CHAPTER 29

2144 Words

PORTIA’S POV “SANA ay nagpasabi kayo na dadating kayo rito sa rancho ngayong hapon, hijo!” “Ayos lang po, Nana Estella. Biglaan lang din po ang pagpunta namin dito,” sabi naman ni Crandall. Magkatabi kaming nakaupo sa papag na gawa sa kawayan na nasa loob ng kubo. Kaharap naman namin ang matandang babae na sinasabi ni Crandall na dating caretaker daw ng mansion na ngayon ay nangangalaga sa rancho nila. “By the way, Nana Estella, si Portia po. This is my girlfriend.” Muling sumilay ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi ko nang ipakilala ako ni Crandall sa matandang babae. “Hello po, Nana Estella. Magandang hapon po!” bati ko rito. “Magandang hapon din sa ’yo, señorita! Ikinagagalak kong makilala ka.” “Nako! Portia na lang po ang itawag ninyo sa akin. Ayos lang po,” sabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD