Mika's
It felt like ang tagal tagal ko nang kasama yung payatot na yun and sawang sawa na ako sa pagmumukha niya. Maigi na lang at sem break na. Yey for vacation kahit saglit lang.
"Dad, where are we going?" excited kong tanong kay Dad pero nginitian lang ako nito. "Are we going out of town? Or out of country?" masigasig kong tanong.
"You wish, young lady. Get in the car." napapout na lang ako at medyo padabog na pumasok sa kotse.
Kasama namin ang driver ni dad at si Vic, wala akong clue sa kung saan kami pupunta.
Nagising na lang ako sa munting tapik na naramdaman ko sa aking pisngi. Nakaunan ang ulo ko sa lap ni dad, this is really the moments I wanted to cherish. The things I missed out when I was a kid, the moments I never had...
"Where are we dad?" tanong ko nang makita ko na nasa isang subdivision kami.
"Galang's crib." nakangiti nitong tugon pero agad akong napaupo at kunot noo siyang tiningnan.
"Why?"
"To learn about life." nakangiti nitong sabi at umalis na.
Life? What about life? Madami naman akong alam sa buhay, si Victonara kaya yung wala. Nanatili lang akong nakaupo sa sasakyan kaya binalikan pa ako ni dad at wala na din akong nagawa kundi sumama.
"Plantsahin mo yang mukha mo. Lukot na lukot na." sabi ni dad pero di ko naman magawang ayusin kasi naiinis ako.
"Good morning po mrs. Galang." bati ni dad sa nagbukas sa amin ng pinto.
"Good morning din ho congressman. Tuloy ho kayo."
Pumasok na kami at agad kong pinagmasdan ang loob ng bahay nila, masikip.
"Kayo na muna bahala sa anak ko ha. Pahirapan niyo haha."
Nyeh dad, grabe hindi kaya nakakatawa.
"Sige ho." sagot ng mommy ni Vic.
"You better behave young lady." sabi ni dad at napapout na lang ako sabay lahad ng palad ko. "For safety reason, na kay Ara ang pera mo para hindi mo maisipan tumakas. Hingi ka na lang sa kanya." nakangiti nitong sabi.
OH MY GHAD. THIS IS OUTRAGEOUS. Why dad? Why?
He went off, just like that. Vic smiled victoriously kaya sinamaan ko siya nang tingin.
"Mommy, si Mika po. Mika, mommy ko, mommy Betchay." pagpapakilala niya sa babaeng nakataas ang isang kilay, seriously, I'm scared.
"H-he-hello p-po" saka ako nagbow ng kaunti.
"Dun ka sa kwarto nila ng kuya niya matutulog. 2 lang kwarto dito, kung ayaw mo may katabi sa sofa ka matulog." masungit nitong sabi at umalis na.
Okay? Dad, I don't want any vacation anymore huhu. I don't wanna be stuck here for 1 week.
Dinala na ni Ara ang gamit ko sa kwarto niya. Ang cool ng place niya really, may naka-drawing na batman sa pader niya pero ang kama niya tama lang talaga sa dalawa yung lower deck.
Napaupo na lang ako at napabuntong hininga. Naging 'friendly' na nga ako sa kanya, ganito pa kinahinatnan. Sinubukan ko mahiga at lagpas ang paa ko, paano na?
"Pasensya na, di ka kasya." natatawa pa nitong sabi. "Di rin naman ako kasya dyan, matagal na yan eh."
"Edi palitan mo."
"Mayaman???" saka niya ako tinaasan ng on fleek niyang kilay kaya nagpout na lang ako. "Yan hirap sayo eh, pag di na kailangan papalitan na lang agad."
"Oh? Hugot?" sagot ko at ngumiti lang siya.
"Hindi, observation lang."
Napailing na lang ako, matutulog sana ako pero hinampas ako ni Ara ng malakas dahilan para hampasin ko din siya.
"Bawal matulog, 10 am pa lang. Bawal batugan dito, lagot ka kay mommy."
At sa narinig ko ay hindi na ako nakapalag. I've been given the special treatment ever since at siya pa lang ang nagsungit sa akin ng malala. I mean, except those mean girls na inaaway ako dahil nilalapitan ako ng boyfriends nila na wala naman akong balak patulan, siya pa lang talaga.
"Tara sa kusina, ikaw daw magluluto."
"WHAT?!" naisigaw ko bigla, niloloko niya ba ako?
"Bingi? May cotton buds dyan."
"Di ako marunong!"
"Exactly." nakangiti nitong sagot at itinayo na ako.
Naguguluhan man ay nagpatangay na lang din ako sa pagkaladkad niya sa akin. She was really patient sa pagtuturo sa akin hanggang sa nainis ako at isinaksak yung kutsilyo sa kanya.
Pero sa isip ko lang yun haha!
Nang tikman naman niya ang niluto kong adobo ay halos masuka suka si gago kaya ikinuha ko siya ng tubig. Sabi kasing hindi naman ako marunong magluto, ang kulit kulit.
"Magkakasakit sa bato yung kakain ng luto mo jusko." komento niya.
"Oh edi itatapon ko sa dagat, dun ito belong." kunot noo kong sagot at kukunin na sana ang kaldero para itapon ang laman nito.
