Prologue.
*Blaaaaaaag!*
Napatingin na lamang si Avery nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang tila gulat na gulat na si Calix. Pero agad ding napalitan ng galit ang kanyang pagkagulat.
Hindi pa man nakakapagsalita si Avery ay kaagad na itong nakalapit sa kanila at pinagsusuntok ang lalaking katabi niya sa kama.
" How dare you! I'm going to kill you! " sigaw nito habang sinusuntok parin ang lalaki at duguan na ito.
" Calix! " tawag ni Avery sa pangalan niya at niyakap ito para pigilan subalit itinulak lamang siya nito.
Napaiyak na lamang si Avery kung saan siya itinulak ng lalaki. Nang tila mapagod sa pambubugbog si Calix sa lalaki ay humihingal itong tumingin kay Avery habang tumutulo ang kanyang mga luha.
" Paano mo to nagawa sakin? " umiiyak nitong tanong, makikita sa kanyang mga mata ang sakit at poot.
" I'm sorry! " yun na lamang ang nasabi ni Avery dito habang ang luha ay walang patid sa pagbagsak.
" Nakakadiri ka! Pinagsisisihan kong minahal kita " ito ang mga huling katagang binitawan ni Calix at bagsak ang balikat na lumabas ng kwarto. Doon ay naiwang umiiyak si Avery.
" Okay na ba? Pwede na akong umalis? " inis na tanong ng lalaking duguan na ang mukha.
Tumango lang si Avery habang ang mga luha ay tuloy parin ang pagbagsak.