Vic's
Sabi niya, may pupuntahan kami kaya kailangan ko gumising ng maaga. Nagising ako ng alas kwatro at kanina pa akong 5:30 naghihintay, namuti na ang mata ko kakahintay sa kanya dito sa may salas. Alas siete na nang bumaba siya at nakapangtulog pa siya.
"San punta mo?" tanong niya kaya napairap na lang ako internally.
"Diba po may pupuntahan tayo?"
"Ha? Ah oo nga pala! Wala na, na-cancel daw." sagot nito.
Parang namula yung mukha ko sa inis. Really? I mean really? My sleep is cut short tapos hindi tuloy? Hindi man lang niya na-itext sa akin kagabi na na-cancel ang lakad niya?
"Good morning dad." bati nito kay tito na kakapasok lang galing jogging.
"Oh Ara, kain na." sabi ni tito.
"Kumain na po ako tito." sagot ko.
Isa lang ang kailangan ko ngayon, tulog. I need sleep, pero hindi na pwede ngayon dahil papasok na nga kami ni young lady.
After niya mag ayos ay agad na din kaming pumuntang school, dala dala ko nanaman ang mabibigat niyang libro, may libro nga di naman binubuklat.
"Bili mo ko ng isang rim ng bond paper." sabi nito at inabutan ako ng dalawang daan.
"Mam bakit di pa tayo bumili kanina sa may national bookstore?" tanong ko dahil ang layo ng building niya sa NBS.
"Ngayon ko lang naalala eh." Nakangiti nitong tugon.
"Okay po." sagot ko at nginitian ko siya ng sarkastiko.
Sige ako na pinakamareklamong bodyguard. Nakakainis na din kasi dahil halatang nang-aasar lang siya. Agad na din akong nagpunta sa national bookstore at bumili nang pinapabili niya.
"Mam eto na po yung short bondpaper." sabay abot ko ng isang rim.
"Hala? Short ba nasabi ko? Yung long dapat." sagot nito kaya dahan dahan akong ngumiti, pinipigilan ang inis. "Pakibilis ha."
At dahil demanding ang boss ko ay nagtata-takbo ako pabalik sa NBS at pinapalitan ang short bondpaper na binili ko. Hirap talaga pag yung binabantayan mo gustong gusto ka inisin.
"Mam eto na po." humahangos kong sambit.
"Thank you." well atleast she knows how to say thank you diba.
Pero ang nakakainis don, kumuha lang siya ng isang piraso. My ghad! Bakit di na lang siya nanghingi? Isa lang naman pala ang kailangan niya, ang ending ako pa ang magdadala ng mabigat na bondpaper na to.
"Ara!" sigaw ng kung sino kaya nilingon ko ito.
"Cars, bakit?"
"Wala lang, kumusta naman ang pagiging bodyguard ng isang sakit sa ulo?" natatawa niyang tanong.
"Sobrang sakit sa ulo Carol, jusko. Sana pala nag dalawang... ay mali... Dapat nag sampung isip ako bago ko tinanggap yung trabaho. Alam mo yung minsan nga hindi ka niya tatakasan pero papahirapan ka naman ng sagad?" sagot ko at naihilamos na lang ang palad ko sa aking mukha kaya natawa na lang din si Carol.
"Yayain mo sa simbahan dude, baka bumait." sagot nito at ginulo ang buhok ko. Ayan nanaman ang mga wala sa hulas niyang advice.
Nasa kalagitnaan kami ng klase nang maramdaman ko ang sunod sunod na pagvibrate ng phone ko. Anak ng, hindi makapaghintay?
Young Lady
Mika: I'm hungry.
M: Bring me food.
M: Now.
M: As in now.
M: I'll pay you here.
Ara: May klase po ako mam.
M: I don't care.
M: Mag cr ka kamo.
M: Duuuuuh
M: Matalino ka diba?
Gamit din utak.
Aish! Napakamot na lang ako at nagpaalam na magc-cr saka nagtatakbo para bilhan ng pagkain ang donya. Tinawagan ko muna siya para masiguro kung anong gusto niyang kainin, baka kasi niyan mamaya ayaw niya nang binili ko edi napagod lang ako.
"Eto na po donya." saad ko at binigyan siya ng sarkastikong ngiti.
"Anong sabi mo?!"
"Donya. Donya ka diba? May klase kaya ako. Babalik na ako. Next time intindihin mo din yung iba, hindi puro sarili mo lang iniisip mo." seryoso kong sagot. I have my rights naman, estudyante lang din ako. Isa pa, bodyguard ako, hindi utusan.
"Gurl you got burn badly." rinig kong sabi ng isa sa mga kasama niya pero hindi ko na pinansin at bumalik na sa klase ko.
Syempre napagalitan ako ng prof ko. Ilan daw ba pantog ko at ang tagal ko umihi or baka naman daw naglabas ako ng sama ng loob dapat daw siguraduhin kong malinis iyon. Sumunod lang naman ako sa utos, napahiya pa ako sa klase.
"Bakit ba ang tagal mo?" tanong ni Carol.
"Mika." sagot ko at agad naman niyang naintindihan yun at napailing na lang saka tumawa.
"Iba talaga pag lumaking brat." komento nito at muli nang nakinig sa prof namin.
As usual, hinintay ko ito sa labas ng classroom niya at sinamahan siya sa kung saan nanaman ang lakad niya, which is usually mga bars, and I'm right. Nagpunta kami sa bar ni mam Bea.
"Hi there princess." bati ni Bea kay Mika at nakipagbeso sabay inilingkis ang kamay nito sa may bewang ni Mika.
"Si Kim?" tanong ni Mika.
"Late as always, date muna tayo." sagot nito kaya nahampas siya ni Mika.
"I know crush mo ko Bey, but lagot ako sa jowa mo so hindi ako lalandi pabalik." natatawang sagot ni Mika pero hindi naman niya tinanggal ang kamay ni Bea sa bewang nito.
"You know naman na hindi ko jowa yun diba? Don't get jealous na princess."
"Baliw ka na Beatriz."
Naupo na kami sa may VIP. Nasa may corner lang ako at nag aaral, nagkukwentuhan lang sila at umiinom ng light drinks hanggang sa dumating na din ang ilang friends nila.
"So how about we have some road trip? Miss ko na yung late night hangouts natin." sambit ni Kim.
"HAHAHA! SAY HI TO CURFEW!" sagot ni Mika at umirap.
"Hey, Ara right?" pagtawag pansin sa akin ni Bea. "Maybe you could do something tonight? Pwede mo ba ipagpaalam si Mika?"
"Uhm... Papagalitan po ako."
"Ako na." masungit na saad ni Mika at may di-nial sa cellphone niya, malamang si tito Manuel. "Hello dad, can I go home late today? Ara's with me naman eh. Please?"
"Ara, si dad." saka nito inabot ang phone niya sa akin.
"Hello tito?"
"Sino kasama ni Aereen?"
"Friends niya po."
"Okay lang ba sayo umuwi ng late para samahan siya?"
"Ah... eh.... S-sige po. O-okay lang." sagot ko kahit may quiz ako bukas.
"Okay then, no curfew for tonight, just get here safe."
"Sige po." sagot ko at pinatay na din nito ang tawag.
Lahat sila nakatingin sa akin na para bang may mali akong nagawa at hinihintay nila ang sasabihin ko.
"Okay daw po. No curfew tonight." nahihiya kong sambit.
"YESSSSS!!!!" hiyaw ni Mika na akala mo nanalo sa lotto.
"s**t Mikss! Big girl ka na congrats." pang-aasar ni Kim sa kanya kaya binatukan niya ito.
"Pakyu ka Kim. Magsama kayo ni Victonara." sambit ni Mika, dinamay pa ako eh.
"Maaga pa naman so why don't we drink some more!" sigaw ni Cyd.
"Yeah! Let's get drunk baka sakaling may umamin na pag nalasing!" sigaw ni Bea at dahil doon ay natawa ng malala si Mika at nakipag apir kay Bea.
"Bullseye!"
Napailing na lang ako at itinuloy na ang pag aaral ko. It was 9 pm nang tumayo sila, ofcourse may baon silang alcohol and foods. Sa pick up kami ni mam Bea sumakay. Tumabi ako sa driver at kumatok naman si Kim sa window side ko.
"Bakit po?" tanong ko.
"Bakit nandyan ka? Dun tayo sa likod." magiliw na sabi nito na agad ko namang tinanggahan. "Wag kang KJ, si Mika ba? Di yan magagalit." pagpupumilit nito.
"Hindi na po. Enjoy kayo." sagot ko at nginitian siya.
Si Mika, Bea, Kim at Cyd ang nasa may likod, umuwi na ang kambal dahil daw may gagawin pa sila.
"Dapat nandun ka din nagsasaya." sabi ng driver ni Bea.
"Ah eh kuya, ang totoo niyan takot ako eh. Feeling ko malalaglag ako dun." nahihiya kong pag-amin dito kaya napailing na lang siya.
Kumatok katok naman si Mika sa likod at sumesenyas na pumunta ako dun pero umiling ako.
"Mukhang lasing nanaman si mam. Pag yan natumba lagot ka." saad nito and it got me kaya agad akong nagsabi na doon na lang ako.
"Yow! Welcome to the club!" masayang bati ni Kim nang makaakyat na ako sa likod ng pick up.
"Mam, upo ka na po baka mahulog ka." sabi ko kay Mika habang nakaupo at nakaalalay sa may gilid niya. Ang likot na kasi at lahat sila nakatayo dito sa likod.
"Wag kang KJ Victonara." slurry niyang sagot at nagsisisigaw pa.
"Mika can handle this Ara. You should join us." pasigaw na sabi ni Bea at inabot ang kamay nito.
"Cmon Ara, masaya to." sabi ni Kim.
Never pa naman ako tumayo sa likod ng pick up. Mabilis pa ang takbo ng driver ni Bea kaya kinakabahan ako. Nagulat naman ako nang itinayo ako ni Mika at Bea at pinakapit sa parang bakal sa pick up.
Nakapikit lang ako at sila naman ay sigaw nang sigaw. Natatakot kasi talaga ako. Lagi akong pinagbabawalan noon ni mommy kapag kasama ko mga pinsan ko.
"Open your eyes Ara. Sigaw ka lang. Wag ka matakot. This is really fun and kung nakaganyan ka lang, you're missing the fun part of this joy ride!" sabi ni Mika malapit sa tenga ko nasa likod ko na siya ngayon.
Naamoy ko pa yung alak sa hininga niya at feeling ko nalasing din ako dun. Amoy alak pero parang ang bango s**t. She held my hand at para kaming tanga na nagtitanic dito sa pick up.
"Open your eyes!" sigaw niya so I did and hell yeah.
City lights lang naman ang view pero kakaiba yung experience. Para akong bata na ewan na sa una takot tapos biglang maeenjoy ang nangyayari.
"You should try to loosen up sometimes." bulong ni Mika kaya nilingon ko siya only to see her smiling saka ito muling sumigaw.
I don't know exactly kung adrenaline rush ba ito, or kaba pero bigla na lang naging irregularly ang t***k ng puso ko, parang kakaiba.
Nang matapos ang joy ride nila ay bumalik kami sa bar ni Bea at kinuha ang sasakyan saka umuwi. Tulog na si Mika dahil na rin siguro anong oras na. Maigi na lang at kaya niya pa ang sarili niya, inalalayan ko lang siya paakyat at nang makaupo na siya sa kama niya ay nagpaalam na rin ako pero di pa ako nakakaalis ay hinawakan niya ang wrist
"Hoy Victonara." saad niya.
"Yes mam?"
"Nag enjoy ka ba?"
"Ah eh opo." kamot batok kong sagot dito.
"Good! Enjoy life." saad niya kahit nakapikit na.
"Good night Mika. Thank you for the experience."
"Good night."
Nagulat ako nang bigla siyang humiga at dahil hawak niya pa ang wrist ko ay nahatak din niya ako making me on top of her.
Napalunok na lang ako ng laway dahil hello, kahit matigas ang ulo ng taong to maganda pa din siya.
And I must admit it, crush ko siya.
"Matunaw ako." sambit nito kahit mukhang tulog na kaya napailing na lang ako at tumayo na.
"Sleep well Mika."
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at humalik ako sa noo niya. Ghad Ara! Baliw ka na ba?