10

1218 Words
Mika's It's the 24th of December, mamayang gabi pa si dad kaya wala nanaman akong kasama today. Pinauwi na din kasi ni dad ang mga maids namin, tutal marunong naman na daw ako, ako na lang muna ang maglinis ng bahay naman. Ang galing din. I dialled Ara's number, kaso di niya sinagot marahil ay busy sa paghahanda nila. Tinext ko na lang siya na magtext pag hindi na siya busy. It was 11 am na din when my phone rung at nakitang si Victonara ang tumatawag kaya sinagot ko na din ito agad. "Hello pinky!" bati ko dito na natatawa tawa. "Mika namaaaan! Stop that pinky thingy!" reklamo niya. "Hahahaha! Di mo ako mapipigilan. Kumusta?" "I'm fine. May good news ako sayo." excited niyang sabi. "Ano yun?" "Dyan kami magpapasko!" "TALAGA?!" paninigurado ko. "We're on our way na din hehe." For the first time since I stayed with dad, ngayon lang ako makakapagpasko with others. Usually kasi out of the country kami ni dad, ayaw daw niya sa relatives niya, I don't know why. Nung na kay mommy naman ako, iniiwan niya ako sa lola ko. "Uhm Vic, ilan kayo?" tanong ko. "5 kaming pupunta dyan. Si kuya, mommy, dad tsaka yung pamangkin kong iniwan samin." "Ohhh... Okay ingat kayo! Wala pang handa dito kasi uhm... alam mo na hehe." medyo nahihiya kong sinabi. "Sige, bibili na lang kami ng ingredients." "Okay dito ko na lang babayaran. May pupuntahan lang ako. Byeeee! Ingat kayo!" I drove my way sa nearest mall at namili nang ipangreregalo ko sa kanila. I don't really know kung anong hilig ni Vic but kumuha na lang ako ng shirt na may batman design plus isang g-shock na batman themed. She deserves this naman. Pinabalot ko na din ito before going home saka ito nilagay sa ilalim ng Christmas tree. I am really excited na. Nang marinig ko ang doorbell ay agad na akong tumakbo at sinalubong sila. Binuksan ko na ang gate para mai-park na din nila ang kotse sa garage. "Hi Mika." bati ni Vic nang makalabas siya. "Pinkyyyyyy." salubong ko dito at niyakap siya. "Yay, I've missed you." "Ah.. eh.. ano... M-Mika ano... uhmm." "Ha?" tanong ko dahil puro lang siya ano. May kumalabit naman sa akin at nakita ang isang cute na cute na bata kaya humiwalay na ako sa pagkakayakap ko kay Vic at lumebel sa batang lalaki na napakacute. "Are you my tita's girlfriend?" tanong nito kaya natawa ako. "No baby. I'm just your tita's friend. What's your name?" "Josh po." "Hi baby Josh." saka ko pinisil ang pisngi nito. "I'm ate Mika." nakangiti kong sabi dito. "Mika? Yun po name ng crush ni tita Ara." "JOSSHHHHHH!" sigaw ni Ara at binuhat na ito. "Huh, crush mo pala ako pinky ha." "Wag ka maniwala dito." "Hindi nagsisinungaling ang bata diba Josh?" Tumango naman si Josh at halos namumula na ang tenga ni Vic. "Don't worry Vic. Wala lang sa akin yan. Si Bea din crush ako." saka ko ito kinindatan dahilan para lalong mamula ang tenga niya. Binati ko naman ang pamilya ni Ara at nagpasalamat sa pagpapaunlak nila sa invitation ko. Feels like may second family na ako. "Merry Christmas hija. Si Congressman?" wika ni tita. "Umalis po si dad, mamayang gabi pa po dating niya. Tuloy po kayo." "Merry Christmas Mika. Gumaganda ka ah." sabi ni kuya. "Kuya nambola pa eh, matagal na kaya akong maganda." sagot ko na ikinatawa naman niya. Hinatid ko na sila sa guest room. Ang kapatid naman ni Vic ay dun na din matutulog sa kwarto niya kasama si baby Josh. Nang mailapag naman nila ang mga gamit nila ay agad na din silang nagtungo sa kusina para magluto. "May pwede ba akong itulong?" tanong ko kay Ara na naghihiwa ng bawang at sibuyas. "Meron. Wag ka magulo." sagot niya kaya sinamaan ko siya nang tingin at kinurot ang tagiliran niya. "Aray! Joke lang!" "Porket di ako marunong magluto ganyan ka sakin