Vic's Space. Hindi ko kayang ibigay yun sa kanya. Sa bawat tumatakbong oras, alam kong mas lalo siyang nawawala sa akin. Darating yung oras na hindi na siya galit, pero wala na rin siyang mararamdaman. Ayokong mangyari yun. Nakatingin lang ako sa labas ng bahay nila Mika, wala akong planong guluhin siya ngayong gabi. Gusto ko lang siya makita kahit panandalian kaya nagbakasakali ako. Namiss ko bigla yung pakiramdam na lagi kong kasama si Mika. Yung mga gabing magtetext siya para dalhan siya ng kung anu-ano kapag nagc-crave siya. Yung mga message niya kapag pina-paakyat niya ako sa kwarto niya just because she missed me kahit kakahiwalay lang namin ng ilang minuto. Napangiti ako pero agad ring nabawi iyon. Gone are the days that she loves me. Gone are the days that she needs me. My

