“OO naman, iha. Welcome na welcome dito ang nanay mo—si Sonia, sa bahay. Ang mahal mo ay mahal na rin namin kaya huwag kang mag-alala kung dito man siya titira.” Napakalaki ng ngiti ni Sheena nang pumayag si Perlas nang magpaalam siya dito na kung pwede ay dito na sa bahay nila tumira ang tunay niyang ina. Tila isang bata na palinga-linga lang ang kanyang nanay sa malawak na salas ng mga Clemente habang nakaupo ito sa magandang upuan. Katabi niya ito at magkahawak sila ng kamay. “Salamat po, mama. Gusto ko rin po sanang ipagamot si nanay dahil nasiraan po siya ng bait dahil sa ginawa sa kanya ni Lando.” “Walang problema. Mamaya ay tatawagan ko ang kilala kong psychiatrist upang magamot ang nanay mo at bumalik sa normal ang isip niya. Pero bago iyan, iakyat mo muna siya sa guest room. Ak

