Author's Christmas Gift #2: Lapis

866 Words
Lapis Tapos na’ko sa part ng buhay ko kung saan nakilala ko ang aking mga FRIENDS, FOREVER FRIENDS. Anong part yung sinasabi ko? Highschool. Yup! Tapos ko nang pagdaanan ang Chemistry, Algebra, Physics, at ang pagkahaba habang nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Highschool graduate na ko at incoming freshmen college student sa darating na school year.   At kaming mga graduates ang mga nagiging pinakabusy pagdating ng bakasyon. Bakit? Lilibutin mo muna kasi ang buong school para makuha lang ang diploma mo. May mga teacher kasi na nakikipagtsismisan lang at ang mission naming, hanapin sila. Hide and seek lang ang aming drama.   After that, ano pa nga ba ang manghihingi ng sandamakmak na requirements? Edi colleges and universities. Anong drama ko ngayon? Edi mag eexam. Amp! Ang boring.   Actually, sabi ng admission department, November pa lang daw dapat is nag papa schedule na kami. Oh well... sino ba naman ako? Si Reese Alcala, ang butihing anak nina cheche at bureche na saksakan ng katamaran at kamangmangan.   Hindi ko nga iniexpect na may tatanggap pa saking University eh! Bakit?   English- 77 Filipino- 78 Mathematics- 75 Science and Technology- 75 MAKABAYAN- 77   Oh di ba? Highschool grades pa lang, pamatay na! Ano bang magagawa ko? Eh yan lang ang kaya ko!   “Reeeeeeeeeeeeese... andyan na ang pinsan mo sa labas”   “andyan na po Ma!”   “i-clip mo yang bangs mo para di abala habang nag eexam ka!”   “opooooo!”   Ganda talaga ng hair ko, makasayaw nga muna!   “to the left to the right umikot ng sabay sabay, bye bye suklay , do the palmolive finger comb! Buhok kay lambot, buhok kay sigla, buhok kay ganda, let’s do the rabba dabango downy’s rabba dabbango wi—“   “hoy Reese may pasayaw sayaw ka pa dyan! Tara na! Mamaya mahuli ka pa!”   “aish! Sumasayaw pa nga di ba? Kainis toh, panira ng moment!”   Sa CrossKing University nga pala ako magka college, hehe! Elite school yun, ano kayo? Meron din silang highschool, CrossKing Academy, balita ko nga may pogi dun... yung BOYS GENERATION! Pero kung sino man sila, mas may gwapo pa sila! Si prince charming ko, si JAKE ASCUNCION. Kyaaaaaahhhhh!!!   San kaya papasok si Jake? Imposible namang sa CrossKing din sya, ang mahal kaya ng tuition fee dun, eh ang balita ko, yung kapatid nyang Jean Ascuncion, dun din pumapasok sa Crossking Academy. Hayssssst, bakit kasi ang gwapo gwapo nya? Likod pa lang ulam na! Ulalala!   Tourism nga pala ang kukunin kong course, hindi ko masyadong feel ang engineering eh, alam nyo naman ang grade ko sa Math...   “diyos ko naman Reese! Saksakan ka kasi ng kabagalan, ayan tuloy! Malapit na kayong magtake ng exam, 1:00 na oh! Asan tayo? Nandito pa din tayo sa jeep, ang bagal bagal kasi ng driver”   Sus... as if I know, kungyari ako ang kinakausap pero pinaparinggan yung driver.   “OA ka lang pinsan, 2:00 pa yung start hah! Masyado kang atat!”   Sa gitna ng traffic, may sumakay... si JAKE ASCUNCION. Kyaaaaaaaaaaaaaaa!   “oh my god insan! May pulbo ka ba dyan at salamin?”   “Gaga! Bakit magpupulbo ka pa eh hindi ka pa naman oily!?” bigla syang napatingin sa kinauupuan ni JAKE! “ahhhhhhh. Kaya naman pala!” nagtinginan lahat ng passengers sa kanya including Jake. OH MY! Anlakas talaga ng tama nitong pinsan ko! Nagsalita ulit sya habang NAKATINGIN kay JAKE. “Kaya naman pala REESE bigla kang nacurious sa itsura mo, andito pala ang crush mo”   Biglang nagtawanan ang mga matatanda at napangiti naman si Jake. Pulang pula na din ang mukha ko dahil sa init ng araw + KAHIHIYAN.   Pagdating namin sa CrossKing, nakatambay na sa labas ng pinto ang mga kasabay naming mag eexam.   Pumunta muna ko sa banyo para mag CR. Baka dun pa ko abutin, 3 hours kaya yun!   Pagliko ko dun sa may poste, nabunggo ako sa isang tao kaya natumba ako.   “sorry” inilalayan nya kong tumayo pero dahil starstruck na starstruck ako sa kanya natumba ulit ako.   “ayos ka lang ba?”   “ok lang ako” tumayo na ko kahit nanginginig pa din yung tuhod ko. Diyos ko lord... dito na ata ako mapapa ihi dala ng sobrang kilig!   May pinulot sya sa sahig at hinawi ang buhok ko sa pisngi.   “mas maganda ka kapag walang harang sa mukha mo (with pamatay smile)”   Pumasok na ko sa banyo at nagtatalon.   Oh my!!! Gusto nya rin ba ko???????????????????????????????? ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!   Pagdating ko sa room ng pag eexaman namin.. OH MY! NAKASARADO NA!   Kumatok ako sa bintana para buksan yung pinto.   “You’re late Ms.”   “Nag cr pa po kasi ako sir”   “take your seat”   Dahil isa na lang ang vacant at sakto pang dun ako napatabi kay crush, hindi ata ako makakapasa. Pero well, sulit naman ang pag eexam ko!   Magsisimula na kong magshade ng answer ng...   “sir!!! Wala po akong lapis!!! T_T”   “who have an extra pencil?”   Nagtaas ng kamay si crush! Bakit ang swerte ko ngayon.   “lapis oh! Pero pwede bang pagkatapos mong sagutan yang exam...   ...ako naman ang sagutin mo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD