya kapag nakakasakit. "May sinasabi ka?" Nilingon niya ako saka tinaasan ng kilay habang nakasalong baba pa rin. "Wala po. Sabi ko ang gwapo mo." Susubuan ko sana siya pero para naman siyang tanga na nakatulala tapos ang pula pa ng magkabilang pisngi pati mga tenga. "May sakit ka ba?" "Wa-Wala!" sagot niya saka siya umiwas ng tingin. "Try mo ito. Ako nagluto." Itinapat ko sa bibig niya iyong fork na may spaghetti tapos kinain niya naman iyon. "Masarap?" Tumango lang siya habang nakasimangot. "Subuan na lang kita, ha? Para bawas sa hugasin ni Yaya." Bakit ba ito nakasimangot? Parang matandang nagmemenopause. Problema nito? -- "L, bilisan mo!" Hinila ako ni Sheila papasok ng room pagkatapak ko sa pinto ng room namin. Halos mabingi rin ako gawa ng tili ng mga kaklase ko, including Sheila. "Tignan mo!" Mabilis na itinaas niya ang kamay paturo sa whiteboard sa gilid namin. Tinignan ko iyong whiteboard dala ng pagtataka saka binasa ang mga nakasulat rito. "Mahal ko si L Punzalan." pabulong na na pagbasa ko sa nakasulat. Tinignan ko si Sheila at sakto na tumingin rin siya. Hindi ko na rin pinansin muna ang mga kaklase ko na tumitili at iyong ibang tinatawag ako. "Sino nagsulat?" tanong ko kahit may ideya na ako. "Iyong boyfriend mo." sinabi niya habang kinikilig. "Boyfriend?" Napatingin ako kay Chase para sa kaniya sana itanong kung sino dahil as far as I know, single ako. Baka kasi may iba pa akong boyfriend at hindi ako aware. Nawala iyong ngiti niya na nakabalandra kani-kanina lang habang nagkukulitan kami sa hallway. Nakasimangot lang siya ngayon, na parang dala-dala ang buong mundo. Sabagay. What's new, right? Palagi naman siyang nakasimangot. Humarap ako kay Sheila habang nakangiti kaya mas lalo siyang kinilig. Akala siguro niya, kukumpirmahin ko iyong sinabi nila na boyfriend ko ang nagsulat nito. "Pero, Sheila, wala naman akong boyfriend." "Mayroon!" Hinampas niya ako sa braso kaya hindi ko napigilang matawa ng mahina. "Kita mo, kinikilig ka. Pero siya iyong lagi niyong kasama dati ni Leigh kapag vacant." Kasama... lagi? "Si Robi?" Siya lang kasi iyong kilala ko na lagi naming kasama ni Leigh kapag vacant at siya lang ang naging boyfriend ko na kasa-kasama palagi namin kapag vacant period. "Oo, iyon yata iyong narinig kong bulungan ng iba rito. Iyong varsity player." Humarap siya sa mga kaklase namin na nakatingin pa rin pala sa amin. "Robi ba iyong pangalan nuong lalake kanina na nagsulat niyan?" "Oo!" sagot ng iba. Pumuhit siya paharap sa akin tapos hinawakan ako sa magkabilang balikat sabay yugyog sa akin. "Iyon nga! Grabe, ang sweet naman ng lalakeng iyon! At saka, bakit mo ba siya idinideny? Ano ka ba? Ang swerte mo nga at may boyfriend kang katulad niya! Nako, ang hirap mamingwit ng ganuon, ha?" Habang salita nang salita si Sheila, bigla namang lumakad papunta sa upuan niya si Chase tapos inubob iyong ulo niya ruon. Masama siguro pakiramdam. Biglaan iyong mood swing niya ngayon kumpara sa mga nagdaang araw. "Sheila," Tumingin ako rito tapos nginitian siya. "Hindi ko siya boyfriend. Ex-boyfriend." paglilinaw ko at ipinagdiinan ko talaga iyong word na ex para makuha nila ang gusto ko sabihin. Lumakad ako sa harap ng whiteboard tapos binura iyong nakasulat. "Hala! Bakit mo binura?!" sigawan nila. Habang