NASANAY na si Sheena sa buhay na meron siya sa mansion. Lahat ng luho ay nakukuha niya. Bagong gadgets, damit, alahas at pera. Kung sa materyal na bagay ay wala na siyng mahihiling pa. Busog na busog siya. Lahat ay ibinibigay sa kanya nina Perlas at Gener. Ngunit tila may kulang pa rin. Oo nga at ampon lang siya ng dalawa ngunit hindi niya maramdaman na magulang niya ang mga ito. Noong una lang sabik ang mga ito sa kanya. Ngayon ay hindi na masyado. Isa pa, nang mga nagdaan na araw ay parating nakakulong lang ang dalawa sa kwarto. Doon na rin kumakain kaya madalas na mag-isa lang siya sa hapag-kainan. Mag-isa lang si Sheena nang hapon na iyon sa kanyang silid. Nakaupo siya sa ibabaw ng kama. Nakatingin sa wrist watch na nasa harapan niya na binili niya bilang regalo sa kanyang Papa Gener

