3rd Person's Pov Hindi makapaniwala ang lahat na wala na si Mrs Grace. Parang kahapon lang ay ang saya saya pa nila. Nagbibiruan pa at kung ano ano. Hindi pa sila nakapag hingi ng tawad. Hindi pa sila nakapag thankyou. Ang dami pa nilang hindi nagagawa tapos in just a blink of an eye, wala na siya. "L-linisin na natin to." Wala sa sariling sabi ni Ronzion. Hanggang ngayon ay nagkalat parin ang dugo sa sahig. Kinuha nila ang mop pero hindi parin mapigilan ng bawat isa ang luhang tumutulo mula sa kanilang mata. Parang ang lahat ng bagay sa silid na iyon ay nag paalala lang sakanilang guro. "I just.. Can't." Muli nanamang umiyak sila Mikay. Masyado nilang dinadamdam ang nangyari samantalang may dalawang magkaibigan na nag mamasid sakanila. "Hindi dapat nangyayari ito." Sabi ng babae mula

