Chapter 8

1214 Words
Beatrice Lim " Wala akong dapat ikwento sa inyo mga sira ulo. " ngisi ko sakanila. Bahala silang mag isip ng kung ano ano. " Mukang epektib ung plano mo Bea, pero hindi tama na ilihim mo samin yan. Aba! " reklamo naman ni Jameson. " Mukang nagkaka emosyon sayo si Flores ah. Ano nafuck mo naba? Siguro kaya ka napilay dahil parehas kayong sobrang wild. Hahaha! " tawa pa ni Zayn " Pwede ba! Ang dumi ng mga utak niyo! Saka nawawala ako sa momentum! Manood nalang kayo sa mga gagawin ko! Madudurog ko din yang Flores na yan! Diyan na nga kayo manliligaw pako! " sabay layas ko sakanila. Ayokong makipagtalo sakanila dahil nag iisip pa ako ngayon sa gagawin ko. Ano kaya magandang ibigay na regalo sa professor ko na un. Kotse? Pero may kotse na siya. Bahay? Hmmm! As if naman na tatanggapin niya, kape nga lang na bigay ko ayaw manlang galawin eh! Nakakainis ung babaeng yon hindi ko manlang mabasa kung ano ba nasa utak niya! Napaka lamig niya! Ang boring ng personality niya, kawawa boyfriend non kung meron man. Nagkajowa siya ng yelo! Tsssk! Hindi ko nga alam kung bakit pinag aaksayahan ko ng oras yung babaeng yon dahil lang sa gusto kong makaganti sakanya, dahil anumang oras ngayon ay pwede ko siya ipaalis sa school. Pero ayoko maging talunan, masyado niya ako chinachallenge. Kung sa ibang tao ko ginawa itong pagpapa cute ko, malamang naghubad na silang lahat sa harapan ko. Samantalang tong babaeng to, walang epekto sakanya ginawa ko. Imagine, kung isang maling galaw lang ang nagawa ko nung panahon na muntik siya masagasaan ako ang mamamatay don. Pero mas pinili ko na iligtas padin siya, hindi ko nga din alam sa sarili ko kung bakit nagka concern ako sa babaeng yon. Pero ewan, baka un na din ung way para makaganti ako sakanya at maituloy ng tuluyan itong mga plano ko. Tssk! Nakaabang lang ako dito sa parking lot palagi sakanya, lagi ko siyang kinukulit ngunit ang ending naiiwan ako mag isa dito na nakatayo dahil sa pag ignore niya sa lahat ng sinasabi ko. Kung pwede ko lang hawakan ung leeg niya ng mahigpit hanggang sa di na ito makahinga ay ginawa ko na. Nakakainis! " Hi mam! San lakad mo today? " bati ko sakanya. " Miss Lim, anong ginagawa mo dito. Mag gagabi na. " seryosong tanong niya habang patuloy padin sa paglalakad. Nakasunod lang ako dito " Mam, hinihintay kita. Available pa itong isang braso ko, baka kasi may sira ulo nanamang sasakyan ang maligaw dito. " ngiti ko. As always, hindi nanaman ako pinansin. Nih hindi manlang siya kinilig sa sinabi ko. Walanghiya! Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. " Tapatin mo ako Miss Lim, ano ang pakay mo? Bakit bigla kang bumait? " seryosong tanong niya. " Wala naman mam. Gusto ko lang bumawi sa mga kalokohan na ginawa ko, saka narealized ko mam na sobrang bait mo pa at ganda. Then sexy pa. " kindat ko pa dito. " Hindi ko kailangan ang papuri mo, umuwi kana at magreview dahil may long quiz bukas. " utos nito sakin " Mam, baka nakakalimutan mo top 1 ako sa klase mo. Hindi lang pala sayo, kundi sa lahat. Hindi na kailangan magreview. Ganito nalang mam, kapag naperfect ko ung long quiz bukas magdate ulit tayo? Deal? " ngisi ko padin dito. " At paano kapag hindi mo na perfect? " tanong pa nito na tila interesado " Titigilan na kita mam. Pero gaya ng sabi ko, kapag naperfect ko ung long quiz mo magdedate tayong dalawa. " halos mapunit na tong labi ko kakangiti sakanya. Bwcit! " Magreview kang mabuti. " at tuluyan na itong umalis. Naiwan naman akong nakangiti dito. Mabilis akong umuwi sa amin para magreview dahil ayokong mapahiya sakanya, masyado akong mayabang para sabihin na top 1 ako sa klase pero un naman ang totoo. Alam kong tuso ung professor ko na yon at hindi basta basta ang ibibigay niyang quiz sa amin. Pero hindi un magiging dahilan para hindi ko magawang maperfect ung ibibigay niyang quiz. Inabot ako ng alas kwatro ng madaling araw para magreview. Bwcit na babaeng yon! Nih minsan hindi nangyari sakin to sa pagrereview. Bakit ba kasi pinipilit kong may mapatunayan sakanya! Siya lang nakakagawa ng ganito sakin. Hihikab hikab pa akong naglalakad ngayon sa hallway papasok sa school, bumili nalang ako ng kape dahil pakiramdam ko hinihila ako ng higaan. Dalawa ang binili ko, as always sa demonyo ang isa. Muntik pa akong malate kanina dahil naabutan ako ng traffic. Tssk! " Mukang puyat na puyat ka Beatrice ah? Mukang pinuyat ka ni Flores. " sabay tawang demonyo nitong si Zayn. Hindi ko siya pinansin. Masyadong madumi ang utak niya, sige tumawa kayo ngayon. Ewan ko nalang kung makakatawa pa kayo kapag nalaman niyong may long quiz. Hahaha! " Goodmorning class. Get one and pass. Long quiz ito, at kapag may nakita akong lumingon at nagtanong sa katabi. Automatic zero, sakin kayo magtanong. " malamig na paliwanag niya. As always tinignan niya lang ung kapeng bigay ko sakanya at hindi nanaman ginalaw. Kumunot noo ko sa nakita kong mga tanong sa test paper. s**t! Identification lahat, at wala ito sa nireview ko kagabi. Napakamot ako sa ulo ko dahil patay ako! Walang pumapasok sa isip ko dahil antok na antok pa ako. Hanggang ngayon nga ay hikab pako ng hikab. Mukang masasayang lang lahat ng pagrereview ko magdamag dahil hindi naman ito ang nareview ko. Tuso talaga tong babaeng to! Nakakainis! Bahala na! Sana may masagot ako! Tsssk! Busy ako sa pagsasagot, walang pumapasok sa isip ko kundi ung malambot na higaan. Ibig kong ipikit nalang ung mata ko at matulog. Mukang kulang ung kape ko na ininom kanina! Tsssk! Nagulat ako ng nilapitan ako ni Flores at inabot sakin ung kapeng binigay ko sakanya habang wala itong karea-reaksyon. Napansin siguro niya na kanina pa ako hikab ng hikab sa klase. Ngumiti lang ako sakanya sabay higop ng kape. Medyo mainit pa ito, at tamang tama ito para mabuhay tong utak ko. Hindi pupwede na hindi ko maperfect ito. Ayokong mapahiya nalamg palagi sa bwcit na Flores na yan! Tssssk! Natapos ang quiz. Nawala kahit papaano ang antok, gaya ng dati. Kaming dalawa nalang ang natitira dito sa classroom. Medyo kinakabahan ako habang tinitignan siya habang chinecheck nito ang mga test paper naming lahat. Napapalunok pako dahil hindi ko alam kung na-perfect ko lahat ng yon. Masyado akong nagmayabang sakanya na anytime na magkamali ako ngayon, ay masisira lahat ng plano ko. Tumayo na ito at niligpit ang mga gamit. Tumingin lang ito ng blanko sa akin. Agad ko naman siyang nilapitan. " Mam? " kinakabahan kong tanong sakanya. " Bukas ang free time ko. Meet me here. 7pm. " sabay abot sa akin ng maliit na notes kung saan may nakasulat na address at tuluyan ng umalis. Shit! Isa lang ang ibig sabihin nato! Naperfect ko ung quiz! Yohoooooo! Sabi na nga ba at hindi ako bibiguin ng utak ko! Halos hindi maialis sakin ung ngiti ko sa labi, unti unti ng napapalapit ako kay Flores! Sumasang ayon sa akin ang panahon! Hahahahaha! Unting oras pa Flores, mahuhulog ka din sa bitag ko! -- To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD