Chapter 57

1098 Words

Iniwan ko si Calix doon, nangingibabaw ang galit ko sa kanya. Alam kong kagabi pa siya naroon at tiniis ko talaga siya. Kailangan niyang makita ang pagkakamali niya at pagsisihan iyon. Nangilid na naman ang aking mga luha nang maalala ang aming anak. Nahaplos ko ang aking tiyan. " Patawarin mo ako anak kung di kita naprotektahan. Patawarin mo rin ang papa. " bulong ko. " Ma'am, narito na po tayo. " napatingin ako sa driver at sa labas. Nasa harapan na pala kami ng bahay, pinunas ko ang aking mga luha at nagbayad kay manong bago bumaba. " Avireeee... " masayang bungad ni Manang at tumakbo para salubungin ako ng yakap. Napangiti naman ako dito. " Kumusta po Manang? " tanong ko nang bumitaw ito. " Ayos naman, ikaw ba? Tumataba ka yata? " masayang sabi nito, napatingin ako sa aking kataw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD