Calix Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang operasyon ni Avery kaya nanlalamig na ang aking kamay at halos hindi alam ang gagawin. Naglakad ako patungo sa maliit na chapel sa ospital at doon ay taos pusong nanalangin. Matapos magdasal ay bumalik na ako at muli ay hindi ako mapakali. Tatayo, uupo at pabalik-balik ang lakad. Napupuno ng kaba at takot ang aking puso. Naalala ko pa bago siya ipasok sa OR ay ngumiti pa siya sa akin at ibinilin na may mga ginawa siyang sulat para sa amin na nakalagay sa ilalim ng kama namin. Kita ko ang takot sa mga mata niya na pilit niyang itinatago sa akin kaya ginagawa ko ang lahat para mawala ang takot na iyon. Napaigtad ako nang mag-ring ang aking cellphone at agad iyong kinuha. Si Travis pala ang tumatawag, agad ko itong sinagot. " How's ate

