"Good evening congressman." bati ng kausap ni Mr. Reyes.
"I'm firing Ram." wika nito sa kausap at napabuntong hininga na lang.
"Oh I get it, sakit ba sa ulo sir?" natatawang wika ng kausap niya.
"Hindi ko na alam ang gagawin sa anak ko."
"Sir gusto niyo po ba babae naman gawin nating bodyguard niya this time? Subukan lang natin?"
"Babae? How could she protect my daughter in case na may mangyaring masama?"
"I personally know someone who can protect your daughter sir."
"Let me do some profile check. Send her now kung okay lang sa kanya."
"Yes sir."
Agad agad din naman nagtungo ang pinadala ng kausap ni mr. Reyes sa bahay nito. He did a thorough checking sa profile ng dalaga, he seems satisfied kaya tinanggap naman niya din ito.
"Victonara Galang?"
"Yes sir."
"Are you into girls?" tanong nito, he's not judgmental, sinisigurado niya lang.
"Y-yes sir."
"May girlfriend?"
"W-wala po. Problema po ba iyon?" kamot batok na sagot ni Ara.
"It's fine with me, as long as hindi ang anak ko ang magugustuhan mo." seryoso nitong sambit. "This is not a warning, this is an order, never fall inlove with my daughter."
"Yes sir." stern na sagot ng dalaga.
"You may start tomorrow, pwede ka na din dito matulog. May isang kwarto talaga para sa bodyguard ng anak ko."
"Bukas na lang po ako lilipat sir. Thank you po." nagbow na ito para magpaalam.
Paalis na sana ng tuluyan si Ara nang tawagin siyang muli ni mr. Reyes kaya hinarap niya itong muli.
"Tito na lang itawag mo sa akin. Feeling ko naman magtatagal ka as bodyguard." nakangiti nitong sambit.
"Sige po tito." at tuluyan ng umalis si Ara.
Vic's
Nakatingin lang ako sa kamay ko, isang linggo na din ang nakalipas simula ng araw na hawakan niya ito. Isang linggo na pero ramdam ko pa rin kung paano niya ito hinawakan.
"Vic." pagtawag ni Carol ng pansin niya.
"Ara huy tawag ka ni Mam." saka siya kinalabit nito.
"Huuy bakla ka."
"Ms. Galang!" pagtawag sa kanya ng kaniyang prof.
"Yes Mika?!" bulalas ko bigla dahil sa gulat kaya napahawak ako agad sa bibig ko.
"Whoever that Mika is your thinking of, balitaan mo na lang siya na bagsak ka sa recitation mo. Class dismissed."
Aww shoot. Malamang sa malamang papahirapan na ako ni mam nito dahil alam niyang scholar ako. Nakakainis naman oh!
"Mika pala ha." panunukso ni Carol kaya na-facepalm ko na lang ang sarili ko.
"Wag na wag mong ikukwento yung nangyari ngayong araw sa mga kaibigan ni Mika ha! Lalo na kay Mika, napakadaldal mo pa naman."
Ngumisi naman siya ng nakakaloko saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Para akong iniimbestigahan, wala naman akong nagawang masama.
"So... Bakit mo iniisip si Mika?" tanong nito at nakangiti ng malapad.
"A-ano... K-kasi m-may ano... M-may pupuntahan kami mamaya?" ghad di ako marunong magsinungaling.
"Ay talaga ba? Kunyari naniniwala ako sa palusot mo ha?" natatawa nitong sagot saka umakbay sa akin.
"Uyy. Wag mo ikukwento ha, nakakahiya."
"Bakit muna."
"Eh kasi ano... kasi nga ano..."
"Ayan na pala si Mika eh." sabay nguso nito.
Heto nanaman! Para nanaman akong nakikipaghabulan kay kamatayan sa sobrang bilis nang t***k ng puso ko.
"Mika!"
"Uyy Carol, Pinky." jusko naman sa pinkyyyyy.
"Bakit nga pala pinky?" tanong ni Carol.
Lumapit naman si Mika sa kanya pero pinipigilan ko siya, nakakahiya kaya. Natuod naman ako nang magtama ang mga kamay namin kaya hindi ko na siya napigilan. Etong Carol naman tawa na nang tawa. Napailing na lang ako at sinimulan ko na maglakad patungo sa kotse ni Mika, pupunta na din kasi kami sa bar ni Bea.
"Ang pikon mo." sabi ni Mika nang makasakay siya.
"Nakakahiya lang." sagot ko at pinaandar na ang kotse niya.
Nang makarating kami sa bar ni Bea ay agad naman silang nagkantahan. Ako naman, nakatingin pa rin sa kamay ko.
"What are you doing?" tanong ni Bea.
"Wala lang." sagot ko at hinawakan ang kamay niya.
"HAHAHA. Weirdo." sambit nito at tumayo na.
I didn't feel what I felt when Mika held me. This can't be happening.
Kahit sino, wag lang si Mika please. Pakiusap ko sa puso ko.
"Hoy Ara, kanta ka naman." sabi ni Kim at agad akong umiling.
"Bawal KJ dito." saka ibinigay ni Cienne ang mic sa akin.
Pero bago pa ako makakanta ay bigla silang natahimik kaya napatingin din ako kung saan sila lahat nakatingin.
"Jho..." sambit ni Bea.
"What are you doing here?" mataray na tanong ni Mika at napansin ko na lang na magkahawak kamay na sila ni Bea.
"I'm here to talk to Bea."
"No." sabi ni Mika.
"Beatriz, let's talk."
I knew for certain na Jho could see their intertwined hands. Mika sure is protective sa friends niya pero ang sakit, bakit ganun?
"Mika, this is between me and Beatriz."
"Oh, between you and my girlfriend?" pagsisinungaling ni Mika.
"You? You were never into Beatriz, you were never into girls."
Mika smirked at ikinagulat naming lahat ang sunod niyang ginawa.
She kissed Bea.
Feeling ko sinaksak ako, tumigil sa pagtibok ang puso ko at nalagutan ng hininga saglit.
"Is that enough of a proof?" tanong ni Mika ngunit hindi sumagot si Jho.
"Back off. Bea's mine." dagdag niya pa making me clutch my chest, maigi na lang at natanga sila lahat sa nangyari kaya walang nakapansin.
Tumakbo naman si Jho, at naiwan kaming tahimik dito.
"Grabe!" pagbasag ni Kim sa katahimikan.
"Ugh princess, you really don't have to kiss me. Baka mafall ka, di ako handang saluhin ka." pagbibiro ni Bea.
"Whatever Bey."
Nagpaalam muna ako na magpapahangin dahil hindi na ako makahinga. Nanikip bigla ang dibdib ko sa nakita.
Pucha naman Ara! Bakit si Mika pa?! Bakit?! Bakit?!
Nasabunutan ko na lang ang sarili ko kasi nakakagago talaga. Maiinlove na lang sa taong hindi pa pwede.
"It's fine with me, as long as hindi ang anak ko ang magugustuhan mo. This is not a warning, this is an order, never fall inlove with my daughter."
I should have never let myself get close to her. May oras pa naman siguro para magback out sa nararamdaman ko diba?
Sana.
*****
Mika's
"Crush mo ko noh?" tanong ni bea kaya tinampal ko ang noo niya.
"I'm saving you, she isn't worth any of your time, and any of your love."
"Pero masarap, isa pa please?"
"Gago."
Napailing na lang ako at nagyaya na din umuwi nang makabalik si Vic. May mga homeworks pa akong dapat gawin.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya at nang icheheck ko sana ang temperature niya ay agad itong umiwas kaya napakunot ang noo ko.
"Okay lang ako mam." seryoso niyang sagot.
"Seryoso?"
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti nang bahagya, pilit at tipid na ngiti.
"Okay lang talaga."
Hindi ko na siya pinilit pa dahil mukhang wala naman siya sa mood at pag sinusulyapan ko naman ito ay parang may kung anong masakit sa may chest niya.
"Pacheck up ka na bukas." sabi ko.
"Okay lang ako mam."
"Ayan nanaman tayo sa mam na yan." inis kong sabi pero hindi na siya sumagot.
Feeling ko talaga may problem siya pero ayoko na lang din usisain dahil baka ayaw din niya i-share.
Seeing her serious face makes her even more attractive. Her expressive eyes, her pointed nose, and that kiss---
Did I just check her out?! No no no. No. Am I about to say kissable lips? Ano na Mika?
I shook my thoughts off at ibinaling na lang ang tingin sa labas ng bintana.
Hanggang sa makarating kami ng bahay ay tahimik lang ito. Nang mai-akyat na niya ang gamit ko ay tinawag ko naman siya.
"Good night Vic."
Tango lang ang nakuha ko, ni ngumiti hindi niya nagawa. Ang sungit ha. Tss.