THIRD PERSON POV “WALA pa rin bang balita hanggang ngayon kung nasaan si Portia?” tanong ng ina ni Jass Anne habang nasa labas ito ng silid na inuokupa ng dalaga na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. “Pasensiya na po kayo, Mrs. Gomez, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita tungkol kay Ms. Portia Martinez,” sagot ng pulis. “Pero huwag po kayong mag-alala, ginagawa naman po namin ang lahat para mahanap siya at nang maimbistigahan pa po namin nang husto ang tungkol sa nangyari sa anak ninyo.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan sa ere ng ginang dahil sa mga sinabi ng pulis. “God! Ilang linggo nang nandito sa ospital ang anak ko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo nahahanap ang babaeng ’yon! Paano naman mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa anak ko? Tal

