14

1034 Words
Mika's Here I am sa bar ni Bea, wala naman kaming sesh today but I called Bea kung pwede niya ako samahang uminom. Nakakainis lang dahil hindi ko makuhang i-enjoy yung so called freedom ko. Ugh what's gotten in me. "For you young lady." sabay abot ni Bea ng isang Mojito. "Thanks." "Have you seen her lately?" "Hindi eh. Di nga marunong sumagot ng text or tawag." It's been a week since she left. No texts, no calls, wala ni kahit ano. I don't even know kung saan siya nagstay ngayon. "Sa tingin mo infatuation pa yan?" Bea asked so I gave her a glance. "What cha think?" I asked in return kaya napangiti ang loko. "Oh so you like her na talaga?" Nasa counter kami ngayon para di na magpabalik balik yung waiter para sa drinks namin. Nagshrug lang ako and chugged my drink, bottoms up. "Hey take it easy. Wala ka kayang driver." "I can take care of myself. Di naman ako baby." "So what are your plans?" she asked. "Hunt her down. Gigilitan ko siya ng buhay." I smirked and laughed softly. Then suddenly, naisip ko na baka alam ni Carol kung saan nagstay si Vic. I asked Bea na samahan ako, hindi naman siya makakatanggi kaya agad na din kaming nagpunta kay Carol. "Why are we doing this again?" nakaismid niyang tanong. "I don't know Bey. Gusto ko lang siyang makita." "Hope cupid hit it right this time." napailing na lang ako sa sinabi niya. "Hindi ba pwedeng namiss lang? May pa cupid cupid ka na agad." "Oh bakit mo ba namimiss ang isang tao?" "Kasi hindi mo nakikita or nakakausap duh?" "Mali, kasi mahalaga siya sayo." she said and even stuck her tongue out. "Whatever." "Bagay naman kayo, may sparks pero mas bagay tayo." natatawa niyang sambit. Napangiti na lang ako kasabay nang pag-iling ko. Baliw talaga to si Beatriz. Nang makarating kami sa bahay ni Carol ay niyaya pa niya kaming pumasok pero hindi naman kami magtatagal kaya tinanggihan na namin ang alok niya. Tinanong ko kung saan nagstay si Vic at agad naman rumehistro ang isang nakakalokong ngiti sa labi nito. "Wala ba sa puso mo?" tanong niya at natawa naman si Bea. "Wala PA." sagot ni Bea, diniinan talaga ang word na 'pa'. "Ohhhh." saka sila nag-apir. Mga isip bata ata mga kausap ko. "Saan nga?" tinaasan ko na ng kilay and luckily, effective naman. Sinabi niya samin where Ara stays kaya agad naman kaming nagtungo ni Bea doon. Nasa tapat na kami ng dorm niya nang maisip ko umuwi na lang. "Are you serious? We traveled for nothing?" poker face niyang tanong. "Narealize kong wala akong sasabihin." then I gave her a peace sign which made her sigh. "You're kidding me, aren't you?" "Hindi nga, tara na." "Wait wait, may nagbukas ng door."  Inuluwa naman ng pintuang iyon si Ara. Magtatapon lang ata ng basura, oh ghad I missed her. Nakaramdam ako bigla ng kung anong lungkot. "Tara na uwi na tayo." sabi ko nang makapasok na ulit si Ara sa dorm niya. "Don't be sad na my princess. Libre na lang kita ng ice cream." "Libre mo ha. Wala nang bawian." We both giggled and she drove her way sa nearest 7/11 store to buy 2 750 mL na ice cream. Tig-isa kami, bitin pa nga ito sa akin. "Sad ka pa?" tanong niya. "Slight, but I feel better because of this." sabay angat ko ng ice cream. "Ouch. Kala ko because of me." sabi niya sabay pout. "Di bagay sayo Bea." Nagkwentuhan lang kami at hinatid niya na din ako pauwi. Yung kotse ko daw ay ipapahatid niya na lang sa driver niya bukas. It was 11 pm when I got home. No more loud sermons, I went straight to my room at ibinagsak ang katawan ko sa kama. I opened my phone at tinignan ang convo namin ni Vic. Convo pero walang reply from her lol. Pinkyyy  Why did you resign? Have I done something wrong? Galit ka ba? Why are you not answering my calls? Heeyyyy! Feeling ko may nagawa akong mali... Talk to me  Sesh later. Punta kayo ni Carol ha. ☺️ Bakit di ka pumunta? Ano bang nagawa ko? Heeeeey  I continued texting her, and she continued to ignore me. Wow. Mapapa-wow ka na lang talaga. Should I text her one more time? Should I not? I'll let fate decide, so kumuha ako ng flower sa garden namin. Text her Text her not Text her Text her not Nakailang pitas pa ako ng petals nito. Text her.... not. I pouted but I ended up texting her anyway. Hahaha! Still hoping that she would reply this time. ***** Vic's Nang malaman ni mommy na nagresign ako ay hindi naman ako pinagalitan. Gusto niya lang malaman kung bakit pero wala akong naibigay na rason. Alangan naman sabihin ko na nahuhulog na ang loob ko sa anak ng boss ko diba. I sighed then I heard my phone buzzed. Notif pa lang halos malagutan na ako ng hininga.  Mika Reyes Miss you. Nagkusot ako ng mata, baka kasi namamalik mata lang ako diba pero hindi. Hindi ako namamalik mata at lalong hindi ako nananaginip. Hindi ako sumasama at nagrereply sa kanya dahil ayokong mahulog pa lalo sa kanya. Kahit sino, basta wag si Mika. How could you suppress your feelings kung ganyan naman siya diba? Sana hinayaan niya na lang ako dahil ayoko naman ilaban kung ano tong nararamdaman ko. Hindi ako nagreply like always, mabigat sa puso kasi gustong gusto ko naman sagutin ang mga text niya pero... Mika Reyes calling... I sighed, get my phone and hit the answer button. "Hello?" bungad ko. Walang sumasagot kaya tiningnan ko kung pinatay niya ba ang tawag pero hindi naman. "Mika?" "Hello?" "Papatayin ko na 'to." wika ko dahil baka napindot niya lang or what. "Wag please..." sagot niya.  Ito na nga ba sinasabi ko, marinig ko pa lang husky niyang boses natutunaw na ako. "Kamusta?" tanong niya. "I'm fine. Gabi na ah, bakit di ka pa natutulog?" "Iniisip ko kung galit ka ba sa akin or what." "Hindi ako galit Mika." "Really? Bakit hindi ka sumasagot sa mga text ko? Bakit hindi ka nagpupunta sa bar if you're not? At bakit hindi ka nagpaalam sakin?" bakas ang inis at pagtatampo sa kanya. "I'm sorry. I'll join the hangout soon. May inaayos lang." Inaayos ko pa ang puso ko. "Promise?" tanong niya. "Promise." "Sige. Good night Vic." "Good night din young lady." Bago ko pa mapatay ang tawag ay sumigaw siya ng wait kaya tinanong ko siya kung bakit. "I miss you." Then she hung up. Parang tumigil na sa pagtibok yung puso ko sa narinig. Hindi na nga ako makapaniwala na nagtext siya ng ganun, sinabi niya pa. Sinubukan kong hindi kiligin pero wala eh, nakakakilig talaga. Good night indeed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD