“AND where are you going, Nanay Josephine?” kunot ang noo na tanong ni Crandall kay Nanay Josephine habang nasa hapag kami at kumakain nang haponan. “Kailangan ko kasing umuwi sa probinsya dahil may reunion kaming mag-anak sa susunod na linggo. Uuwi rin kasi ang kapatid kong galing abroad, kaya magpapaalam sana ako sa ’yo na kung maaari ay magkabasyon muna ako ng kahit tatlong linggo lang,” ani Nanay Jo. “Kasama mo rin ba si Wiliiam?” “Sasama po ako kay nanay, kuya. Matagal ko na rin po kasing hindi nakikita ang mga pinsan ko,” sagot naman nito. Nakikinig lang ako sa kanila habang nag-uusap sila. May ibang iniisip din kasi ako sa mga sandaling ito. I mean, ’yong mga lalaking nakita ko kanina na kausap ni Crandall pati ang narinig kong mga sinabi niya sa kausap niya sa cell phone kanin