"Reremedyohan ko na lang." nakangiti niyang sagot.
*****
Sa buong stay ko sa kanila ay ako ang ginawang utusan ng mommy ni Ara at wala akong ibang magawa kundi sundin ito. Hindi ko talaga alam pero takot na takot ako sa aura nito, minsan gusto ko na lang umiyak pag pinapagalitan niya ako sa mga pagkakamali ko eh. As in maliit na hindi napunasan binulyawan niya ako like, dad take me home huhu.
So pinagwalis ako, pinaglinis, pinaghugas, pinag-igib, pinagpunas, pinaglaba at pinag sampay. Marunong naman ako ng mga bagay na yan, hindi lang siguro alam ni dad, he wasn't there to protect me when my mom left me with all the chores while she flirt with men. Magluto lang talaga ang hindi ko alam. Wala naman kasi akong lulutuin noon.
"Hey, marunong ka naman pala eh." saad ni Ara nang makaupo siya dito sa may gutter sa labas ng bahay nila.
"Sino ba nagsabing hindi?" sagot ko at tinaasan siya ng kilay.
"Si tito..."
"Wala naman siyang alam eh." saka ko siya binigyan ng tipid na ngiti.
"Ha?"
"I grew up doing everything. Pagkauwi ko sa bahay from school, gawaing bahay muna inaasikaso ko kaysa homeworks ko kasi pag naabutan ni mom na makalat ang bahay, papaluin niya ako. Sinong bata ang gustong mapalo diba? Edi ginagawa ko lahat. Napakajudgmental niyo naman kasi."
Kwinento ko yun while facing the ground. Nagd-drawing ng kung ano man ang madrawing. I just don't want to see them pity me.
"Then why are you acting like a brat?"
"Everytime na mapapatawag si mom sa guidance, she looks at me with care pero siguro that was an acting only lol but seriously, I love it when she looks at me with her worried face. Paulit ulit na napatawag, paulit ulit ko nakita yun, maybe pumasok na lang din sa sistema ko."
Nag angat ako nang tingin she was just nodding like she really understands me, she doesn't even have that 'I pity you' face.
"Ah now I get it. Sorry for judging you din by your actions."
"Naaah, I get that a lot. I know how bitchy I am sometimes." natatawa kong pag amin.
"Ah nga pala, please kalimutan mo na how mom acted towards you. Hindi naman siya ganun, nautusan lang ng dad mo hehe."
"Natrauma na ako." natatawa kong biro saka tumayo at nagpagpag ng shorts. "Gutom na ako."
"Lagi naman. Walang bago dun." saad niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. "Joke lang."
We ate our dinner at si Ara na ang pinaghugas ng mommy niya saka ako kinausap at humingi ng pasensya sa inasta niya. She then engulfed me in a hug, a mother's hug, when she said 'sorry anak'.
Damn.
I hugged her back at naiyak na lang dahil masaya ako. I feel like I had a new mother. Damn these emotions. Lumabas si Ara at inaya ako maglakad lakad.
"Why were you crying kanina? Pinagalitan ka ba ni mom?"
"Ahhhhh that, no, nagsorry siya. Naiyak lang ako kasi I never felt that from my real mom you knooow... I was just too emotional pag dating sa family matter."
Nahiga naman kami sa may ilalim ng puno ng manga sa parang Batibot where you can see nothing but the stars, and the moon that serves as our light. It really is relaxing here.
"You're lucky, you had every love they could give you."
"So lucky..." sagot niya. "Probably someone will come along to give you every love na maibibigay nila." dagdag niya habang nakatingin sa mga bituin saka pumikit at ninamnam ang lamig ng hangin. "Baka matunaw ako Mika." saad niya kahit nakapikit pa rin siya ngunit hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kanya.
"You just look so peaceful, nakakainggit." sagot ko saka ito humarap sa akin.
"Staring is rude you know." saad niya pero nginitian ko lang siya saka itinuon ang pansin sa mga bituin.
I connected the stars like I was really forming something special. Nagtama naman ang mga kamay namin ni Ara, mukhang nagd-drawing din siya.
"Anong nabuo mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala. I was just wondering what it feels like." saka niya hinawakan ang kamay ko. Hawak lang, not holding hands.
"Ng alin ba?"
"Ha? Ewan ko din." saka niya binitawan ang kamay ko at bumangon na. "Tara na, baka hinahanap na tayo nila mommy." saad niya at inalok ang kamay niya kaya kinuha ko iyon at tinulungan niya na akong makatayo.
"Can you tour me some other time here in Pampanga? Di ko naman naenjoy ngayon eh."
"Sure mam."
Nilahad ko naman ang kamay ko kaya siya naman ang naguluhan, nang kinuha niya iyon ay hinawakan ko ito maigi at nagtatakbo kami pababa ng hill. Ang ate niyo takot na takot at baka daw madapa siya. Siya ata ang kailangan matuto sa buhay eh. Nang makarating kami sa kwarto niya ay nahiga na din kami agad.
"Happiness will find you Mika, and love will. Wag ka ng malungkot." saad niya habang nakatalikod sa akin.
"Thank you Vic." saad ko at niyakap siya.
Walang malisya.
"Goodnight Victonara."