Jj's Pov Nasa eroplano na kami ngayon. Sa wakas, uuwi na din kami. Tatapusin na namin ang lahat. Ngayong, alam na namin ang lahat ng nangyayari sa mundo. Kailangan na naming matapos ito. Kailangan na naming pigilan si Scophorse. "Tulungan mo kami Papa God." Bulong ni Christine na nasa tabi ko ngayon. Masyado nang maraming naitulong saamin ang Panginoon, hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang mga ganitong bagay. Nag papasalamat ako sa araw araw na ginawa niya at pinapanatili niya kaming maayos at malusog. Alam ko, alam kong safe kami sa bahay nila Mr Villanueva pero hindi naman kami uusad kung mananatili kami sa isang lugar kung saan safe lang kami. Minsan, kailangan mo talagang mag sacrifice para sa mga bagay na alam mong mas mahalaga. ** Nakarating kami sa Pinas ng hapon. Hindi

