DALAWANG ARAW na nawala sa mansion si Crandall. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta at kung ano ang ginawa niyang importante kagaya sa sinabi niya sa akin bago siya umalis no’ng isang araw. Ako lang mag-isa rito sa mansion dahil sa susunod na linggo pa naman uuwi sina Nanay Josephine at William. No’ng unang gabi na naiwan akong mag-isa rito, medyo natakot ako dahil baka muling bumalik ang mga lalaking gusto akong kunin at patayin, pero mabuti na lang at hindi naman iyon nangyari. Naka-survived naman ako nang dalawang araw at dalawang gabi. It’s three in the afternoon and I’m just standing here at the window of my room. I was just looking outside and waiting to see if Crandall would come home now. Bored pa rin ako at walang maisip na puwedeng gawin para ma-distract ang sarili ko. Kanina

