13

908 Words
Mika's I'm stuck staring at her right now, wondering why she's been so cold and distant sa aming magkakaibigan. When I ask her if something's bothering her puro 'wala po' ang nakukuha kong sagot. She doesn't even want me to sit sa shotgun seat, driver ko daw siya kaya pwede naman daw ako maupo sa backseat. Like hello?? Does she really need to think of herself like that? We've been so kind at welcome na welcome naman sila ni Carol sa barkada tapos hindi naman friends ang tingin niya samin?  "Mam baka matunaw po ako." she seriously said pero hindi ko inalis ang tingin sa kanya. She's driving and we're on our way sa bahay ni Kim. Which I know for a fact, she'll settle herself away from us at haharap nanaman sa libro niya. Kesyo may quiz daw siya. Kakatapos lang kaya ng midterms, quiz agad? "Bakit ka ganyan?" tanong ko. "Alin po?" "Ganyan." Napakamot naman siya sa ulo niya bago tumingin sa akin dahil nasa may stoplight kami. "Ano ba yun?" she asked. "W-wala." I immediately looked away. I really am not used to seeing her so serious, and to tell you guys honestly, I find her attractive whenever she's giving me that suplada look of hers. Hindi ko na siya kinausap ulit, I kind of miss the annoying Vic. Why am I getting upset? Dinaanan muna namin si Carol at nang makarating kami kanila Kim ay pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Ginagawa niya yung mga bagay na hindi ko inuutos pero pag hiniling kong sabihin ang problema niya dahil baka sakaling makatulong ako ay di naman niya gagawin. "What's with the long face princess? You should never frown. Madami kaya naiinlove sa smile mo, so always wear it." Pinisil pisil pa ni Bea ang pisngi ko kaya natawa na lang din ako. "That's more like it." sabi niya before passing me by to greet Ara. "Parang di maganda tulog ni Ara ha. Ano nanamang ginawa mo?" sabi ni Kim dahilan para taasan ko siya ng kilay. "Don't blame that on me. Nagtataka din ako, ayaw niya sabihin, edi wag." "LQ ba?" sabay taas baba ng kilay niya. "LQ mo mukha mo. Saan naman galing yan?" kunot noo kong tanong. "Sa mga chismosang langgam." "Ha ha. Ang korni mo." saka ko siya inirapan.  "May mga feelings kayang lumilipad." nakangiti niyang sambit pero di ko na pinansin at nagtungo na lang sa kambal. Napapansin din nila na mas mailap na nga ngayon si Vic kesa nung una. Noon kasi ay sumasabay pa ito sa mga trip namin, pero ngayon, dalawang linggo na halos na libro lang kinakausap. Nanood lang kami ng movie while eating pizza. Hindi ko mapigilan hindi sulyapan si Ara dahil seryoso nanaman siya. "Konti na lang magseselos na ako." wika ni Bea na nasa tabi ko while frowning. "Anong pinagsasasabi mo?" masungit kong tugon. "I noticed na you're always glancing her way." "So?" "So ano nga?" "I'm kind of attracted to her." nahihiya kong pag-amin sa kanya. "I'm not ready to let you go princess. Practice ka muna sa akin." biro niya kaya binatukan ko siya. "Infatuation lang naman 'to or maybe baka dahil lagi kaming magkasama." sagot ko at napailing naman siya. "Paniwalaan mo gusto mong paniwalaan. In time you'll know what it really is. For now, manood ka muna." It's hard not to look Ara's way pero everytime na susubukan ko pinipitik ni Bea ang noo ko. Selosa naman ng not so little sister ko. "If you don't like what you're feeling, you can always get a guy naman, pila manliligaw mo eh." sabi ni Bea. "Ayoko muna. Pinapaiyak lang nila ako. Dun na lang muna tayo sa landi lang pero walang commitment." natawa naman kami at nag apir. "Landi lang, no attachment dapat." sabi niya kaya napaismid ako. "You should tell that to yourself. Pag landian, landi lang. Bawal mafall." "I hate you." she groaned kaya tinawanan ko na lang siya. Ofcourse I was the first one na nagpaalam umuwi. I really hate curfews. "Ara. Kausapin mo naman ako." "May problema po ba?" Meron. Ikaw. "You're acting so cold lately, di ako sanay." "Wala lang po akong dapat sabihin." "May problema ka ba sa lovelife? Pwede ka naman tulungan nila Bea. Sino ba yan ha?" inis kong sabi dito. "Wala po." "Ayan ka nanaman sa wala. Wala, wala, para na akong tanga dito, iisa lang halos nakukuha kong sagot." napairap na lang talaga ako sa inis. "Wala po talaga." "Pwede naman kasing ako na lang!" I hissed. Wait... did I just said that? Napatingin naman ito sa akin at halatang nagitla din sa narinig. Shookt din ako besh, nuh ka ba. "I mean sa akin ka na lang magsabi ng problema mo. Ako na lang sabihan mo para hindi mo kinikimkim." paliwanag ko. "Wag ka mag alala mam. Bukas di mo na ako poproblemahin." I shrug at hindi na lang din nakipag usap sa taong mukha namang ayaw ng may kausap. ***** "Good morning dad." bati ko kay dad na kumakain. "Ano nanaman bang ginawa mo?" tanong niya dahilan para mapataas ang isa kong kilay. "Saan?" "Nagresign na si Ara." Sa narinig ko ay mas lalong kumunot ang noo ko. Is this what she is talking about na hindi ko na siya po-problemahin? "Nasaan po siya?" "Hindi ko alam. This is what you want diba? Kung di ko siya tatanggalin, you'll make sure na magreresign siya? No more curfews for you. Do whatever you want, yun naman gusto mo diba?" Umalis na ako at nagtungo na sa kotse ko. I tried calling Vic but hindi niya sinasagot. I should be happy na wala na akong bodyguard diba? I'm getting my life back, but somehow... I still want to look at her serious face whenever she drives my car pero ahh! Bakit hindi man lang siya nagpaalam?! Nakakainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD