9

1715 Words
Vic's "Let's go." wika niya at naupo sa shotgun seat na ikinataka ko dahil hindi naman siya nauupo dun, once pa lang, nung nagplay siya ng kantang napakasakit sa tenga. "Staring is rude you know." dagdag nito pero binigyan ko lang siya ng confused look. "What? Papaandarin mo ba o papatalsikin kita dyan sa kinauupuan mo dahil malelate na ako?" masungit nitong sabi. "Ah eh... Eto na nga oh." sagot ko at pinaandar na din ang kotse niya. Hindi ko na nga din alam kung anong nakain nito ni Mika o baka nahipan lang ng mabuting hangin, nagpapaturo pa siya minsan sa mga subjects na alam ko at pinagyayabang na sa akin pag mataas ang nakukuha niyang score. Edi siya na diba? "Seryoso ka na ba sa pag-aaral mo?" tanong ko sa kanya. "Oo bakit? Education is key to success diba?" sagot niya kaya natawa kami parehas. Baliw din eh. Hell week na at pagkatapos nito ay Christmas vacation na. Thank God makakauwi na ako sa Pampanga ng matagal tagal. "Saan kayo ngayong Pasko?" tanong ko. "Dyan sa bahay, di daw kami aalis ni dad eh. Punta kayo." nakangiti nitong sabi. Kami? ng mga friends niya ba? "H-ha?" "Bingi lang? Reregaluhan kita ng cotton buds sa pasko, sampu para marinig mo ako maigi." sabay irap nito, napakasungit eh. "Ang sungit mo, meron ka ba palagi ha?" sagot ko dito pero nagmake face lang siya. "Sa Pampanga ako magpapasko eh. Tradition with the fam." "Kayo nga eh, means kayo ng family mo." iritable niyang sagot, may topak talaga tong taong to. Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Bahala na mam, pero itatanong ko kanila mommy." "Isa pang mam susungal-ngalin na talaga kitang payatot ka." Bakit ba ang sungit niya ngayon ha?! Jusko naman tong taong to. Kinuha ko ang isang napkin sa bag ko at inabot to sa kanya. "Aanhin ko yan?!" "Oh! Napakasungit eh! Meron ka ba ha?!" "Tang ina mo! Sinisigawan mo na ako ngayon?! Anak ako ng boss mo diba?!" sagot niya saka binato yung napkin sa mukha ko. "Don't say bad words young lady." "Tumahimik ka. Naiirita ako sa pagmumukha mo." "OMG don't tell me buntis ka?!" "Gago amputa! Manahimik ka nga! Lagi ka nakabantay diba? Paano ako ugh! Bwisit." Tumahimik na lang din talaga ako at baka masuntok ako nito. Mahirap na, hindi ko naman siya pwedeng gantihan, lugi ako. Hinatid ko na din siya sa room niya at agad naman itong humalik sa lalaking nasa tabi ng upuan niya saka ngumiti. Aba, ang lupit ng mood swings. May bago nanaman siyang boyfriend, ang bilis niya makamove on noh? A month after nilang magbreak nung ex niya, may bago na siyang kalandian, love is everywhere daw eh. Baliw diba? 2 months na din sila nung lalaki. Umalis na din ako agad para pumunta muna sa library dahil mamaya pa ang exam ko. "Vic!" napalingon naman ako sa kanya. "Po?" "Free cut kami sa last class namin, so mas maaga labas ko sayo. Deretso na ako sa bar ni Bea, sunod ka na lang. Ciao!" Natanga na lang ako sa sinabi niya. Sinampal sampal ko ang sarili ko. Totoo ba? Totoo bang nagpaalam talaga siya sa akin? I mean... Wow? Hindi siya nagbalak tumakas eh. She's acting weird. Really weird.  Tumambay muna ako sa lib at doon nagbasa-basa para sa exam ko mamaya. May tumabi naman sa akin kaya napatingin ako dito, si Carol pala. "Bakit para kang pinagsakluban ng langit sa itsura mo?" tanong ko sa kanya. "Break na kami." malungkot niyang saad at umub-ob na sa lamesa saka marahang umiyak. Isinara ko na muna ang libro ko at hinagod ang likod niya. Magb-break na lang, hindi muna pinatapos ang exam. Paano makakapagconcentrate si Carol nito? Haaay. "Asan na ba yun nang masapak ko?" tanong ko at crinack ang knuckles ko. "Ako nakipagbreak." nag angat siya nang tingin kaya kinu-nutan ko lang ito ng kilay. "Bakit?" "K-kasi..." umiwas siya nang tingin "k-kasi m-mahal na kita." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig, gago ba to? "Joke lang, para kang tanga." dagdag nito kaya binatukan ko nga. Siraulo eh. "Bakit nga?" "Hindi daw niya ako kayang ipaglaban eh. Gusto daw ng family niya chinese din. Kaya ko naman maging singkit ah! Lagyan ko lang ng tape o kaya eyeliner, hindi ba pwede yun?" Natawa naman ako at inakbayan siya, still comforting her. We've been friends since first year kami. I know how much she loves that guy pero ang bullshit lang diba? Bakit hindi niya magawang ipaglaban si Carol? Kahit naman gaano kabaliw tong taong to, mahal na mahal siya nito. Napailing na lang ako at napabuntong hininga. Kinuha ko naman ang wallet ko saka niyaya siya kumain. Bubusugin ko muna para makapagfocus sa exam. "Gusto mo bang sumama?" tanong ko nang matapos kami mag-exam. "Saan?" "Bar, with Mika's friends. I'm sure na you'll get along with them." nakangiti kong sabi dito. "Hindi ba nakakahiya?" "Hay nako, wag ka nang mahiya." saka ko siya hinatak papunta sa kotse saka dumiretso sa bar ni Bea. Agad kaming umakyat sa VIP room at naabuta silang nanonood ng 50 shades of grey. Napasapo na lang ako sa noo ko, kakaiba din trip ng mga to. "Hi Ara." bati nila sa akin. "Ah guys si Carol, classmate ko." "Classmate? Hindi jowa?" natawa naman kami parehas ni Carol. "Yak." sabay naming sagot. Pinakilala ko na din isa isa ang mga kaibigan ni Mika at dun siya pinaupo ng kambal sa gitna nila. Napakawelcoming talaga ng magkakaibigang to. "Any plans this vacation Vic?" tanong ni Bea na katabi si Mika at ang boylet nito. "Uuwi ng Pampanga pero di ko pa sure, sabi ni Mika sa kanila daw kami magpasko eh. Itatanong ko pa kay mommy." "Ahh.. You should talk to your mom, usually kasi sila lang ng dad niya ang magkasama kapag pasko." "Tingnan ko." sagot ko dahil hindi naman talaga ako pwede magdecide for us diba. She nodded at ginulo ang buhok ko. Tumutok na lamang ako sa phone ko at maglaro, ayoko nang pinapanood nila eh. Maya maya ay inakyatan na sila ng foods and drinks kaya nagsimula na din ang session nila. Nanguna na si Carol na broken hearted. Napailing na lang ako. "Hon, cr lang ako." paalam ng boyfriend ni Mika at tinanguan lang ito. "Wala atang balls yung boyfriend mo at hindi ka kayang ipaglaban." sabi ni Kim at tumawa. "Gago! Meron! Nakita ko na." at doon mas natawa kami. Loko loko talaga to si Carol. "Pero maliit lang." "Cheers sa pusong sawi!" sabi ni Bea. "Cheers sa taong ipagpapalit sa singkit!" sagot ni Carol. "Cheers sa taong ayaw umamin." saka tiningnan ni Mika si Kim at tumawa. "Cheers!" Uminom lang sila nang uminom, good thing here is, kung ayaw mo, hindi ka nila pipilitin kaya hindi nila ako pinipilit uminom at binibigyan pa ako ng juice. Nakailang rounds na sila pero hindi pa bumabalik ang boyfriend ni Mika kaya bumaba ito para icheck. Nagpasya na akong samahan siya, we'll never know, baka may kung ano nanamang mangyari. Hindi pa kami tuluyang nakakababa ng hagdan ay tumigil si Mika. Yung boyfriend kasi niya, nasa may counter at nakikipaghalikan na sa ibang babae. Agad namang nagtungo si Mika sa direksyong iyon at sinampal ng solid yung lalaki. "Hon wait!" pinigilan ko ito saka sinuntok ng isa. Wala, feel ko lang suntukin siya bakit ba. "You deserve that asshole." saad ko dito at sinundan na si Mika pataas. Umiiyak siya, di ko alam kung maaawa ba ako o ano. Si Bea naman ay nakatingin lang sa relo nito na parang may binibilang. "Thirty." bulong ni Bea. "Okay, I'm over it." sagot ni Mika at nagpahid ng luha niya. Wow. Tough girl. "May sumpa ata na hanggang 2 months lang kayo ng boyfriend mo Ye ah. Baka naman para ka talaga sa babae?" pang aasar ni Kim. "Sabi ko naman sayo princess, tayo na lang." sabi ni Bea at kinindatan si Mika. "Ha ha. Funny guys, very funny." sarkastikong sabi ni Mika. "Try natin ano?" sabi ni Bea kaya binatukan siya ni Mika. "Aww basted na agad?" natatawang dagdag ni Bea. "Vic let's go." saad nito kaya napatingin naman ako sa relo ko. 7:30 pa lang naman at pwede pa siya hanggang 9 pm. "Aww you're killing the fun princess. Mamaya na." sabi ni Bea. "Maaga pa ah." sambit ko. "Bawal umuwi ng maaga?" taas kilay nitong tanong. "Beatriz lasing ka na, tumahimik ka dyan kung ayaw mong pakainin kita ng sapatos." nagtaas naman ng dalawang kamay si Bea. "Ikaw? That's new and weird at the same time." sagot ko. "Kung ayaw mo pa umuwi edi maiwan ka jan." pagsusungit nanaman niya kaya napakamot na lang ako sa ulo ko. Ibinilin ko na lang si Carol sa kanila at nagpaalam na din. Dumeretso na kami sa bahay nila at agad na itong nagpunta sa kwarto niya. "Oh himala, ang aga niyo ha." sabi ni tito. "Oo nga po eh. Baka nilalagnat lang si Mika." pagbibiro ko at napailing naman ito. "Dalhin mo na yung isang sasakyan dyan bukas para hindi ka na mahirapan magcommute." "Ay hindi na po." "I insist, saka ito na pala ang sahod mo."  Wala naman akong magagawa kaya naman ay pumayag na din ako at nagpasalamat saka tumungo sa kwarto ko para mag ligpit ng mga dadalhin ko pauwi. Dadaan na muna ako sa mall bago umuwi para mamili ng regalo. ***** "Mika, aalis na ako." pagpapaalam ko matapos kong katukin ang pintuan ng kwarto niya. Binuksan naman niya ito at nakapostura siya. Saan naman kaya ang lakad nito. "Pag isipan mo ha? Dito na lang sana kayo, malungkot dito eh." saka naman ito nagpout. "Sasabihan kita agad pag naitanong ko na." Tumango naman ito at bumaba na. Naghihintay naman din dun ang driver niya. Bago pa siya tuluyang pumasok ng kotse niya ay nilapitan niya ako. "Mamimiss kita asarin." sabi niya kaya bahagya akong natawa. "Sus, nahiya ka pa. Aminin mo, mamimiss mo talaga ako." sagot ko kaya binatukan niya ako. "Text text na lang tayo." sabi niya. "Ayiee itetext niya ako." pang aasar ko kaya hinampas niya ako. "Yieee" "Yie mo mukha mo." saad niya at naglakad na papunta sa kotse niya. "Ingat kayo." She looked back pero inirapan lang ako kaya muli akong natawa. She's cute when she does that. Young Lady  Mika: Ingat ka unggoy!  M: Nga pala, bukas zipper mo. M: Pink pala ha  Napatingin naman ako sa pants ko, and s**t oo nga bukas yung zipper ko. Nakakahiya! Young Lady  Ara: Nyay namboboso  M: Ulul! Asaness! Kwento mo sa pink mong underwear  A: Huhu kahiya. Ingat ka! M: Ingat ka din nguso   Feeling ko namumula ako sa kahihiyan. Napakalakas pa man din nun mang asar. Malamang sa malamang, di ako titigilan nun hay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD