HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Sheena na ang nanay niya ang nasa loob ng puting kabaong na nasa harapan niyan. Walang tigil ang iyak niya kahit ngayong ika-tatlo at huling gabi ng lamay nito. Patay na ito o mas tamanag sabihin na nagpakamatay ito. Ayon kay Perlas ay saglit lang niya itong iniwanan sa guest room at pagbalik niya ay nakita niya itong akmang tatalon sa bintana habang tumatawa. Huli na para mapigilan nito ang pagtalon ng kanyang nanay. Sa kwento ni Perlas ay nahinuha nilang nagpakamatay ang kanyang nanay dahil wala ito sa katinuan. Hindi nito alam ang ginagawa nito at isang aksidente ang nangyari. Napakasakit na wala pang isang araw na nakasama niya ito simula nang maglayas siya sa kanila. Hindi rin niya mapigilan na sisihin ang kanyang sarili. Marahil ay buh

