Calix " Sir, ito na po yung pinabili niyo. " sabi ni Jon saka inabot ang isang plastic. Napatingin ako rito at napalunok, may agdadalawang isip kong kinuha ito. " Sundin mo lang sir yung instruction. " sabi nito, tumango naman ako. Nasa isang restaurant kami, at dito napagpasyahang magkita. Ayaw kong makahalata pa si Avery. " Sir payo lang, para kana ring pumatay ng tao sa gagawin mo at anak mo pa. " sabi nito. Hindi ko alam, sobrang desperado na ako. Ito na lang ang naiisip kong paraan para pumayag siyang magpaopera, patawarin sana ako ng diyos. " I know, salamat. " sabi ko. " By the way sir, paalis na po ako ngayon. Babalik din naman po ako agad kapag natapos na yung problema sa probinsya. Kayo na po bahala sa pinsan ko. " sabi nito na ang tinutukoy ay si Ms. Dela Cruz, ang bago kon

