7

4913 Words
-L After ng araw-araw na pagrereview, natapos na ang midterms. At medyo hindi ako nakapagconcentrate sa pag-aaral dahil pinepeste talaga ako ni Dylan. Nakakaiyak siya! Kung hindi lang talaga masamang pumatay ng tao, nako, alam na. One time, nagulat na lang ako kasi pagkagising ko, nasa tabi siya ng kama ko habang hinahaplos-haplos ang mukha ko. Nagpakilala pa siyang classmate ko kay Yaya para makapasok siya. Sinabi niya kasi na may group report kami at kailangan na raw naming tapusin kaya sinadya niya talaga ako. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman iyong address at cell phone number ko. Sa cell phone naman, panay ang tawag at text niya. Nakakainis. Siguro kung isa ako sa Pokpok Bridge o kaya sa The Impures, baka namatay na ako sa tuwa at kilig dahil sa mga pinaggagagawa ng lalakeng iyon. Ang kaso hindi. Hindi naman ako patapong babae para magustuhan ni Dylan, ano. Oo, ang offensive ng sinabi ko, aminado naman ako. Pero kasi, iyon ang nakikita ko; iyon ang nakikita ng maraming tao kaya it's safe for us to assume na tama ako. I'm honestly scared kasi by the way he acts, he's like a stalker. I don't even know kung gusto talaga ako nuon o ano. Maybe he just wanted someone to be with him in his bed. The thought of it irks me. Nakakadiri kasi. "Punzalan," tawag sa akin ng prof kaya napatigil ako sa pagbuklat ng notebook at napatingin sa rito. "Give out these copies." Itinuro niya iyong mga papel na nakapatong sa table niya bago niya inikot ang ballpen na hawak sa kamay. Lumapit ako sa prof namin tapos kinuha ko iyong xerox copies sa table. Pagdaan ko kay Chase, ihahampas ko sana sa kaniya iyong copy niya pero may nakita akong papel sa desk niya kaya napatigil ako saglit para tignan iyong papel. Ang nakasulat Hindi ako puwede magtagal rito mamaya. Tinignan ko siya saka siya nagshrug. Naman! Maglalaro kasi ako ng volleyball mamaya. Niyaya kasi ako, eh, wala naman akong kasabay umuwi kaya pinags-stay ko siya. At siyempre, para mapanuod niya ako maglaro. Sayang pero mukhang mahalaga ang gagawin niya kaya niya kinansela ang plano namin. Nakakadown kasi gusto ko pa naman magpakitang gilas sa kaniya para proud siya na kaibigan niya ako. Pero okay lang, there's always a next time naman. -- "Tara, sa gilid muna tayo. Ang init kasi." Nakasimangot na reklamo ko sabay hila ko sa kaniya papunta sa bench sa pinakagilid ng hallway. Wala naman kasi kaming prof ngayon kaya hinila ko siya palabas ng room. Ayoko namang tumambay sa room kahit pa airconditioned kasi sobrang ingay. "Iyon na nga, hindi ba?" Kumakalas siya sa hawak ko pero mas hinigpitan ko iyong hawak sa kamay niya para hindi siya makawala. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya napangiti ako. Sumuko kaagad siya. "Mainit rito. Mas okay pa sa room, seryoso." "Maingay naman! Kaya tara na!" Nagbago ang isip ko at sa cafeteria ko muna siya hinila para bumili ng pagkain pagkatapos ay dumiretso na kami sa bench sa gilid ng pillar na kanina ko pa gustong puwestuhan. At as usual, kapag hinihila ko siya sa kung saan saan, pinagpapawisan siya. Pawisan na naman siya kaya tinulungan ko siya sa pagpunas ng pawis kahit ayaw niya, tutal ako naman may kasalanan kung bakit siya pawisan. "Ginagawa mo naman akong bata, L." maktol niya habang nagpupunas ng pawis. Hawak kasi niya iyong panyo niya at ipinangpupunas niya ito sa leeg niya tapos ako naman, pinupunasan ko iyong isang braso niya. "Kung nag-t-tshirt ka lang kasi, hindi ba?" Pinunasan ko na rin ang muhka niya ng panyo ko habang pinagsasabihan siya. Tagaktak kasi iyong