Vic's
"Ano na Ara? Di ka na makagalaw dyan." pang aasar ni Kim dahil kinakabahan talaga ako.
"D-dito n-na l-lang a-ako." utal utal kong sagot, kawawang bata, jusko.
"This is my birthday treat to you and you shouldn't let me down. Nagawa mo ngang nakawan ng halik si Mika e, hindi ba dapat mas matakot ka kay Mika kaysa sa rides?" pagpupumilit ni Bea kaya napakamot na lang ako sa ulo ko kasi nakakahiya, bakit pa ba kwinento ni Mika yun. Bumaba na din ako ng sasakyan.
"Bababa din pala. Akala ko sasabihin ko na kay dad na palitan bodyguard ko dahil hindi ako sasamahan sa rides." natatawang sabi ni Mika.
Napabuntong hininga na lang din ako. Nakakainis naman kasi, bakit ba kasi kailangan pa sa ganito? Nasa Enchanted Kingdom kami ngayon dahil sinuggest ni Mika na doon na lang magcelebrate ng birthday ko kahit tapos na, to see where the magic happens daw lol. Magic magic, ang daming alam.
"You know Ara, okay lang matakot ka but fear is conquerable. You can do it." sabi ni Bea nang umakbay siya sa akin. "Isa pa, you have to experience life. Hindi yung libro lagi mong kasama."
"Si Mika lagi kong kasama, hindi libro ko. Namimiss ko na nga magbasa. Mas masakit pa sa ulo si Mika kaysa sa libro sa totoo lang." sagot ko kaya ginulo niya ang buhok ko.
"Mika sure is hard headed but once you know her, you'll realize how lonely she is and how hard she tries to be happy. Adrenaline is her addiction, it's the only thing that makes her feel alive so don't be too hard on her."
Napa tango na lang ako dahil hindi ko naintindihan masyado yung sinabi niya dahil para siyang nagrap sa bilis, adrenaline lang naintindihan ko.
"Ano uunahin natin?" tanong ni Cyd.
"Anchors Away!" sagot ni Carol at ng kambal.
Agad naman silang nagtungo sa Anchors Away at si Bea hinatak lang ako kasi ayoko talaga, jeskelerd. Pinagitnaan ako ni Mika at Bea, ang dalawang torre edi lalo akong nanliit diba?
Dahan dahan nang umadar ang sinasakyan namin. Sa una, okay pa syempre, kumbaga smooth sailing kaso puta! Tumaas na siya ng tumaas. Damang dama ko yung paghatak sa kaluluwa ko!
"WOOOOOH!" sigaw ni Mika at Bea.
"HUY VIC ISIGAW MO YAN! BAKA HIMATAYIN KA!" sigaw ni Mika habang paatras pa yung sinasakyan namin.
"WAAAAAAHHHHHH MAMMAAAAAAAAAA! MAAAAAMA! MAAAAAAAAA!" sigaw ko ng bigla na ulit itong nagsway.
Hinawakan naman ni Mika at Bea ang kamay ko saka tinanggal sa pagkakahawak.
"AYOKO NAAAAA!" mangiyak ngiyak kong sabi.
"HINDI TAKOT SI PINK RANGER DITOOOO WOOOH." sigaw ni Mika.
Nang makababa kami ay agad akong nakaramdam nang pag-ikot ng tiyan, di na ako uulit. Nakaramdam naman ako ng paghagod sa likod ko saka inabutan ako ng tubig at kendi.
"Ano ba yan, ang weak naman." komento ni Mika.
"Palit kaya tayo bituka?" masungit kong tugon sa kanya.
"Madami pa tayong sasakyan. Di mo naman siguro gugustuhing magtampo si Bea sayo diba?"
Wala naman na akong ibang nagawa kundi sumama sa kanila. Lahat ng extreme rides sinakyan namin at feeling ko wala na akong maisusuka pa.
"Nakakabawas pogi points yan Vic." sabi ni Kim nang makababa kami sa Space Shuttle.
"Yoko na Kim."
"Pinkyyyy!" sigaw ni Mika at natawa naman si Kim.
"What now Mika?" tanong ko dito.
"Tubig oh." saka niya inabot yung binili niya, natouch naman ako.
"Namumula tenga mo, crush mo si Yeye?" bulong na tanong ni Kim sa akin.
"D-di a-ah!" oh great!
"Di nga. Lagot ka kay Bea." biro nito at napailing na lang ako.
Nagpaalam naman silang magsi-cr kaya naiwan kami ni Mika saglit, at dahil hindi mapakali ang ate niyo ay tumayo siya.
"Tara." saad niya.
"Saan?"
"Basta." nakatawa nitong sabi at hinigit ang kamay ko.
We were running in circles while she was holding my hand. Wala siyang tigil sa pagtawa, parang baliw ba, kaya natawa na lang din ako lalo na nang tumigil kami sa pagtakbo. Nasa tapat kami ng Carousel.
"Oh baby, kapit ka maigi ha." natatawa nitong saad saka umakto pang inaalalayan ako.
Sumakay na din siya sa katabing upuan at inilahad ang kamay niya kaya binigyan ko siya ng questioning look. Anong gagawin ko dyan?
"Baby hawak ka sakin." nakangiti niyang sabi. Ay jusko, ayun lang naman pala.
"Siraulo ka talaga Mika." saka ako umiling at inabot naman din ang kamay niya.
Para kaming tanga kasi kami lang yung teenager na nakasakay dito tapos para pa kaming tuwang tuwa sa mga pinaggagagawa namin.
After namin nagcarousel ay bumili kami ng ice cream saka naupo sa isang bench. Umakbay naman ito sa akin at ginulo ang buhok ko.
"I've always wanted to have a little sister or brother you know. Akala ng iba pag only child ka, masaya kasi bigay lahat ng gusto mo. Ang masasabi ko lang sa kanila, 'talaga ba?' kasi sa totoo lang napakalungkot lalo pag busy magulang mo."
I saw sadness in her eyes as she looks above. Gustuhin ko mang icomfort siya ay hindi ko magawa, I'm shy, baka isipin niyang chansing nanaman ako.
"That's the main reason why I spent most of the time with my friends. Pag dating ko sa bahay, nasaan ba ako? Sa kwarto ko diba? Wala man lang akong makulit. Tapos the 'perfect bodyguard' came sa picture then suddenly I can't go out like I used to, felt like I'm back in the cage."
I felt guilty for thinking na wala lang siyang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ni tito. She really is lacking affection.
"Masaya nga ako when I'm with them but once I got home, I'm back to being alone." napayuko na siya kasa naman hinawakan ko ang kamay.
"I'm here." hindi ko alam kung bakit bigla kong nasabi yun kaya napatingin siya sa akin at agad nagsalubong ang kilay nito.
"Ikaw nga panira eh." nakapout nitong sabi.
"Pwede mo akong kulitin any time. Willing ako maging magulo ang buhay ko just to impart a smile on your face." wow where did that come from?
"Thank you." she smiled sweetly saka tumayo.
Bumalik na kami sa mga kaibigan namin at pumila na sa Ferris wheel. I really am afraid of heights, feeling ko nga nanginginig nanaman ang tuhod ko.
"Daig mo pa yung may sakit sa panginginig ng tuhod mo." sambit ni Carol kaya agad kong sinamaan nang tingin.
"Ikaw talaga pinakamatagal ko ng kaibigan dito pero ang hilig hilig mong ilaglag ako." inis kong sagot at tumawa naman siya.
"Ano ka ba, yun na nga eh. Saka na sila, hindi pa naman kami super close close. Nasaan na ba si Kim?" tanong nito.
"Nag-camouflage sa dilim." sagot ni Mika.
"Ah, baka siya yung lumulutang na damit?" nag=apir naman si Mika at Carol at si Kim ay napailing na lang.
"Dude you should really stay where the lights are." ani ni Bea, napagkaisahan nanaman si Kim.
"Shut up."
Sumakay na kami at ang kasama ko ay si Mika, Cienne at Camille. Kami ni Mika ang nagtabi at yung kambal ay nagselfie na lang. Nakapikit lang ako habang dahan dahang umaakyat, nagdadasal na sana hindi bumagsak bigla to.
"Idilat mo yang mata mo. Wag kasing magpadala sa takot. Sa dami nang nasakyan mong rides takot ka pa din?" tanong ni Mika sa akin.
"Ayoko." mariin kong sagot.
"You were given eyes to see how beautiful the world is. City lights are relaxing naman ah." wika nito kaya dahan dahan kong minulat ang isang mata ko.
"Selfie!" sigaw ni Camille at pumwesto na kaya medyo maalog sa loob, s**t.
Natawa naman sila sa itsura ko sa picture. Shet kakahiya! Inulit naman nila iyon at kahit papaano ay maayos na, except mukha akong may LBM.
"Look around you." sabi ni Mika, so I did kahit natatakot ako. Kasabay noon ay ang fireworks kaya naman namangha na lang din ako sa ganda ng nakikita ko. "Maganda diba?" tanong ni Mika kaya napatingin ako sa kanya.
"Sobra." well she really is, isn't she?
Nang makababa kami ay napagpasyahan na din namin umuwi.
"Ang mahuli manlilibre sa monday!" sigaw ni Mika at hinatak ako.
Still holding my hand, she ran off. The lights went blurred so does the surroundings. Lumingon siya sa akin, then my vision was focused on her. Siya lang ang malinaw sa paningin ko and everything was moving in slow motion. She laughed enabling me to see those baby teeth.
As she smile, so did my heart.
I just didn't see where the magic happens...
Because just now,
I also felt it.
Nalintikan na. Hindi ito pwede.