PORTIA’S POV “C-CREED!” nauutal na sambit ko sa pangalan nito nang makabawi na ako sa labis na pagkagulat. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa akin. “We met again, Portia,” sabi nito. Ang kabog ng puso ko ay mas lalo pang lumakas. At nang akma ko na sana itong itutulak upang kumawala ako mula sa pagkakayakap ng isang braso nito sa baywang ko, bigla naman nitong nihigpitan ang pagkakayakap sa akin at mariing hinawakan ang isang kamay ko. “N-No! Please let me go,” sabi ko na sunod-sunod pang napailing habang mas lalo kong nararamdaman ang takot sa puso ko. He’s a friend of Crandall, kaya alam kong inutusan niya rin itong si Creed na hanapin ako. At ngayon nga ay natagpuan ako nito rito sa ospital. Sunod-sunod akong napalunok habang ang mga mata kong nak

