PAGBALIKWAS nang bangon ni Sheena ay biglang nawala iyong babae sa kama niya. Agad niyang iginala ang kanyang mata sa kabuuan ng kanyang silid ngunit wala naman siyang nakita o napansin na kakaiba doon. Takot na takot na tumayo siya at binuksan ang ilaw. Uminom siya ng tubig mula sa baso na nasa side table niya. Palagi siyang may isang basong tubig doon kapag natutulog upang kapag nauhaw siya sa gabi ay hindi na niya kailangan pang magtungo sa kusina. Humihingal na inubos niya ang tubig at tumingin sa kawalan para kalmahin ang kanyang sarili. Napasabunot na lang siya sa sariling buhok. “Ano bang nangyayari sa akin? Bakit may mga nagpapakita sa aking multo? Ano bang ginawa ko sa inyo?” naiiyak na tanong ni Sheena sa kanyang sarili. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang walang anu-ano

