Beatrice Lim
Maaga kong pumasok para simulan ang plano ko sa professor namin. Madami kaming pinag usapan kagabi ng mga kaibigan ko. Na kesyo sigurado daw ba ako sa gagawin ko dahil alam naman naming sobrang tigas ng babaeng yon.
Sabi ko nalang sakanila, maghintay sila sa gagawin ko dahil sisiguraduhin kong mahuhulog sakin ung babaeng yon.
Ngayon palang ay nagiging excited na ako sa mangyayari. Naiimagine ko pa kung paano ito iiyak sa harapan ko at magmamakaawa para hindi ko siya iwanan. Hahaha!
Pero bago yon, kailangan muna maging successful ng plano ko. Kailangan ko magbehave, kailangan ko makuha ung loob niya. Hanggang sa di niya namamalayan unti unti na pala siyang nahuhulog sa akin.
Nandito na ako sa room. Kumpleto na din ang mga kaklase ko, lihim akong natatawa dahil tuwing papasok sj Flores dito sa room ay unti unti ang paghakbanh niya dahil may baka may kung ano ano nanamang dadapo sa muka at katawan niya.
Nang makapasok na ito ay lumapit ako sakanya.
" Mam, I'm sorry sa mga nagawa ko. " ngisi ko sakanya.
Nagulat ang mga kaklase ko sa ginawa kong paglapit sakanyang yon at paghingi ng pasensiya. Dahil first time ko ito ginawa sa buong buhay ko, iyong mga walang kwenta ko namang kaibigan ay sagad ang ngiti sa akin.
Hindi niya ako pinapansin.
Inabutan ko ito ng coffee galing pang Starbucks. Pansin ko kasi na tuwing papasok siya ay hikab ito ng hikab dahil palagay ko'y kulang lagi siya sa tulog.
" Mam, sorry na. Hindi na mauulit iyon. Coffee po? " ngisi ko padin sakanya ngunit blanko lang ang tingin nito sakin.
Nauubos ang pasensiya ko sa babaeng ito. Pero dahil ayoko mapahiya nanaman sa mga kaklase ko ay hindi padin ako umuupo sa upuan ko habang iniintay ang sagot nitong babaeng demonyo sa harapan ko.
" Hindi moko madadaan sa paganyan ganyan mo Lim. Huwag mo ng subukan, dahil hindi ako kakagat sa mga pain mo sakin. You may sit. " sakrastikong tingin nito sabay buklat ng librong hawak niya.
Shit! Walang talab sakanya pagpapa cute ko! Pero iniwan ko padin ung kape sa table niya, hindi ako mapakali dahil tila hangin lang yon sa paningin niya ayaw manlang nito galawin. Nakakainis!
Natapos ang klase pero nih hawakan ito ay hindi niya nagawa! Tsssk!
" Mam, san next class mo? " tanong ko sakanya. Hindi ko siya titigilan hanggat hindi ko nagagawa ang plano ko.
Nauna ng umalis ang mga kaibigan ko, kaming dalawa nalang ung andito sa klase.
Nagulat ako nung nakapameywang ito sa harapan ko habang walang emosyon na nakatingin sa akin na halos ikatunaw ko na.
" Miss Lim. Huwag kang magbait baitan sa akin dahil hindi uubra yan sa klase ko. " seryosong sita nito.
Napakamot lang ako sa ulo.
" Mam, I'm sorry. Sobrang stress ko lang kasi lately. And look Mam, sayang naman ung kape oh? Wala namang lason yan. Peace offering ko na din sa ginawa ko sayo lately. I'm sorry. " pagpapacute ko pa sakanya.
" Hindi ko alam kung sincere ka sa sinasabi mo Miss Lim, and wala na akong pakialam pa doon. " pagkatapos ay inayos na nito ang mga gamit niya.
" Mam, bati na tayo. " pamimilit ko padito. Damn! f**k you Flores! Bihira akong mamilit ng ganito sa kahit sino! Samantalang ikaw masyado kang matigas para hindi ako pansinin.
" Hindi kita kaano ano para magbati tayo, at wala akong pakialam sa mga nagawa mo sakin. " sabay tuluyan ng umalis ito sa harapan ko na hindi manlang ako tinignan.
Tssk! Tsssk.
Pansin kong nasa labas ng pinto itong mga kaibigan ko na tila nakikinig sa mga usapan naming iyon ng Flores na yon!
" Tsssk! Basted ka agad sa panliligaw Bea. " pang aasar nanaman niya.
" Pano ba yan, walang talab ung papacute mo kay Flores. " singit padin ni Zayn.
" Kung ako sayo, tigilan mo na. Hahaha! Wala kang pag asa kay Mam. Halos pandirihan kanga kanina nung tinitignan ka. " halakhak pa nitong demonyo na to.
" Day 1 palang guys. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nadudurog sa kamay ko ung babaeng yon. " ngisi ko sakanya.
Mataas ang kumpyansa ko sa sarili ko, hindi ako pwedeng mabigo sa ginagawa kong ito.
Natapos lahat ng klase ko, pero andito padin ako sa school para hintayin ung babaeng yon.
Napangiti ako ng mapansin kong naglalakad ito malapit sakin habang bitbit ung laptop bag niya and iba pang libro.
" Mam, akina buhatin ko na. " ngisi ko sakanya pero hindi padin ako nito pinapansin.
" Mam? Dinner tayo? Sagot ko. " pangungulit ko pa.
" Mam, hatid na kita. " para akong tanga na nakasunod sakanya pero wala manlang epekto! Tssk! Muka nakong tanga dito! s**t!
" Tigilan mo na ang pangungulit sa akin Miss Lim. Wala kang mapapala. " tabig nito sa kamay ko akmang kukuhanin ko ung bag niya para ako na ang magdala.
" Mam, sincere naman talaga ako. Gusto ko lang magsorry sa nagawa ko. Hindi na mauulit un, bigyan moko ng chance. Magpapakabait na ko please? " agad naman itong tumigil sa paglalakad.
" Sige papatawarin kita, pero sa isang kundisyon. " naks!
" Thankyou Mam! Ano pala un? " ngisi ko sakanya. Pa cute na ko ng pa cute wala pading epekto dito! May nalalaman pang kundisyon kundisyon.
" Tigilan moko at wag mo ko lalapitan. " seryosong sagot niya at tumalikod na.
" Mam naman eh. " angal ko pa sakanya ngunit patuloy itong naglalakad palayo sa akin.
Paalis na sana ako ng bigla kong nakita na may mabilis na sasakyan patungo sa direksyon niya. Mabilis akong tumakbo para ilihis siya dito.
Nagulat ako ng nabuwal pala kami parehas at nakapatong ito ngayon sa akin. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Ang amo ng mga ito, bahagya akong napalunok ng mapunta ang mata ko sa labi niyang napaka pula. s**t! Ano ba nangyayarisakin! Para akong nafrozen ngayon!
Bahagya akong tinulak nito dahilan nadin para matauhan ako sa nangyaring yon.
Shit! Muntikan na siyang masagasaan kanina ng humaharurot na sasakyan. Kung di ko ito naitulak ay panigurado sapul siya don.
Kita ko din sa mga mata nito ang pagkagulat sa nangyari.
Pansin ko na nagkagasgas ung braso ko dahil sa pagkabuwal namin kanina, medyo nagdudugo ito. Pero hindi na importante pa iyon. Kailangan ko makuha ang loob nitong babaeng to, dahil punong puno na ako sa pagsunod sunod sakanya.
" s**t! Nagdudugo ung braso mo " mabilis pa sa alasiete niya ako hinila papunta sa kotse niya.
" Pumasok ka sa loob. Now! " utos nito sa akin dahilan nadin para mapangiti ako.
Agad naman niyang kinuha ung first aid kit niya para gamutin ung sugat ko. Andito kami sa loob ng kotse niya, ang bango ha!
Lintek! Ung amoy pa talaga ng kotse niya ung napansin ko samantalang itong gasgas ko sa braso halos diko na napansin.
" Mam, sa susunod mag iingat ka. Muntik kana kanina. " ngiti ko sakanya habang pinapahiran ng alcohol ung sugat ko.
Ibig kong humiyaw sa hapdi ng nararamdaman ko dahil sa alcohol na yon, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko makita niyang mahina ako.
--
To be continued..