iyong iba naman: "Tange! Natural, baka makita ng prof!" Nang mabura ko na iyong nakasulat, kinuha ko iyong marker sa gilid tapos nagsulat ako. Ang isinulat ko Ex boyfriend, hindi boyfriend. Matapos kong isulat iyon, humarap ako sa kanila tapos tinap ko iyong whiteboard kung saan nakapuwesto iyong isinulat ko at nginitian sila. "Ex raw! Agawin ko iyon sa iyo, eh!" sigaw ni Jessa kaya nakatikim siya ng batok mula sa mga babae na nakapalibot sa kaniya. Napatingin naman ako sa upuan ni Chase. Nakita ko siyang iniangat iyong ulo niya sa pagkakaubob tapos nakangiti pa pagkasigaw ni Jessa nuon at nang makita niya akong nakatingin sa kaniya, bigla naman siyang sumimangot tapos umubob ulit. Seriously? Ano bang problema ng lalakeng iyon? -- "Hoy," Tinusok ko siya ng tinidor sa pisngi. Malinis naman iyong tinidor kaya walang problema. Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Ano bang problema mo? Kapag nahuhuli kitang nakangiti, sisimangot ka bigla. Bakit?" "Wala. Trip ko lang." balewalang sagot niya tapos sumubo ng kanin. "Ayos iyong trip mo, ha? Magaya nga." "Tigilan mo nga ako." reklamo niya saka ako inirapan. Ayan, sumimangot na naman siya. "Alam mo," Napatingin siya sa akin habang tinuloy lang niya iyong pagkain niya. "Gwapo ka sana, mukha ka lang tamad." Nagulat ako nang bigla siyang umubo at ang mga mata niya, nagtutubig na. "Ayos ka lang?" Nasamid pa. Iniabot ko sa kaniya iyong bote ng tubig tapos ininom naman niya. "Ano? Okay ka lang?" "Ang random mo." Binalewala na naman niya ako sabay iwas ng tingin. "Chase, seryoso. Nilalagnat ka ba? Bakit ang pula ng pisngi pati tenga mo? Kanina pa iyan, ha?" Hinipo ko iyong leeg tapos iyong noo niya, kaso pagkasapo ko sa noo niya, tinapik niya bigla iyong palad ko. Ano ba itong lalakeng ito? May dalaw ba ito kaya masungit? Nagmamalasakit na nga ako, siya pa itong nagpapabebe. "Wala." Nagkibit-balikat na lang ako saka kumain na nang kumain. Actually, nagmamadali kami kasi may project akong gagawin at nagpatulong ako sa kaniya. Tapos na kasi siya at ako, hindi pa. Ayaw niya nga akong tulungan pero pinilit ko siya kaya napapayag ko naman. Habang nakain kami, biglang may sumabunot sa akin kaya napahawak ako sa ulo ko. "Aray!" Pagtingin ko naman sa likod, nakita ko iyong nakalaro ko ng volleyball. Iyong babaeng binulungan ni Leigh. "Anong problema mo?! Bakit mo ako sinabunutan?!" tanong ko sa kaniya habang hawak iyong ulo ko. Ang sakit, ha?! Namamahimik kaya ako! Napatayo si Chase habang nakatingin sa babaeng nanabunot sa akin. "Bakit mo siya sinabunutan?" singhal nito. Galit si Chase. Halata sa boses niya, eh. Pero given naman iyong reaction niya kasi kahit ako, ginanuon kaibigan ko, magagalit rin ako. "Ang landi mo kasi!" sigaw nito sabay duro sa akin. Napatingin ako sa paligid dala ng takot na baka maraming tumingin sa direksyon namin. At gaya ng kinatatakutan ko, kahit wala naman akong dapat ikatakot dahil nananahimik ako, halos lahat ng nasa cafeteria ay nanunuod na sa amin. Pero teka. Ako?! Malandi?! Sino siya para sabihin na ganuon ako?! She doesn't even freaking know me para pagsabihan ng mga ganuong salita! Inagaw ko ba boyfriend niya kaya siya nagkaganuon? Pero wala naman akong inaagaw para akusahan niya na malandi. O baka naman iyong boyfriend niya