pawis niya. Bakit ba kasi siya laging pinagpapawisan kapag hinihila-hila ko siya? Para namang ang layo-layo ng pinagdadalahan ko sa kaniya. "Ang bango." pabulong niyang sinabi pero narinig ko kaya napangisi ako. "Mabango talaga iyan." Everyone knows na mabango talaga panyo ko. Kahit si Leigh, laging hinahablot ang panyo ko kaya madalas, dala-dalawa ang dala ko. Itinuloy ko na lang ang pagpunas sa mukha niya. Nanglaki nga mata niya, eh. Akala niya siguro hindi ko narinig. "A-Anong mabango?" Umiwas siya ng tingin. Nahiya pa raw. "Iyong panyo ko. Sabi mo kasi mabango." "Wala akong sinabi!" depensa niya saka ako tinalikuran. Whatever, Chase. "Yeah, right, whatever." Pagtingin ko sa leeg niya, may pawis rin. Pati likuran ng damit nito, basa na rin. "Puwede ka nang water station, alam mo iyon?" "Ha?" "Umayos ka ng pagkakatalikod." "Ha?" Napahinto siya sa pagpupunas ng pawis saka humarap sa akin tapos kinunutan ako ng noo. "Talikod ka ulit." Umiling siya kaya ako ang pumunta sa likuran niya tapos ipinasok ko iyong kamay ko sa loob ng jacket at tshirt niya at pinunasan iyong likod niya. Hindi naman nakakadiri kasi ugali ko na talaga itong ganito. Kahit sa mga dati kong kaibigan, babae o lalake, ganito ginagawa ko. "A-Anong ginagawa mo?" Aalis na sana siya pero hinawakan ko iyong hood ng jacket niya kaya hindi siya nakaalis, at hindi siya makakaalis. "Hindi mo na kailangang gawin iyan." bulong niya na parang naiilang. Napansin ko rin na namumula iyong mukha at tenga niya. Ayaw pa kasi niyang hubarin iyong jacket niya, ang init-init na nga. "Kailangan. Baka matuyuan ka ng pawis at baka ubuhin ka." pangangaral ko habang pinupunasan iyong likod niya. "Alisin mo na nga muna iyang jacket mo." Kinuha ko iyong pulbo ko sa bag para ready na sa paglalagay sa likod niya kapag natuyo na iyong pawis. Ganito rin dati ginagawa ko kay Robi. Pagkatapos kasi nito magbasketball, didiretso na sa akin ito para magpaasikaso. Nakakamiss rin pala iyong super girlfriend role ko na iyon sa buhay ng ex ko. Kaya lang every good thing is bound to end. See? Sobrang good thing na kami pero dahil nga lahat ng bagay ay natutuldukan, natapos rin kami. "Ayoko. Hindi puwede." pagmamatigas niya. "Chase, isa." sinabi ko na parang wala na siyang magagawa kung hindi ang sundin ako. Bumuntong-hininga siya at tinanggal na iyong jacket, tanda ng pagsuko nito. "Ang ganda-ganda ng kutis mo tapos itinatago mo." Ipinasok ko na ulit iyong kamay ko sa likod niya at sinimulan siyang punasan. "Ganito ka ba talaga sa mga kaibigan mo?" "Oo." Itinataas ko iyong tshirt niya para maayos kong mapunasan iyong likod niya pero pinipilit niyang ibaba. Pero, siyempre, ako ang panalo dahil mas makulit ako. At bakit may purple patches na naman siya? "Chase, bakit may mga ganito ka?" Hinaplos ko iyong isang patch na nasa bandang itaas ng likuran niya habang nakatingin ng maiigi sa balat niya. Ang raming, I don't know how to call it, pasa ng likod niya pero puro kulay purple. "Allergy lang iyan." "Tsk. Saan ka ba allergic?" "Basta." Bulong niya. Enough naman para marinig ko. "Simula nga ngayon, huwag mo nang lalapitan iyong nagtitrigger ng allergy sa iyo, nakakaloka ka." Ibinaba ko na iyong tshirt niya saka itinabi ang hawak kong panyo. "Uminom ka na ba ng gamot para sa allergy mo?" "You sound like my mother." biro niya habang tumatawa ng bahagya. "Edi ako na ang tatayong pangalawa mong magulang." Nilagyan ko na iyong likod niya ng pulbos kasi natuyo ko naman na. Grabe, may ilang estudyante pala na nanunuod sa amin? Hindi ko napansin. Pagtingin ko naman sa likod para icheck kung may nanunuod rin sa amin ruon, wala naman akong nakita kung hindi shrub ng santan kaya napangiti ako. "Wait." Tumayo't lumapit ako ruon tapos pumitas ng marami. Nakakamiss kasi ang mga ginagawa ko sa mga ito. "Anong gagawin mo riyan?" tanong niya habang sinusuot iyong jacket pagkabalik ko sa bench. "Duh! Santan ito, Chase!" Ipinakita ko sa kaniya iyong mga santan habang nakangiti. "So?" "Hindi mo ba alam ang ginagawa rito bukod sa pangdecorate?" Tinaasan ko siya ng kilay. Seriously, lahat ng tao, alam ang ginagawa sa santan. "Hin-Hindi." "Ganito," Ipinagkabit-kabit ko iyong mga santan hanggang sa enough na siya para maging bracelet. "See?" Ipinakita ko iyon sa kaniya habang nakangiti. "Anong gagawin riyan?" Really?! Hindi niya talaga alam ito?! "Akin na kamay mo." Inihold out niya naman tapos ikinabit ko na iyong santan. "Ganiyan." "Pangbakla naman ito." reklamo niya habang nakangiting nakatingin sa santan na bracelet. "It's for the sake of fun, Chase. Masaya kaya!" Ipinatong ko naman sa ulo ko iyong nabuo kong malaki para maging crown siya. Or tiara. "First time ito," pabulong niyang sinabi habang nakatingin pa rin sa bracelet na santan. First time? "First time?" Napatingin siya sa akin. Nginitian niya lang ako tapos hinawakan iyong santan sa ulo ko. "Yeah, first time na may gumawa ng ganito para sa akin." -- "Mauna... uuwi na ako." pagpapalam ni Chase pagkabukas sa pinto ng kotse. Hatid-sundo kasi siya. At dahil sa hatid-sundo siya, inaasar ko siya. Ang tanda naman niya na kasi para ihatid-sundo pa, ano. "Sige, ingat ka." nakangiting sinabi ko, na sinamahan ko pa ng pagkaway pero tumigil rin naman ako nang mapansin ko na hindi pa siya pumapasok sa kotse. May sasabihin pa yata. "Hindi ka pa ba uuwi?" "Hindi pa. Hindi ba niyaya ako na maglaro ng volleyball?" "Ah, sige. Enjoy na lang sa laro." Nginitian niya ako tapos sumakay na sa kotse. Pagkaalis ng kotse, dumiretso na ako sa court. Nanduon na iyong ibang player, naglalaro na ang mga ito. At nanduon rin si Leigh. Kasali rin pala siya? Coincidence nga naman. Nakakailang tuloy. Nang magkatinginan kami, sinamaan niya ako ng tingin tapos tumingin siya sa isang babae then ibinalik niya ulit iyong tingin sa akin. This time, hindi na siya nakatingin ng masama, nakangiti na siya – at ayoko ng ngiti niyang iyon. Kilala ko si Leigh. Alam na alam ko ang ngiting ipinapakita niya sa akin ngayon. Ayoko man aminin pero nakaramdam ako ng takot; takot para sa sarili ko kasi we're not in good terms so baka masaktan ako physically. Hindi siya magdadalawang isip na saktan ako kahit former best friend niya ako. Ganuon kasi siya. Nangyari na noon sa isa naming kaibigan. Nagpakalayo nga iyon nang dahil sa ginawa niya. "L!" Lumapit sa akin si Rhea. Mas matangkad siya sa akin kaya medyo nakatingala ako. Siya iyong nagyaya sa akin na maglaro ng volleyball kanina habang nasa cafeteria kami ni Chase. "Sasali ka na?" "Oo." nakangiting sagot ko. Nakaramdam ako ng excitement kahit papaano kasi ang tagal ko na rin hindi nakakapaglaro nito. Gusto ko rin magpapawis kahit minsan. Even though katulad siya ng exercise na masakit sa katawan, okay lang. Iba kasi ang sayang dala ng sport. Bago kami naglaro, nakita ko na lumapit si Leigh ruon sa babaeng tinignan niya tapos kinausap niya ito. Dumistansiya na siya pagkatapos niya yata kausapin at pagkatingin ko sa babae, ang sama ng tingin sa akin. Bakit? Nagsimula na kami. At hindi ko alam kung talaga bang sinasadya ni Leigh at nuong babaeng kinausap niya na pataaman talaga ako ng malakas kada spike nila. O kasama talaga sa game iyon? "L, look out!" narinig kong sigaw ni Rhea kaya napalingon ako sa kaniya. And the next thing I knew, may tumama sa mukha ko tapos nagblackout na ang paningin ko. Pagkamulat ko sa talukap ng mga mata ko, nasa clinic na ako ng school. Bumangon ako sa kama tapos napahawak sa ilong ko. Ang sakit kasi, nabali yata. "Gising ka na pala." Napatingin ako sa nagsalitang lalake na kapapasok lang ng clinic. Si Robi. Hindi ko alam sasabihin ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o ano. At saka, bakit ba siya narito? Paano niya nalaman na nandito ako? And more importantly, anong ginagawa ko rito? Sinong nagdala sa akin rito? "Miss," narinig kong tawag ni Robi sa nurse, na nakaupo sa harap ng table nito habang nagsusulat. Lumingon naman ito dahil sa pagtawag niya. "Gising na po siya." Lumapit sa akin iyong nurse pagkahubad nito ng gloves na suot-suot niya. "May masakit pa ba sa iyo?" tanong nito habang iniinspeksyon ang mukha ko. "Uhh..." Napatungo ako saka napahawak sa ilong ko. "Opo; iyong ilong po." Ilang paalala lang rin ang sinabi sa akin ng nurse tapos pinalabas na ako matapos ako painumin ng gamot; pain reliever daw. At si Robi, hindi umalis ng clinic habang kinakausap ako ng nurse. I admit, may super kaonti na nararamdaman pa rin ako para sa kaniya. Medyo masakit pa rin kapag nakikita ko siya. Kasi kapag nakikita ko siya, naaalala ko iyong sinabi sa akin ni Dylan. Alam ko na hindi ko na dapat isipin iyon, na ipagwalang bahala ko na lang, na ibaon ko na sa limot pero hindi ko kasi magawa – sobrang hirap kasi gawin ng mga bagay na iyon. Dahil ba sa alam niyang hindi niya pa ako magagalaw kaya siya nakipaghiwalay at humanap ng mapagbubuhusan ng lust niya? Iyon ba iyong dahilan? Kasi kung iyon nga, medyo masakit. Pero ang weird lang. Hindi na siya ganuon kasakit. Masakit, oo. Pero hindi na sobrang sakit na napapaiyak ako dahil nga hindi ko kaya. Sumisumangot na lang talaga ako. Hindi na nga yata sakit ito. Sa tingin ko, lungkot na lang itong nararamdaman ko. Siguro pati panghihinayang. Ang rami naming masasayang alaala kaya kahit sino siguro na may alam sa love story namin, manghihinayang. Ang dami ng pangarap na binuo namin noong magkasama pa kami pero dahil lang sa katangahan, natapos ang mga iyon. Oo. Katangahan. Katangahan kasi ang liit na bagay lang kung tutuusin ng dahilan kung bakit kami naghiwalay. Simpleng lust lang, natapos kami. Nakakabobo siya, sa totoo lang. "Ayos ka na ba?" Mas binilisan ko ang lakad para matakasan ko sana siya pero sadyang makulit si Robi. Sinabayan niya pa rin ako kahit na alam ko na alam niya na nagbibigay na ako ng hint na ayaw ko siyang makausap. "L, kausapin mo naman ako." pakiusap niya. Hindi ako sumagot at nagdirediretso lang sa paglalakad. "L naman." "Ano ba, Robi?!" sigaw ko sa kaniya. Naiinis pa rin naman ako sa presensiya niya. Nagrereplay kasi sa utak ko iyong sinabi ni Dylan. Nakabuntis. Nakabuntis. Nakabuntis. Letse lang! Obviously, nagulat siya. Ngayon ko lang kasi siya sinigawan. Napahinto ako nang harapin siya kaya pati siya, napahinto rin. "So-Sorry..." paghingi niya ng tawad saka tumungo. Dala siguro ng hiya dahil nasigawan siya. "Sorry?" Napatingin siya bigla sa akin. Tumawa naman ako ng mahina dahil sa narinig ko. "Sorry? That's all you can say after all the things that you've done? A simple sorry?" Hahawakan niya sana ako pero umatras ako at itinaas ang dalawang kamay ko na parang nasurrender."Buti sana kung iyang sorry mo na iyan kayang tanggalin iyong lungkot ko, eh. Tatanggapin ko iyan, seryoso. Pero hindi, Robi. Hindi kayang tanggalin ng sorry mo ang nararamdaman ko. Kung sana, dati mo pa ginawa iyan, tatanggapin ko iyan pero ngayon, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi – kasi hindi ko kaya." We're making a scene. At sa corridor pa. I don't care, just as long na mailabas ko itong inis ko kay Robi. Dahil alam ko na kapag hindi ko pa ito inilabas, hindi ako totally makakamove on. Kailangan ko ng mapagbubuhusan ng sama ng loob and he's the perfect person that needs to hear my rants kasi siya naman nagcause nito. I admit, naaawa ako kahit papaano sa kaniya kasi alam ko na hindi siya sanay sa ganitong bagay. Never pa kaming nag-away to the point na sinisigawan ko na siya sa pangpublikong lugar. Kung mag-usap man kami, pribado-- kabaliktaran ng sitwasyon ngayon. "Calm down--" "Calm down? Don't expect na hihinahon ako. And you don't have the rights to give commands to me anymore dahil--" Hindi ko natapos iyong sasabihin ko kasi hinila niya ako hanggang sa tumapat kami sa cr. Sa cr ng boys. God. "Lahat ng nasa loob ng cr, please lang, lumabas muna kayo!" pasigaw na pakiusap niya habang kinakatok iyong pinto ng cr. Don't tell me ipapasok niya ako sa loob nito?! More importantly, sa cr pa ng boys! Oh, God, spare me! May dalawang maliit na lalake na lumabas. Maliit kasi mas malaki kami ng kaonti ni Robi. Mga lower year sila based on their uniform. Hinila niya ako papasok tapos isinara niya iyong pinto. Itinulak niya ako pasandal sa pader tapos kinorner niya ako sa mga braso niya. Nang iangat niya ang tingin niya, tinitigan niya ako sa mata. Sobrang lungkot niya. Tapos parang exhausted na siya. I don't know why pero... instead na patuloy na mainis ako sa kaniya ngayon dahil sa mga pinaggagagawa niya, nasaktan ako. Naawa. Parang nawala iyong sigla niya. "Robi--" "I missed you." bulong niya at sakto, tumulo iyong isang patak ng luha mula sa mata niya. "Robi..." Hindi ko alam sasabihin ko. Medyo ako nagulat ako sa sinabi niya. He missed me? Kung namiss niya talaga ako, sana dati niya pa sinabi, hindi ba? Ang rami ng chances para sabihin sa akin iyan pero bakit ngayon pa? "I missed you so much, L. I missed you... I missed you." Hindi ko alam kung may sariling utak iyong mga kamay ko kasi kusang umangat ang mga iyon para hawakan ang magkabilang pisngi niya at punasan ang mga tumutulong luha mula sa mga mata niya. Ugali namin na punasan ang luha ng isa't-isa. Hindi ko alam na kahit wala na kami, hindi pa rin nawala sa siste ko ang habit ko na ito. "Hindi ko alam. Ako naman may gusto nitong desisyon na ito, eh. Ako. Ako iyong mali. Sorry, L. I'm sorry." Ngayon... Ngayon ko lang nakitang ganito kalungkot si Robi. Ngayon ko lang rin siya nakitang umiyak ng sobra dahil sa akin, iyong para bang magco-collapse siya. Grabe na nga kung humikbi siya, na para na siyang hinihika. "I missed you, too, Robi." Biglang lumabas sa bibig ko. Nang magsink-in sa isip ko na biglang lumabas ang mga katagang iyon, napatakip ako ng bibig. Nakita ko namang medyo ngumiti siya. "L." L. Ngayon ko na lang ulit narinig iyan. Alam kong hindi pangalan ko ang sinabi niya kung hindi... mahal niya ako. Pero bakit ganuon? Oo, natuwa ako pero parang may mali. Parang may wala sa lugar. Masyado akong naguguluhan. "L, I'm so sorry. Oo, aaminin ko, sinadya kong saktan ka. Kasi akala ko na mas okay iyon, na mas okay na mamuhi ka sa akin kaysa masaktan ka nang todo kapag may nalaman ka na hindi dapat malaman--" "Bakit? Ano ba iyong hindi ko dapat malaman at nagawa mo akong saktan?" pagpuputol ko sa sinasabi niya kasi bigla akong nacurious. "Gusto mo ba talagang malaman?" He just bore his eyes onto mine while looking dead serious. "Hindi naman na importante iyon kasi—" "Yes." walang pagdadalawang isip na isinagot ko. Alam ko naman na iyong sagot. Gusto ko lang talagang malaman mula sa kaniya at hindi kay Dylan. Alam kong kahit nawala na iyong nararamdaman ko para sa kaniya, masasaktan pa rin ako sa isasagot niya pero... kakayanin ko. Alam ko kasi na sa aming dalawa, mas nahihirapan siya. "L, nakabuntis raw ako." Medyo may kumirot lang sa bandang dibdib ko, pero hindi na ganuon kagrabe iyong sakit kumpara dati. And I already expect him to say that kaya hindi na talaga nakakagulat. "Why didn't you tell me?" "Alam ko ugali mo. Ganuon rin naman kasi magiging desisyon mo; pakakawalan mo ako. Alam ko kasi na kahit alam mong pagkakamali lang iyon, pakakawalan mo pa rin ako dahil kailangang panagutan ko iyon, lalo pa at may batang involve sa usapan." "You really... do know me." "Natural naman kasi mahal kita." Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay saka niya pinasadahan ng haplos ang pisngi ko gamit ang daliri niya. "L, alam ko na kasi iyong totoo. Kaya nga nawala iyong hiya ko na lapitan ka. Kaya ang lakas-lakas na ng loob ko na lapitan ka kasi alam ko na iyong totoo." Totoo? Anong sinasabi niyang totoo? "Anong totoo?" "Hindi ako nakabuntis." sagot niya habang nakangiti ng bahagya. Parang relieved na relieved siya dahil nasabi niya na iyon. Hindi siya nakabuntis? "Paano--" "Naloko ako nuong babae. Hindi ko alam kung ano ang motives niya pero... L, hindi totoong nakabuntis ako. Oo, nilasing niya ako. At alam kong walang nangyari noong nagising ako sa kwarto niya, sa kama niya na nakaboxer na lang. Alam kong alam mo na hindi ko kayang lokohin ka. Kahapon lang, nakausap ko siya. At alam mo, imbis na magalit ako sa ruon babae, natuwa pa ako kasi sinabi niya na wala talagang nangyari. Natakot siguro siya kasi galit ako sa kaniya at pinagbantaan siya." "Sana kasi sinabi mo na lang, Robi." Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Yakap na nagsasabi na ayaw niya akong pakawalan. Pero hindi ko maibalik iyong yakap niyang iyon. Ni wala ngang luhang tumulo sa akin habang nag-uusap kami. The heck! What's wrong with me? Ito iyong gusto ko, hindi ba? Ito iyong iniyakan ko buong magdamag. Ito iyong paulit-ulit kong hiniling noon. Ito iyong gusto ko – ang magkabalikan kami. Ano bang nangyayari sa akin? Mahal ko itong lalakeng ito pero bakit parang gumaan lang ang loob ko nang malaman ko iyong totoo? Hindi ba dapat magsasasayaw pa ako sa tuwa dahil ito na iyong moment na babalikan niya ako? Ang gulo, gulo na ng pag-iisip at nararamdaman ko. Hindi ako makapag-isip ng diretso. Bakit? Anong problema ng utak at puso ko? "Katulad nga ng sabi ko, kilala kita, L. Pakakawalan at pakakawalan mo pa rin ako. Ganuon rin naman mangyayari, hindi ba? Maghihiwalay rin tayo. Pero mas pinili ko na lang na saktan ka nang maaga kaysa malaman mo ang kasinungalingang iyon at masaktan tapos kamuhian ako sa bandang huli." "Robi..." Hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin. Ang raming umiikot na bagay sa utak ko pero hindi ko man lang magawang sabihin ang mga iyon sa kaniya. Kasi kahit ako, litong-lito sa mga naiiisip ko. "L..." Tumitig na naman siya sa mata ko. "Puwede pa ba... tayo?" I don't know, iyan kaagad ang pumasok sa isip ko nang marinig ko iyong tanong niya. Something inside me shouts to turn him down. Hindi ko alam kung utak o puso ko iyong sumigaw. "I don't know..." Napatungo ako nang sabihin ko iyon. Hindi ko kayang makita iyong mga mata niya na puno ng pag-asa na magkakabalikan pa kami. Minahal ko kasi siya kaya kapag alam ko na nasasaktan siya nang dahil sa akin, nasasaktan rin ako. Tapos iyong fact pa na nagkahiwalay lang kami dahil sa panggugulo nuong babae, nasasaktan ako para sa kaniya kasi ako, hindi na masyadong apektado sa break up namin pero siya? Halatang hindi pa rin siya nakakamove on, hindi siya nagmove on kaya nasasaktan ako para sa kaniya. "L, please, don't do this to me. Let's just forget the past and start anew. Marami tayong pangarap, hindi ba? Marami tayong gustong abutin ng magkasama, hindi ba? L, please, huwag ka namang ganito, o?" Nasasaktan ko si Robi. Hindi ko gusto na maramdaman niya iyong sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi siya ang dapat nasasaktan. Hindi siya dapat nasasaktan ngayon. Mabuti siyang tao. Mapagmahal. Bakit ganuon? Bakit kailangang masaktan pa siya? Hindi ko alam ang gagawin ko para mapawi iyong sakit na iyon. Hindi. Alam ko. Alam na alam ko. Makipagbalikan ako. Maging kami ulit, iyon ang sagot. Kaso alam ko na magkabalikan man kami, marami nang nagbago, marami na ang magbabago. Pinunasan ko iyong mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya habang nakasimangot. "Robi, magkabalikan man tayo, alam kong alam mo na hindi na tayo babalik sa dati; hindi na maibabalik iyong mayroon tayo. Iyong L at Robi dati. Maraming nagbago." At ngayon alam ko na. Isa sa mga nagbago ay ang nararamdaman ko. Ngayon ko lang nalinaw ang pag-iisip ko kung ano na ba si Robi sa buhay ko. Hindi na siya iyong nakikita ko na makakasama ko sa altar. "L, please, huwag namang ganito, oh? Huwag ka naman bumitaw." Napakagat akong labi nang unti-unti siyang lumuhod hanggang sa napaluhod na nga siya ng tuluyan habang nakayakap pa rin sa bewang ko at iyong mukha niya ay nakasubsob sa tiyan ko. "Huwag mo naman itapon iyong mga pangarap na binuo natin. Please, L, huwag. Haharap pa tayo sa altar, hindi ba? Bubuo pa tayo ng masaya at malaking pamilya, hindi ba?" "Robi, tumayo--" Pinipilit ko siyang patayuin pero hindi siya nagpapatinag. "No. Ayoko. I don't care if you see how pathetic I am right now. Ang gusto ko lang naman kasi balikan mo ako." "Robi, I still love you--" "Iyon naman pala, eh." Tumingala siya at tinitigan ako. Nasasaktan ako dahil sa nakikita ko. Nasasaktan ako habang dumadaloy iyong mga luha sa magkabilang pisngi niya. He's really in pain and devastated. "Mahal pa rin naman kita. Sobra. Hindi naman nawala iyong pagmamahal ko na iyon sa iyo." "Yeah, I love you pero hindi na iyong pagmamahal na mayroon ako sa iyo dati. Mahal kita, oo. Pero... bilang kaibigan na lang." Ibinaon niya ulit iyong mukha niya sa tiyan ko saka umiling nang umiling. "No... No. L naman. Please, don't do this. Alam ko na deep inside, mahal mo pa rin ako. Akala mo lang hindi mo ako mahal dahil sa nasaktan kita pero alam ko na mahal mo pa rin ako. Huwag mo naman sayangin iyong pinagsamahan natin. Please. Please, L. K-Kung gusto mo, hindi na talaga ako lalapit o titingin sa ibang babae, sa iyo lang talaga. Hindi ko naman kasi talaga sinasadya iyon. I... I swear, hindi na talaga ako makikipag-inuman para hindi na magkaroon ulit ng ganitong gulo. I swear I'll be the best boyfriend for you, L. P-Please, just give me another chance to prove myself. Please." Gusto ko sana siyang sumabatan, pagsalitaan dahil sa sinabi niya na huwag ko sayangin iyong pinagsamahan namin. Gusto ko sanang itanong kung sino ba ang unang nanakit? Sino ba ang unang bumitaw? Sino ba ang unang bumasura sa pinagsamahan namin? Gusto ko ipagduldulan sa kaniya na siya ang nauna. Pero, hindi, mali iyon. Sobrang mali iyon. Ayoko siyang saktan pa lalo. Alam ko na hirap na hirap na siya kaya hindi ko iyon gagawin. Kahit naman kasi hindi nahihirapan ng ganito si Robi, hindi ko pa rin iyon sasabihin dahil hindi ko kaya kasi nga mahal ko siya, pero bilang kaibigan na lang. At saka, nagkagulo lang kami dahil ruon sa babaeng iyon. Kahit naman sugurin ko iyong babae, wala nang mangyayari. Wala na akong malalim na nararamdaman para kay Robi. Hindi na maibabalik iyong feelings ko sa kaniya kahit pa saktan ko nang saktan iyong babae. "Robi, I'm so sorry. I'm just being honest with you, with my heart, and myself. Kasi kung papayag ako na maging tayo ulit, masasaktan ka lang kasi ako, hindi magiging ganuon kasaya sa relasyon natin, kasi alam mo na napilitan lang ako. Robi, you need to understand me. Para sa iyo rin ito." "Wala na ba talaga? Are you really letting me go?" Pinilit ko siyang itayo hanggang sa mapatayo ko siya. Panay na rin iyong paghikbi niya. Hinawakan ko iyong mukha niya at pinunasan ang mga luha niya gamit ang thumb ko. "Ayaw kitang paasahin, Robi, so... yeah." Nginitian ko siya. "Sige na, uuwi na ako. Umuwi ka na rin, baka hinahanap ka na nina Tita." Lalabas na sana ako ng pinto pero humarang siya at niyakap ako. Ibinaon niya iyong mukha ko sa dibdib niya kaya rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Hinayaan ko na lang rin siya na yakapin ako para naman kahit papaano, mabawasan iyong dinadala niya. "Teka, before you go and leave me for good... puwede ba akong magrequest?" "Ha? Ano iyon?" "Can I still continue loving you?" Dahil sa gulat ko sa tanong niya, napaurong ako at kinalas ko iyong yakap niya. Nasisiraan na ba siya ng bait? Why would he ask that? I'm sure as hell na alam niya na hindi ako papayag sa request niya. Ayoko na nga siyang saktan tapos magtatanong pa siya ng ganuon? "No. Ayokong masaktan ka dahil hindi ko na kayang ibalik iyong nararamdaman mo. Hindi ko na kayang suklian ang pagmamahal mo, Robi." Tumungo siya tapos iyong kaliwang kamay niya, lumipad papunta sa batok niya sabay hawak duon. "It's okay. Kasalanan ko naman kasi. Nagpabaya ako kaya humantong sa ganito. Dahil sa katangahan at pagiging careless ko, nasaktan kita. At ito ang balik sa akin. Karma ko ito." "Basta, ayoko. Tulad ng sabi mo dati, let's just stop loving each other." I sounded harsh pero mas okay na iyon kaysa umasa siya. Lumapit naman siya sa akin habang nakangiti ng bahagya tapos hinalikan ako sa noo kaya napatungo ako. "Good bye, Robi." Tuluyan na akong umalis sa cr pagkatapos kong sabihin iyon. Bago ako makalabas nang tuluyan habang pinupunasan ko gamit ng panyo ko iyong tummy part ng damit ko dahil basang-basa ng luha, narinig ko pang sinabi niya, "L." Hindi ko alam kung tinawag niya ako o sinasabi niyang I love you in our way pero malakas ang pakiramdam ko na he's saying he loves me. Hindi ko sinabi na puwede kaming maging magkaibigan ngayon dahil mas masasaktan siya. Either way, sobrang gumaan ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko. Hindi dahil nasaktan ko si Robi. No, that's not it. Gumaan ang nararamdaman ko kasi nagkalinawan na kami; nagkaroon na kami ng closure. Ayoko man siyang saktan, pero kailangan. Para sa kaniya rin naman kasi iyon. Parang everything is turning out okay after the bad things that happened around me. I just hope na makamove on kaagad siya para maging magkaibigan kami, para sumaya na ulit siya. Sayang kasi iyong mga pinagsamahan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD