PORTIA’S POV “DO you have a problem with me, Naya?” tanong ko rito nang mapagsolo kami sa kubo. Saglit kasing nagpaalam sa akin si Crandall na magtutungo siya sa kamalig para daw tingnan doon ang kalabaw nilang nanganak na. Kasama niya si Tata Berting na nakilala ko na rin kanina pagkabalik namin dito ni Crandall mula sa pangangabayo. At simula kaninang pumuwesto kami ni Crandall dito sa kubo ay hindi na rin umalis ang babaeng ito, at panay ang pakikipag-usap sa boyfriend ko kahit wala naman nang sense ang mga tanong nito. “Bakit mo naman naitanong kung may problema ako sa ’yo, Portia?” sa halip ay balik na tanong nito sa akin. “Well, napapansin ko lang kasi, simula nang dumating kami ni Crandall dito kanina ay masama na ang tingin mo sa akin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit?”

