Mika's I woke up with a pounding headache. Tangina. How many drinks did I have? Narinig ko namang may kumatok sa pinto kaya sinabi kong bukas iyon. "Hi." Bati ni Ara. I stared at her bago kusutin ang mga mata ko. Hindi siya nawala, sa halip ay nginitian pa ako at tumuloy ito sa kwarto ko saka isinara ang pinto. "What the hell?" Inis kong sambit sa kanya at binato siya ng unan. "Teka!" Sabay ilag niya kaya natapon ng kaunti ang dala niyang tubig. "Aalis din ako agad, dinala ko lang to. Malay ko bang maaga kang magigising." Nanatili na lang akong tahimik dahil lalong sumasakit ang ulo ko sa nangyayari. Nahiga na lamang akong muli at nagtaklob ng unan. Galit ako. Nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya. Sa lahat nang sinabi niya. Pero hindi ako iiyak— wala na akong mai-iiyak pa. N

