PORTIA’S POV “MS. GOMEZ, pasensiya na po! Pero hindi po natin puwedeng i-detained si Ms. Martinez hangga’t wala pa po tayong sapat na ebidensiya na makapagpapatunay na siya nga ang may kagagawan sa nangyari sa anak ninyo,” sabi ng pulis na kumausap sa amin ng mama ni Jass. Nasa presinto kami ngayon. Sumama na ako sa mga pulis kanina dahil nagwawala na si Tita May sa hallway ng ospital. I was also not to blame for what happened to Jass Anne, so I wasn’t afraid to go with them. “What? Akala ko ba kapag nahanap na ang babaeng ito ay makukulong na siya dahil sa nangyari sa anak ko? Tapos ngayong nandito na siya sa harapan ninyo ay sasabihin n’yo sa akin na hindi ninyo siya puwedeng ikulong?” nanggagalaiting tanong nito. “Tita May, wala naman po talaga akong kasalanan sa nangyari kay Jass

