Mika's
So basically, she's waiting nanaman outside our room. Hindi naman nga siya makulit unlike any of my bodyguard. If she sees something is wrong dun lang siya nagiging makulit.
"Let's go." sabi ko sa kanya.
"Mam sabi po ng dad niyo umuwi tayo agad today." kamot noo nitong sabi sa akin.
"No. May pupuntahan tayo." mariin kong sagot.
"Pero mam mapapagalitan po ako ni tito." sagot niya kaya napairap na lang ako.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si dad. Bilin nga naman nito na umuwi kami ng maaga dahil may bisita daw kami for dinner. Dinner pa naman at 4 pm pa lang naman, ang OA nitong Victonarang to.
"Hello dad, mag mall lang po kami saglit." pagpapaalam ko, kung hindi lang naman kasi magrereklamo tong payatot na to ay hindi naman ako magpapaalam.
"Just get home before 7 pm." sagot sa akin nito.
"I'll give the phone to her, can you tell her na okay lang?"
Inabot ko naman ang phone ko kay Ara at nang matapos ito ay tinaasan ko na lang siya ng kilay. Ang aga aga pa, alam naman niyang dinner pa nag iinarte pa.
"Mam, san po tayo pupunta?"
"Nearest mall para hindi ka kabahan na malate tayo sa pag uwi." mataray kong sagot at napakamot na lang ito sa batok niya.
Agad naman kaming nagpunta sa department store at dun ay kumuha ako ng mga damit at pinasukat ito lahat sa kanya.
"Mam para san ba to?" tanong niya, pang ilang ulit na iyan.
"Para sa kakilala ko." sagot ko saka siya tiningnan at pinaikot. It looks good on her. She looks more manly and hot.
What the f**k?! Erase erase.
"Ayoko niyan, next." saad ko dahil sobrang bagay sa kanya at ayoko na ulit siyang makita na suot yun.
Nakailang bihis pa siya at ang mga nagustuhan kong bagay sa kanya ay agad na naming binayaran.
"Mam, may pupuntahan pa po ba tayo?"
"Meron." sagot ko dahil ako naman ang bibili ng damit ko. Ano siya? Sinuswerte na siya lang ang meron?
Pumunta kaming H&M and tried their new outfits. Halos mga dress ang dinampot ko and I let Vic do the judging.
"Ano ba yan, ang iksi naman niyan."
"Wag red na red! Para kang lalandi lang."
"Ano ba naman yang pinagsususuot mo, kung hindi maikli, super revealing ng top."
Am I really hearing those things? Feeling close naman tong payatot na to. All I want to hear was good or nah tapos ang dami niyang say! My goodness!
"Close ba tayo?" taas kilay kong tanong kaya napakamot nanaman siya sa ulo niya.
"Wait." sabi nito at mukhang may kinuha.
What the f**k? Inabutan niya ako ng longsleeves plus palda na abot hanggang sakong na ata to. Punyeta naman oh. Anong taste ba meron siya?
"Try this. Promise."
The hell magmumukha lang akong manang sa gusto niyang mangyari.
"Kailan ka pinanganak?" tanong ko.
"Ha? 1995."
"Akala ko 1950's pa. Ang sagwa ng taste mo."
Sinusubukan kong hindi siya sungitan pero wala eh, sinasagad ng babaeng to ang pasensya ko. Kung manamit naman kasi siya masasabi mong may sense of fashion siya pero nung inabutan niya ako ng long palda plus long sleeves, ano? Balot na balot lang?
"Grabe ka mam." natatawa niyang sagot kaya agad ko siyang hinampas.
"Bawal kang tumawa o ngumiti kapag kasama mo ako." mariin kong utos dito kaya napakunot ang noo nito.
I hate it when she laughs or smile, naiirita ako. Para akong nakikiliti na ewan.
"Kahit naman siguro basahan isuot mo magmumukha ka pa ring dyosa." she was about to smile pero agad din niyang pinigilan.
Hindi ko mauwasang kiligin sa compliment niya kahit ilang beses ko na narinig yun. Geez.
"Dalhin mo na yan." sabay turo ko sa mga nagustuhan ko.
"Mam, di bagay sayo to." saad niya.
"Wala ka lang taste."
Binayaran na din naman ito agad at dahil 5:30 pa lang naman ay mag iikot ikot muna kami.
*****
Ara's POV
Nagmerienda kami sa may food court at muling nag ikot ikot. Medyo hassle ha! Dala ko na nga yung hand bag niya, dala ko din lahat ng pinamili niya, mga anak mayaman talaga. Ang dami kong dala at medyo nahihirapan na ako tapos ikot pa kami nang ikot. This is not what I signed for!
"Oh bakit ka nakabusangot dyan." tanong niya.
Pagod na ho kasi ako. Ang dami niyong pinamili, ang bigat kaya!
"Wala po mam." ngingiti pa sana ako nang agad kong maalala na ayaw niyang ngingiti o tatawa ako. Baliw diba?
"Uwi na tayo." sagot nito at nauna na maglakad.
I need help kaya! Kahit bodyguard ako baka naman pwede niyang dalhin yung iba ano? Baka lang naman kasi hirap na hirap na ako sa mga pinamili niya. Biruin mo namili pa siya ng 3 sapatos at 2 heels.
"Whew!" sigaw ko nang mailapag ko na lahat nang dala ko.
"Nagrereklamo ka ba?!" singhal niya.
"Mam bawal mapagod? Bawal magexhale?" tanong ko.
"Bilisan mo!" masungit nitong sabi.
Agad naman din kaming nagtungo sa bahay nila at dinala ko na din ang mga pinamili nito sa kwarto niya. So struggle nanaman ako sa pag akyat jusko! Buti na lang at nakaramdam ang yaya niya at tinulungan ako na agad naman din akong nagpasalamat.
May kinuha lang siyang iilang mga paperbags, isang shoes at yung heels.
"Sayo na yan." wika nito dahilan para matanga ako. Anong sa akin na?
"P-po?"
"Sayo na yan. Bingi lang? Oh pati itong cotton buds ko sayo na." saka niya nga binato sa akin ang lagayan ng kanyang buds.
"Pwede bang ikaw na lang?" sabi ko.
"Ha?"
"Ang sa akin." sabay kindat ko dito dahilan para batuhin niya ako nang nadampot niyang suklay. "Joke lang mam! Aray." natamaan kasi ako.
"Letse ka!" at patuloy niya akong binato.
"Aww tinamaan ako sayo mam." pang aasar ko.
"Pakyu ka Victonara. Pakyu ka." wika nito.
"Tinamaan dahil sayo, binato mo ko eh." sagot ko at pinipigilan matawa. Minsan talaga masarap inisin si young lady.
"Aereen, andyan na ang bisita natin."
"Sige dad! Magbibihis lang po ako." sagot niya.
"Mam para saan po ba kasi tong mga binibigay niyo? Hindi ko naman po birthday."
"That's for saving me. Thank you." nakangiti nitong wika.
Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko rin naman siya matatanggihan.
"Now go." sabi nito.
"Po?"
"Go. As in go. Magbibihis ako diba? Unless you want me to strip in front of you?" saka ito ngumiti nang nakakaloko at hinawakan na ang ilalim ng blouse niya.
"Ah eh... ah eh ano... hala ano.. halaa!" natataranta kong sagot at pinagkukuha na ang mga pinamili niya for me.
"Baby..." tawag nito at ngumiti ng mapang-akit kaya nanigas ako. Puta mam, wag po marupok ako.
"Mam.. ano di ba ano.. diba? Mag ano... magbibihis ka .. ano aalis na po ako." pag iwas ko nang tingin at tumayo na.
"I thought you would like to watch me strip?" alam ko natatawa siya pero kinikilabutan ako. Jusko naman to.
"Hindi po mam. Sa ano sa baba ko na lang ano... sa baba ko na lang po kayo ano... hihintayin... tama tama... Doon na lang po.." at dali dali akong kumaripas sa designated na kwarto ko.
Yepp, I am staying here para hindi na din mahirapan si tito ay pinagstay na lang ako dito.
Nakakainis! Ako yung nag simula nang pang-aasar pero nag fire back sa akin at mas malala pa!
Nang pababa na ito ay nakita kong nakaismid siya habang nakatingin sa akin kaya napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan.
"Yeyerz!!!" sigaw ng isang lalaking matipuno at chinito na pumasok sa bahay nila.
"Jeron!!!" sabay takbo nito sa lalaki at yumakap saka siya inikot nung lalaki.
"Namiss kita!" wika ni Jeron.
"What brought you here?"
"Dinner? Am I not allowed to initiate a dinner for us anymore?" nakapout na sabi nung lalaki, hindi naman bagay.
Hinawakan naman ni Mika ang kamay niya at saka sila nagpunta sa dining area. Bumalik na lang ako sa kwarto ko at gumawa na ng homeworks ko. Kahit pa may trabaho ako ngayon ay hindi ko naman pinapabayaan ang pag aaral ko. I want to graduate with flying colors to make my parents proud.
It was 10 pm na nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Baby." sabi nito at napailing na lang ako.
"Yes baby?" tanong ko dito na ikinagulat naman niya. Di po ako papatalo mam.
"You forgot these." sabay pakita niya sa 2 paper bag.
"Ay hala mam, dapat pinagpabukas niyo na po."
"It's fine. I just want to say good night." sabi nito at kumindat bago tumawa. "Ayoko na nga. Kinikilabutan na ako. Anyway, you better wake up early in the morning. May pupuntahan ako."
"Sige po mam." sagot ko.
Naisara ko na ang pinto pero muli ko itong binuksan at tinawag siya.
"Mam. Thank you po ulit."
"No worries." sagot nito nang nakangiti.
"Mam. Ano pwede po bang wag din kayo ngingiti?" tanong ko kaya tinaasan niya ako ng isang kilay. "Marupok po kasi ako." natatawa kong sagot at sinara na ang pinto.
Yeah. Marupok ako at bawal ako mainlove sa'yo.