Chapter 7

950 Words
Beatrice Lim Lihim padin akong napapangiti ngayon dahil bakas sa mukha ni Flores ang pag-aalala niya sakin. Syempre ako todo acting sobrang sakit kahit hindi naman talaga. Siguro eto na din ung way para makuha ko ang loob niya. Nandito kami ngayon sa clinic dahil sabi ko sobrang sakit ng braso ko, nilagyan din ng benda ung braso ko dahil sabi ko sa nurse masakit at parang napilayan ako. " Sa susunod huwag mo na gagawin un Miss Lim. " seryosong sabi sa akin ni Flores habang naglalakad palabas ng clinic. " Mam, kung hindi ko ginawa yon baka napano kana. " ngiti ko sakanya. Ano ba naman tong babaeng to! Walang bahid ng emosyon sa katawan. " Ihahatid na kita, ibigay mo sa akin ang address mo. Baka mapano ka sa pag uwi. " ayown! HAHAHA! Sabi na at eepekto itong arte artehan ko. " Dinner muna tayo mam. Sagot ko, tara na! " sabay hila ko sakanya papuntang kotse. Dahan dahan ako sa pag galaw ko dahil baka mahalata niya hindi naman pala totoong pilay itong braso ko, magalit nnaman sakin tong babaeng to. Dinala niya ako dito sa isang restaurant. Infairness maganda ang ambiance dito, sa ilang minuto naming byahe kanina. Hindi ko manlang siya mabasa. Minsan ay tinitignan niya ang braso ko pagkatapos ay iiwas nanaman ng tingin. Hindi ko alam kung nag aalala ba ito or nagddoubt na baka nag aarte artehan lang ako. Dumating na ung order namin pero hindi ako kumikilos. " Mam, subuan mo ako. Hindi ako makakain ng maayos. " ngiti ko sakanya samantalang kunot noo itong nakatingin sa akin. Lumawak naman lalo ang ngiti ko ng nakita kong unti unting nilapit nito ang kutsara sa bibig ko. " Thankyou mam! " ilang libong ngiti na ang pinapakawalan ko sakanya ngunit hindi manlang ito ngumiti kahit minsan sa akin. Sabagay, sa kabila ba naman ng mga ginawa ko sakanya. Sinong matutuwa don diba? Hahahaha! Lihim ko siyang kinuhanan ng picture para isend sana sa group chat naming magkakaibigan. Paktay! Naka flash pala ung phone ko, dali dali ko itong binulsa. Samantalang itong kasama ko nagliliyab nanaman ung tingin. " Ano ginagawa mo Miss Lim? Am i pretty para kuhanan mo ng pictures? " tanong niya sa akin. " Yes mam. Ang ganda mo, kung pwede sana ayain kita palagi mag-date. " ngiti ko pa sakanya. Inirapan lang ako nito at tuluyan ng kumain. Lihim akong natatawa sa tuwing sinusubuan niya ako, para kaming magkasintahan ngayon na sobrang sweet na nagsusubuan. Tsssk! Ano ba tong sinasabi ko! Bat ba ako natutuwa sa ginagawa nitong babaeng to sakin?! Nakauwi na ako ng bahay, after ng dinner namin na yon ni Flores, nih minsan hindi ko manlang narinig ulit boses niya. Napaka tipid magsalita! To the point na kadaldal ko sa byahe namin at madami akong tanong dito pero hindi manlang niya ako magawang lingunin at pansinin! Tssk! " Hoy Bea! Anong nangyari sa braso mo?! " tanong sa akin ng mga kaibigan ko dahil pumasok padin ako ng nakabenda ang kamay. Nagkibit balikat lang ako sakanila, nakalimutan ko palang isend ung epic picture ni Flores sakanila kagabi dahil nakatulog ako agad. Medyo makirot kasi ung braso ko dahil na din siguro sa mga gasgas. Hindi ko alam kung karma ito, dahil wala namang sakit nung dinala ako ni Flores sa clinic. Tapos biglang parang bumigat nung patulog na ako. " Gago ka! Baka may ginawa ka nanamang kalokohan, sino gumawa niyan sayo gugulpihin namin ni Jameson?! " oa na pag aalala ni Zayn sakin. Wala ako sa mood magkwento sakanial, bahala nalang sila humusga sa mga gagawin ko at makikita nila. Palagay ko'y papunta na si Flores dito sa room dahil itong mga kaklase ko aligaga nanaman na bumalik sakanilang upuan. " Goodmorning class. " wow firstime niya mag goodmorning sa amin. May dala ulit akong kape para dito, naka ready na iyon sa lamesa niya. Nilagyan ko pa ng sticky notes na " have a nice day mam! :) " kumunot noo naman siya nung nakita ung kape. Ngunit hindi padin niya ito ginalaw. " How's your shoulder Miss Lim? " nagulat pa ako ng tanungin ako nito. Di ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sakanya. " Okay na mam. Salamat! " ngiti ko sakanya. Nagulat ako ng may nagmsg sa phone ko. Ung group chat pala namin Kadaming tanong ng mga kaibigan ko kung bakit tinanong ni Flores ung kalagayan ng braso ko. HAHAHA! Ngunit hindi ko sila sinagot, tanging emoji lang na nakabelat ang reply ko sakanila. hahaha! " Class dismissed. " Mukang wala naman akong maintindihan sa sinasabi na Flores dahil abala akong mag isip kung ano ang susunod kong hakbang para dito. Wala nanaman kasing effect ung ginagawa ko. Araw araw ako nagbibigay sakanya ng kape pero hindi niya manlang ito pinansin. Tanging poker face lang ang nagiging reaksyon nito. Paano ba kaya ulit ang gagawin ko para mapansin niya. Tumalon kaya ako ng building? s**t! Siraulo naba ako para gawin un. Hays! Binagalan ko ang pag aayos ng gamit ko para ako lang ang maiwan dito, gusto ko kasi ulit siyang kausapin at ayain na magdinner. " Mam, san ka after ng mga klase mo? " nakangiti kong sagot. " Miss Lim, hindi mo na kailangan pang malaman yon. Magpagaling ka. " sabay alis nito sa harapan ko. Naiwan nanaman akong parang tanga dito. s**t! Napupuno nako sa babaeng yon, walang kwenta ung pagpapacute ko sakanya. Nih hindi manlang nagthankyou sa akin sa pagligtas ko sakanya. Anong klaseng babae ba ung bwcit na un! Nakakainis! " Marami kang dapat ikwento sa amin Bea. " nakapameywang na bungad sa akin ni Margarette. -- To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD