Hindi pwedeng hindi s darating sa photoshoot si Lucas nang walang paalam. Masisira niya ang tiwala ng kaibigan at ng mga kliyente, pati na rin ang mga staff na naghanda para dito. Halos mabaliw si Lucas ng sandaling iyon. "Why her of all models, Jesus Christ!" Buong araw na naging multo sa isip ni Lucas ang alalahanin sa babae. Wala na siyang magawa kundi pigilan ang sarili sa pangamba habang hinihintay ang araw ng pagkikita nila ng babae. Kinaumagahan ay maagang gumayak si Lucas at maaga ring pinapunta ang kanyang crew. Nagtataka ang mga ito pero sumunod na lamang. Nakapagtatakang hindi gumayak ng maayos si Lucas, nagsuot lamang siya ng faded jeans at black t-shirt, malayo sa hitsura niya noon sa club. Halos hindi mapakali si Lucas, payaot parito siya para i check ang backdraft pati

