“IYON lang 'yon? Seryoso? 'Yon lang?” Mahinang turan ni Sheena pagkahiga niya sa kama. Nagtagumpay siya na pasukin ang apat pang silid dito sa ikalawang palapag. Wala naman siyang kakaibang nakita sa lahat ng silid. Sa unang silid ay halatang silid iyon ng isang lalaki dahil sa design niyon at mga damit na nasa aparador. Ang natitirang tatlong silid ay parang silid naman ng mga kambal. Kambal na lalaki, kambal na babae at kambal na lalaki at babae ang huli. Hindi tuloy niya mawari kung bakit siya pinagbabawalan na pumasok doon kung wala namang kakaiba sa mga silid. Medyo nagtataka lang siya kung sino ang dating gumagamit ng mga iyon. Marami bang anak ang mag-asawang Clemente? Kung oo, nasaan na ang mga ito? Baka naman nasa ibang bansa o baka… patay na rin, katulad ni Kayla? “Ang weird t