ang nakipaghiwalay sa kaniya para sa akin kaya ganuon. Hindi ko na alam. "Excuse me? Anong sinabi mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nakita ko naman na nasa likuran niya si Leigh na ang sama ng tingin sa akin. Ano ba ang problema ng mga babaeng ito?! Like, seriously! Nananahimik ako rito tapos bigla bigla silang manunugod?! Nasaan class ng mga ito?! "Malandi ka! Bingi ka ba?! Gusto mo ba na ulitin ko pa?!" Tinalikuran niya ako saka tumingin sa mga taong nanunuod. "Everyone, listen up! Itong babaeng ito," Itinuro ako nito habang nakatalikod pa rin. Sarap baliin ng braso niya, swear. "Napakalandi niya!" Itinulak ko ang kamay nitong nakaturo sa akin kaya napunta sa akin ang atensyon niya. "Wala kang karapatan sabihan akong malandi dahil unang-una sa lahat, hindi mo ako kilala!" "Mayroon! Mayroon, okay?! Mayroon! Malandi ka! Nilalandi mo si Dylan!" Itinulak niya ako sa balikat sabay sampal sa akin. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Masakit iyon, ha?! Pero wait. Dylan? As in Dylan the varsity player Quinto? Iyong lalakeng iyon lang naman ang kilala kong Dylan na pumepeste sa buhay ko so malamang na siya nga. But my god! Kahit wala siya sa paligid ko, pepestehin niya pa rin ba ako sa katauhan ng mga babae niya?! "Hoy!" sigaw ni Chase. Lalapit sana siya pero pinigilan ko. Ako naman ang tumulak sa balikat nito saka ito dinuro. "Sumusobra ka na, ha?! Kumpara sa akin, mas halatang malandi ka! Sobrang obvious! Kung pinturahan mo iyang mukha mo, tinalo mo pa ang kapal ng pintura sa mural art! Iyang kapal ng make up mo, kasing kapal ng mukha mo para sumugod rito nang basta-basta! Hindi ako ang nanglalandi kay Dylan dahil siya ang lumalapit sa akin para landiin ako! At saka, mandiri ka nga! Ako?! Magpapalandi tapos duon pa sa lalakeng iyon?! Sa iyong sa iyo na!" "Sinungaling ka!" Sinampal niya ulit ako at pakiramdam ko, this time, bumakat na ang palad nito sa mukha ko sa sobrang lakas. So she loves slapping others, huh? Bigla namang may humarang sa gitna namin kaya napatingin ako sa likod nito. Si Chase. Hawak niya iyong nakaambang kamay ng babae, na ready para sampalin ulit ako. "Bakit mo ba siya sinasampal?!" pasigaw na tanong niya sa babae. Ngayon ko lang siya nakitang magalit, na genuine na galit talaga. Kahit kasi lagi siyang nakasimangot, never niya pa ipinakita sa akin ang side niyang ito. Sabagay, ilang buwan pa lang naman kaming magkakilala. "Dahil malandi siya! At huwag ka ngang makielam rto!" Nagulat ako nang bigla niyang sinampal si Chase tapos itinulak niya ito kaya napaupo ito sa upuan sa tabi niya. No... Biglang nagdilim iyong paningin ko at parang sumarado iyong utak ko nang makita ko iyong ginawa niya kay Chase. Parang may tali na napigtas sa kung saang parte ng utak ko, na siyang pumipigil sa akin para sumugod. Saktan niya na ako, huwag lang si Chase. I don't care kung anong maging parusa ang gawin sa akin after ng gagawin ko. Ang gusto ko lang, walang mananakit kay Chase! Sinugod ko siya tapos sinapak sa mukha. Tumumba siya kaya hinila ko iyong nakaponytail niyang buhok tapos itinayo siya. Nang maitayo ko na siya, sinampal ko ng todo iyong mukha niya. "L, tumigil ka na!" narinig kong sigaw ni Chase. No, Chase, sinaktan ka niya. Hinila ko iyong babae habang hawak ko sa buhok tapos sinikmuraan ko siya gamit ang tuhod ko para magbend siya tapos ibinagsak ko iyong mukha niya sa table. Bigla namang may humila sa akin kaya napatigil ako. Niyakap ako nito at ibinaon iyong mukha ko sa dibdib niya. Itong amoy na ito. Amoy ito ng lalakeng sobrang importante sa akin. "Chase." -- Inayos na iyong gulo. At ngayon ay narito na ako sa mini park sa likod ng school, hinihintay ang taong gusto kong makausap ngayon. Ilang saglit lang lang rin naman nang dumating na ito. Buti naman at hindi niya ko pinaghintay. "Bakit mo ba ako pinapunta rito? Sinasayang mo oras ko." panimula nito na parang nabobore. Tumayo ako tapos pinagpag ko ang palda ko. "May kinalaman ka ba sa pagsugod nuong babae kanina?" tanong ko sa kaniya. Ayokong marinig mula sa bibig niya na oo ang isasagot niya sa tanong ko pero ang laki ng parte sa utak ko na nagsasabi na siya nga ang may kagagawan nuon. "Paano kung mayroon nga?" Ngumisi siya saka humalukipkip. Parang piniga ang puso sa narinig ko dahil kahit alam ko na, kinumpirma niya naman ang sagot gamit ang bibig niya. "I can't believe you did that!" "And I can't believe na pati si Dylan, inagaw mo!" "Ano?!" Si Dylan?! Inagaw ko?! Iyon ba iyong reason niya kaya niya ko kinakalaban?! Well, kung iyon nga, ang shallow niya masyado! At saka, diyos ko! Puro Dylan na lang! Wala nga akong pakielam sa lalakeng iyon! "Alam mo, nakakainis ka na! Lagi na lang kasi sa iyo napupunta lahat! Lahat ng gusto ni L, nakukuha niya! Nakakasawa ka na! Si L, ganito! Si L, ganiyan! Bakit ba ikaw, Leigh, hindi mo kayang pantayan si L?! Lagi na lang ikaw iyong bida! Pati sa bahay, ikinukumpara ka sa akin! Alam mo ba na lagi nilang ipinamumukha sa akin kung gaano ka kagaling?! Kung gaano kasaya kung naging anak ka nila?! Araw-araw, sa bawat araw na kasama kita, lagi ko na lang nararamdaman na ipinamumukha mo sa akin na walang kwenta ang buhay ko kung wala ka! Walang kwenta ang buhay ko kung hindi mo ako naging anino!" Nagulat ako sa sinabi niya pero nangibabaw ang inis. Nakakainis kasi grabe ang mga akusasyong ibinabato niya sa akin pati na ang mga sinasabi niya ngayon na kinimkim pala niya at hindi man lang iniopen sa akin. Para saan pa at kaibigan niya ako, hindi ba? "Leigh--" "Dati, si Robi! Alam mong gusto ko rin siya pero anong ginawa mo?! Inintertain mo ang pangliligaw niya! Ganuon ba, L?! Si Dylan naman tapos ni Robi?!" Nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig ko. Iba kasi ang gusto niyang palabasin. Parang sinasabi niya na tama ang sinabi ng babaeng sumugod sa akin, na malandi ako dahil umaaligid sa akin si Dylan. "So what are you implying?! Na selfish ako?! Leigh, gusto ko rin iyong taong nagustuhan mo! Inamin ko sa iyo iyon kasi importante ka sa akin! Kahit mahirap, inamin ko, Leigh! Hindi mo ba alam ang naramdaman kong takot noon dahil sa realization na parehas tayo ng lalakeng nagustuhan?! Unfortunately, parehas tayo ng lalakeng nagustuhan! And fortunately, ako ang nagustuhan ni Robi! Leigh, alam kong alam mo na I remained silent about my feelings! Hindi ko sinabi sa kaniya na gusto ko siya! Sinabi ko lang na gusto ko siya nang sinabi niya na gusto niya ako! Neither did I made a move para magustuhan niya ako! All I did was to look at him from afar while you have enough guts to secretly send him love letters!" "Did you even consider my feelings back then?! Inisip mo ba kung ano ang mararamdaman ko?!" "Oo, Leigh! Oo! We even talked about it! Kaya nga ako umamin sa iyo, hindi ba?! At ang sinabi mo, ipauubaya mo na si Robi sa akin since ako ang pinili! You even requested na ilapit kita sa kaniya para at least maging kaibigan mo man lang siya! At anong ginawa ko?! Hindi ba, ipinaglapit ko kayo?! At saka, bakit mo ba inuungkat iyong nakaraan?! Para ano?! Para maisampal mo sa akin iyong mga expectations mo?! Did you expect na ipauubaya ko siya dahil sobrang bait ko?!" "Oo, L! Oo! Alam mo, sobrang galit ako sa sarili ko noon dahil hinayaan ko na agawin mo si Robi--" "Pero, he was never yours to begin with! Alam mo ba na minsan nagsasawa rin ang tao na maging mabait?! And sorry to say this pero tao ako, Leigh! Tao! Si L, mabait naman iyan, okay lang na agawan iyan kasi patatawarin ka naman niyan! Si L, ganito! Si L, ganiyan! Nakakasawa, Leigh! Nakakasawa na rin minsan maging mabait! Kasi kaonting maling kilos mo lang, mapupuna ka na! Tapos ngayon, you'll accuse me of something that we both know na hindi ko gagawin?! What the hell lang, Leigh! Hindi ko gusto si Dylan! The hell with that guy! Sa iyong sa iyo na kung gusto mo! Alam mo? Sa ating dalawa, ikaw ang selfish, Leigh!" Bigla niya akong sinampal kaya napahawak ako sa pisngi ko. Umiiyak na si Leigh. Ang best friend ko... "I hate you, L!" "I know." Ngumiti ako. A faint smile. That's all I can show her right now. "And to tell you the truth, kahit na ginawan mo ako ng masama, I can't stop caring for you dahil kaibigan kita. Mahal kasi kita." Tinalikuran ko na siya at iniwang umiiyak. Wala na. Wala na talagang pag-asa na maging maayos kami ni Leigh. Ginawa ko na ang lahat ng kaya ko para lang magkaayos kami pero ano? Walang nangyari. Tapos iyon pa ibinalik niya sa akin? Hindi ko alam kung kamumuhian ko siya o ano. Nasaan na kaya si Chase? Gusto ko magkuwento sa kaniya. Gusto ko ikuwento iyong nangyari ngayon. Nagpunta na ako sa classroom namin, sa cafeteria, sa library, pero hindi ko pa rin siya makita. Tawag ako nang tawag pati text pero wala pa ring sagot. Ring nga lang nang ring iyong naririnig ko. Hindi niya sinasagot. "Nakita mo ba si Chase?" tanong ko kay Tommy nang makasalubong ko ito sa corridor ng first floor. "Ang alam ko... papunta yata siya sa field kasi naglalakad siya papunta duon nang huli ko siyang nakita. Hindi ko sure, ha? Pero check mo na lang." "Ah, sige, salamat." Nginitian ko lang siya tapos lumakad na papunta sa field. Nasaan na kaya iyon? Wala naman kasi... Napahinto ako sa paglalakad. Anong mayroon duon? May commotion kasi sa field. Nahawi iyong mga estudyante tapos may lumabas na prof habang may inaakay na lalakeng estudyante. Nanduon rin iyong nurse, sumusunod sa kanila. Teka. Si Chase iyong inaakay ng prof, ha?! Tumakbo ako papunta sa kung nasaan sila para tignan kung anong nangyari kay Chase. "Ano po ang nangyari kay Chase?!" Kinakabahan ako. Wala kasing malay ito tapos ang pula-pula pa. "Wala ito!" kinakabahang sagot sa akin ng prof. "Step aside!" Umalis naman ako sa daanan pati na rin ang ibang estudyante na nakikiusyoso. Anong nangyayari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD