“TIKAS PAHINGA!”
Tss, CAT na naman. Nakakapagod na. Bakit may ganyan? Dahil isa akong kadeta na laguman sa pagsasanay, blah blah blah.
Kumendeng sa kaliwa, kumendeng sa kanan, pabalik na!
“HUMAN~ DA!”
Yan lang naman ang madalas naming gawin dito sa training namin. Walang pahinga, half day nga pero wala namang recess. Wala na kaming ibang ginawa kundi mag martsa.
“Stomach in, Chest out”
Para ngang nang-mamanyak lang ang mga officers dito eh. Gustong gusto nilang ipagdul-dulan namin sa kanila yung chest namin. Hello? Babae po kami na nagdadalaga na. 1st year college na nga.
“Boys, hold your bananas”
Natawa naman ako bigla, hindi pa din ako sanay na makakarinig ako ng ganyan lalo na’t sigaw pa.
Lilinawin ko lang, hindi yung banana sa baba yung tinutukoy nung commandant, ang ibig sabihin nun, i-close mo yung fist mo na parang may hawak kang banana.
“GONZALES! AVOID LAUGHING!”
Kinagat ko ang labi ko para di mapatawa. Yun ang isa kong technique para makasurvive dito sa ROTC na toh.
2nd year G.E. (Generel Engineering) na tong nagco-command sa’min.
“Avoid biting your lips! Nate-temp ka ba sa’kin?”
Tawanan lang ang nangibabaw sa buong platoon. Namula ako dahil sa hiya, at the same time, galit. Ayoko talaga ng ganito, yung ipinapahiya ako sa tapat ng maraming tao.
Pero dahil oras nya toh at hawak nya ang grade ko sa NSTP, kailangan kong rumespeto. Minsan nga, gustong gusto ko ng sapakin tong mga to ee.
“Thea, ayos lang yan...”
Napatingin ako sa kanan, dahilan para kumalma ako.
Syempre, babae lang ako at nagkaka-crush din. Siya si Kiel De Castro. Ang lalaking nagpapatibok ngayon ng puso ko. Palagi syang nandyan sa tuwing ipapahiya ako ng G.E. na officer na toh.
“thanks!”
Nagpatuloy ang training namin at sandamakmak na push-ups for boys at pumpings for girls. Nakakangawit yun sa paa noh. Hindi kasi namin magets yung tinuturo.
“KALIWANG PANIG NA!”
Saktong pagbigay nya ng command eh natapilok ako. Sinubukan kong makatayo pero wala. Hindi ko kaya. Nagkaroon siguro ng bali tong paa ko.
“A-ano ba yan Ms. Gonzales! A-ayusin mo naman yan!”
Diyos ko! Nagkaron na ko ng injury tapos yun pa ang sasabihin nya sa’kin? Asar lang. Bakit kailangang ganito ang ugali ng mga officers, wala man lang concern sa’ming mga cadettes. Tsk. Makarma sana sya. Hindi sya marunong magbigay ng consideration.
“Sir! Dadalhin ko na lang sya sa clinic...”
Umalis si Kiel sa pwesto nya at binuhat ako. Meron din palang mapapala tong injury na toh. At least, mabubuhat nya ko. Ngayon, binuo nya na naman ang araw ko. Napangiti na lang ako dahil sa pagbuhat nya sa’kin.
Nilagay ko ang dalawa kong kamay para maiyakap sa batok ni Kiel. Hindi naman sya nagbigay ng comment. Ayos lang naman siguro.
“DE CASTRO!”
Tumigil sa paglalakad si Kiel at bumalik na naman ako sa realidad. Nagpapantasya na ko eh, kainis tong officer na toh.
“IBABA MO SYA!”
Lahat nagulat sa sinabi nya. Napaangat na lang ang labi ko dahil sa hayop na toh. Anong gusto nyang gawin ko dito? Ipilit yung mga paa ko na makalakad. Eh hindi ko nga kaya eh! Nakakaasar na talaga.
“Pero si—“
“You’ll bring her down, or 100 push ups?”
“Sir nam—“
“Ibaba mo na ko Kiel, sundin mo na sya.”
“Pero Thea, baka kung mapano ka, hindi kita pwedeng hayaan dyan na nakaupo na lang sa lupa”
“Please? Ako ng bahalang gumawa ng paraan..”
“Ayoko.”
“Isa... Dalawa... Ibaba mo na ko kung ayaw mong magalit ako sa’yo..” seryoso kong sabi sa kanya. Ayoko namang mahirapan syang mag push up ng 100.
“Sige, ibababa kita pero kailangang mangako ka sa’kin na papayagan mo kong gantihan yang mayabang na yan pagkatapos ng NSTP”
“syempre naman.”
“BILIS BILISAN NYO NAMAN! NAGLAMPUNGAN PA EH!”
Kahit kelan talaga, hindi ako natuwa sa officer na toh. Kung umasta, akala mo kung sino. Meron syang kapangyarihan pero hindi dapat ganyan ang tamang pag-asta. Hindi sya Diyos.
“mga medics na babae, buhatin nyo sya’t dalhin nyo sa clinic”
Nakahinga naman ako ng maluwag. May puso rin pala syang nakakaramdam. Akala ko iiwan nya na ko dito sa lupang nakaupo.
*****
“Ok na miss yung sprain mo, sa susunod eh mag-iingat ka na para di ka madisgrasya. Hayaan mo, dito ka na lang muna hanggang matapos yung training, baka mamaga yang paa mo eh. Sige, magpahinga ka na...”
Napa buntong hininga na lang ako pagkahiga ko.
Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon eh.
Nanghihina ako. Parang gusto kong i-dropped tong subject na toh. Sa totoo lang, matagal ko ng nararanasan sa lalaking yun ang t*****e eh.
*flashback*
1st day of training.
“Tuntun Kanan~~~ NA!”
Dahil first day pa lang namin dito sa ROTC at hindi naman kami nag CAT nung highschool, hindi ako gumagalaw. Malay ko ba kung ano ang gagawin ko. Sigaw sya ng sigaw dyan eh hindi nya naman tinuturo.
“Y-YOU!”
Tumingin ako sa nagsabi ng YOU. Akala ko, hindi ako, tapos, ako pala. Ano naman kayang kailangan nito?
“Oh Bakit?”
“G-give m-me, twenty, este, five pumpings, MOVE!”
Nagsimula na kong mag pumpings dahil nakatingin lahat sa’kin. Mabait pa din naman ako at ayaw kong masabihan ng bastos. Pero ang nakakahiya talaga, mag-isa lang akong nag e-exercise dito.
Easy nga eh, 5? Diyos ko, ni hindi man lang ako pinawisan kahit isang tulo man lang.
---
2nd day of training.
Dire-diretso akong pumapasok sa loob ng university. Wala namang mangyayaring masama eh.
“GONZALES! LUMABAS KA NG GATE!”
Tama kayo. Hiyaw na naman nya ang umagaw ng atensyon ng buong ROTC students. Sikat ang peg ko ngayon kaya wag na kayong magtaka. Lagi na lang akong live show sa mga toh. Bwisit.
“Bakit po sir?” bungad ko sa kanya pagkalabas ko ng gate.
“Bakit hindi ka pa nakapuyod at naka tuck-in? Gawin mo na yan ngayon.”
Huh? Napatingin ako sa mga pumapasok, hindi naman sila sinisita.
“Pero sir, bakit yung mg—“
“wala ng tanong tanong, mag tuck-in ka na lang.”
“Oh? Edi tumalikod ka, alangan namang panuodin mo pa ko habang nag ta-tuck in.”
“S-sige”
Alam nyo yung bwisit na part? Tumalikod lang sya. Napaka walang common sense. Ang ibig sabihin lang naman nung sinabi ko eh umalis sya dahil hindi ako makakapagbihis na nandyan sya.
Inayos ko ang damit ko at nagtuck-in na. Dahil stainless ang sinturon namin eh maririnig mo pag tinanggal yung buckles. Napatingin naman ako sa tuhod nya. Bakit nangangatog toh?
Pinuyod ko na din ang buhok ko.
Pagkatapos nun, umalis na ko at pumasok na sa loob. Hindi na ko nagpaalam sa walang kwentang officer na yun. Tss.
Pagpatak ng 7:30 eh nag-umpisa na, pinapila kami at nag check ng attendance.
Nagulat na lang ang lahat ng sinabing mabibigyan ng demerits ang mga nakalugay ang buhok at hindi pa naka tuck in. Buti na lang at may nagsabi sa’kin.
15 demerits din yun kung sakali.
Aling part yung nakakahiya?
Ako lang yung walang demerits at sinumbong nung isang officer yung kasamahan nya na nagsabi sakin ng dapat gawin.
Oo. Na link na ko sa kanya dahil dun sa nangyaring yun. Napuno ng kantyawan ang buong gym dahil sa pinagsasabi nya sa’kin. Ako ang main topic ng campus ng araw na yun at sobrang nakakahiya.
---
3rd training day
“LAKAD PATAKDA~~~ KAD!”
Sabay sabay kaming nag-martsa na parang wala ng bukas. Dapat kasi ay nakaliyad ka na para mataas ang pagmartsa mo. Yung iba ngang pa-umbok ang puwit ay nahihirapan sa ginagawa namin.
“GONZALES! Silent marching...”
Inaasahan ko na toh, natalakan na naman ako.
Bakla siguro toh, ang dami daming satsat.
“GONZALES! Patakda lang, ang layo layo mo na sa’min!!!”
Napatingin ako sa mga kasamahan ko, at ang layo ko na nga. Pinagtawanan na naman ako. Palagi na lang.
*end of flashback*
“Ako ang ringtone mo, ako ang ringtone mo... Bilisan mo na’t sagutin ang telepono mo oh~~~”
Napamulat ang aking mga mata dahil sa gulat. Nakatulog pala ako dito sa pagkakahiga ko.
“Gising na ba sya? Ok lang ba sya? A-ano nurse? S-sumagot ka!!!”
Napalingon ako sa dingding na humaharang sa kwarto. Hindi ko malaman kung sino ang nagsasalita dahil hindi klaro at malinaw ang boses nito. Pero may kutob ako kung sino yun, ang aking ultimate crush, si Kiel.
Ang swerte ko talaga na meron akong katulad nya.
Mabait, maaalalahanin, galante, gwapo, gentleman, magalang, ano pa bang hahanapin mo?
Narinig ko ang pagsarado ng pinto sa entrance, kasabay nito ang pagbukas ng pinto dito sa kwarto. Pumasok si Kiel, kahit kelan talaga hindi ako nagkamaling mahalin sya.
“Thea, ayos ka lang ba?”
“Oo, ayos na ko. salamat kanina hah?”
“bakit ba nagpapasalamat ka pa? Eh hindi nga kita naipagtanggol sa hayop na Lewis na yun!”
“Lewis? Sino naman yun? Sya ba yung...”
“Oo sya nga, sya ang commandant natin sa ROTC. Inalam ko talaga ang pangalan nya paraa madali na syang resbakan”
“Ikaw talaga, tara na nga!”
Hinatid nya ko hanggang sa bahay namin ng naka piggy ride ako sa kanya. Buti na nga lang at hindi sya nangalay, hindi naman ako mabigat pero medyo mabigat ako. Ano ba yun? Ang g**o!
---
Kinaumagahan, maaga akong umalis sa bahay namin. Magbabayad kasi ako sa cashier dahil malapit na ang Finals. Ayoko namang makisabay kung kailan madami ang tao at siksikan.
Pagdating ko sa cashier’s office, umupo ako sa dulo ng pila. May upuan kasi dun at hindi kami nakatayo pag naghihintay.
Nakaupo lang ako ng may tumabi sa’kin. Wala naman talaga ko actually-ng pakialam pero kinausap nya ko.
“O-ok na ba yang paa mo?”
Napa-irap na lang ako. Yung heavenwards para sosyal. Anong akala nya? Nakalimutan ko na ang mga pagpapahiya nya sa’kin? Bwisit!
“A-ah, p-pasensya ka na hah? Kailangan ko lang talagang maging strikto sa’yo..”
Napatanong naman ako sa isip ko. Bakit sa’kin sya kailangang maging strikto? Tsk.
“Anong sakin?”
“a-ah, ang ibig kong sabihin sa... sa... sa mga cadettes, hehe”
Ngumiti sya sa’kin ng pilit at halatang kinakabahan. Natatae na siguro toh, pinagpapawisan din ng malamig eh.
“Yang paa mo, ok na naman daw di ba? Tinanong ko yung nurse kahapon...”
Hindi ko na sya inimikan. Ayoko syang kausapin.
“NEXT.”
Tumayo ako sa pagkakaupo ko tsaka ako nagbayad. Inayos ko ang form ko at umalis na ng nakuha ko na ang resibo.
Mga isang minuto pa lang akong naglalakad ng may humawak sa braso ko kaya napaharap ako sa likod. Sya na naman.
“Ms. Gonzales, n-naiwan mo,” tsaka nya inabot sa’kin ang wallet ko. tss, so careless! Nalaglag ko pala. Nandito pa man din ang pera at I.D. ko.
“Thanks” malamya kong sagot. Hindi kasi sya masarap kausap.
Sumakay ako ng jeep at pumunta sa Main Campus II. Nandito kasi ang lahat ng klase ko ngayong araw at mamaya pa namang tanghali yun. Pupuntahan ko muna si Kiel sa court.
Dahil madaming tao, maingay na agad pagpasok ko.
Nakita ko agad sya at agad ko syang nilapitan pero naisip kong magtatago muna ko at gugulatin ko sya. Pumwesto ako sa gilid ng dingding para hindi nya makita.
Gugulatin ko na sana sya kaya lang ay nagsalita sya.
“T.ngna pare! Masyadong ambisyosa yung si Thea, akala nya gustong gusto ko sya. Hahaha! Eh sa tuwi ngang hahawakan ko sya eh nandidiri ako. Iwww! Hahaha!”
“Tsk! Mukha ngang panalo ka na, tatanungin mo na sya sa linggo kung pwedeng maging kayo di ba? Mukhang panalo ka sa pustahan... Ihahanda ko na ang limang libo mong premyo”
“ABA! DAPAT LANG NOH! NAKAKADIRI KAYA YU—“
Hindi ko na sya pinatapos ng sasabihin nya dahil binato ko sa mukha nya yung bola ng basketball. Buti na lang at gumulong yun papunta sa’kin.
Napatingin sya sa’kin at halatang gulat ang expression nya.
“Kung nakakadiri ako, ANO KA PA?”
Tsaka ako nagwalk-out. Kaya naman pala ganun ang turing nya sa’kin. Dahil sa pustahan.
---
“Anak, kain ka na! Hindi ka pa nakakakain ng maayos pamula nung lunes ng hapon. Sabado na anak, wag ka ng magmukmok dyan. ROTC nyo bukas, sige ka... wala kang energy!”
Actually, isang linggo ko hindi pumasok. Nahihiya ako eh. Parang isa kong babae na ginawang laruan.
Bumangon ako sa kama ko tsaka bumaba sa kusina. Kumain ako ng madami para may resistensya ko bukas.
Tama na siguro tong pagmu-mukmok ko.
Kinabukasan,
“KALIWA! KALIWA! KALIWA KANAN, KALIWA KANAN, KALIWA! KALIWA!...”
Nagfocus ako sa pagmamartsa ko ngayon. Kasama ko sa platoon si Kiel pero wala na kaming pansinan. Nakakatawa nga ee. Para kami dating magsyota, tapos ngayon eh parang hindi kami magkakilala.
Last day na namin toh sa ROTC.
Kahit papano, masaya din akong natapos ko toh. Hindi ako nag quit. Kinaya ko yung challenge.
Pinag pahinga kami ng konti ni Lewis. Haha, kilala ko na sya ngayon. Ewan ko, pero hindi na ko bitter sa kanya. Mabait din naman eh. Dati eh walang pahinga pero ngayon... IMPROVING...
“Sorry, sorry talaga. Ayokong saktan ka pero... kailangan ko kasi ng pera dahil sa Finals exam. Hindi naman talaga ko babarkada sa mga yun eh! Napasama lang ako at kailangan kong makisama sa kanila para may maipambayad ako. Sorry talaga...”
“Ok lang. Ang mahalaga, alam mo ang pagkakamali mo.”
Ngumiti lang sya sa’kin tsaka nagsalita.
“Ang bait mo talaga. Deserve mo ang mga taong totoong nag-aalala sa’yo...” tsaka sya umalis.
Isang minuto pa kong nakaupo ng pina fall-in ulit kami.
5 minuto na lang at tapos na tong training na toh.
“TUNTUN KANAN~~~ NA!”
Dahil wala pa ko sa wisyo eh hindi ako nakasabay.
“P-presence of mind Gonzales, l-last training na nga to eh!”
Actually, hindi ko alam kung galit ba o malungkot yung way ng pagkakasabi nya.
“Pero at least,” napatingin ako kay Lewis “maliligawan na kita. Hindi ka na cadette pagkatapos nito.” Tsaka nya ko binigyan ng isang ngiti. Yung tunay na ngiti.
Mukhang kilala ko na talaga kung sino ang kapartner ko sa kwentong toh.
Walang iba kundi ang nagpahirap sakin sa subject na ROTC.