tss." "Taga tikim ka na lang. Dun ka naman masaya diba?" pang-aasar pa nito. "Napaka mo Victonara!" saka ko siya sinimangutan at nilayasan. Nagpunta na lang ako kay baby Josh at nakipaglaro dito. "Ate Mika. Ang ganda niyo po." "Ay nako Josh, maliit na bagay." sagot ko dito at kiniliti siya. "Ate t-tama n-na hihi t-tama n-na po." "Cute cute mo. Yung tita mo kata-cute lang eh." sabi ko at natawa naman ito. "Sabi ni tita dyosa ka daw." "Alam ko naman yun Josh." saka ko ginulo ang buhok niya. Iniwan ko na muna si Josh at pinaalam kay dad na andito sila Ara. Natuwa naman din siya dahil hindi kami magkakaumayan ngayong pasko haha. Nagsimba na din kami after nila magluto at itong si baby Josh pilit na pinagtabi kami ni Ara. Napakamot na lang tuloy si Ara sa ulo niya. Luh, choosy pa besh? "Ayieee, katabi niya crush niya." pang-aasar ko kay Vic na nagmakeface lang. "Ate Mika you should be quiet, nasa simbahan po tayo." pangaral sa akin ni Josh kaya tumawa si Vic. "Aww" sabi ni Vic saka ako sinamaan nang tingin dahil tinapakan ko ang paa niya, inirapan ko lang siya. Ama namin na at itong katabi ko di ko mawari kung may bulate sa pwet at hindi mapakali. Hinawakan ko na ang kamay nito at kumanta na din. "Ano ba yan, pasmado." reklamo ko matapos ang kanta. "She's like that when she's nervous." bulong sa akin ni baby Josh kaya natawa ako. "Bakit ka kinakabahan? Kasi hawak mo kamay ng crush mo?" tanong ko kay Vic at namula ang tenga nito. "Hi-hin-hindi ah!" "You're too obvious pinky." natatawa kong biro dito. Hindi ko tuloy alam kung makikipagbeso ako sa kanya or what, minaigi ko na lang na makipagtanguan dito, baka himatayin eh hahaha. Pagkauwi naman namin ay naroon na si dad kaya humalik ako dito at niyaya na din sila sa salas para magkantahan. Nang malapit na mag 12 ay nagcountdown na kami, katabi ko si dad na nakaakbay sa akin. "Merry Christmas!" sabay sabay naming sigaw. "Merry Christmas dad." sabi ko saka yumakap kay dad. "Merry Christmas din nak." bati niya pabalik at inabutan ako ng isang box. "Thank you dad." inabot ko naman din ang regalo ko sa kanya, pati na din kanila tita. "Merry Christmas Vic." nakangiti kong bati dito nang maiabot ko ang regalo ko sa kanya, nandito kami sa may kusina ngayon kasi kumuha kami ng graham. "Ah... ano kasi Mikss... uhm..." kamot ulo niyang saad, alam ko na yan. "Okay lang, baliw. Binigyan ko kayo kasi deserve niyo yan. Buksan mo." Binuksan niya na ang regalo niya at agad na yumakap sa akin. Chansing! Haha! "May panty din dyan, pero hindi na pink. Di bagay eh." biro ko kaya chineck niya talaga saka ako inirapan. "Thank you talaga Miks... Bawi na lang ako." "You don't have to. It's gift giving season naman at hindi naman ako naghihintay ng kapalit." nakangiti kong tugon dito. Bumalik na kami sa salas dala ang graham at mga platito saka itinuloy ang pagkanta. Nang antukin ako ay nagpasya na akong umakyat, tutal ay tulog naman na din si dad ay hayaan na lang muna namin magcelebrate sila Ara ng kanila. Papasok na sana ako ng kwarto ko nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.  "Mika..." napalingon naman ako kay Ara. "Bakit?" "Ah... ano... ano kasi... uhm." "Iisipin ko na talagang may gusto ka sakin." natatawa kong sabi sa kanya. "Ano... Wala kasi akong gift diba.." "Ang kulit sabing okay nga lang. Thankful na ako na andito kayo ngayon to celebrate with us. At least hindi malungkot ang pasko namin." "Ahm pwede bang ito na lang?" Lumapit naman siya sa akin at humalik sa pisngi ko saka dali daling nagtatatakbo pababa ng hagdan at sumigaw ng 'Merry Christmas! Good night young lady!'. Napailing na lang ako. Sus, ang galing manantsing ni Victonara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD