Beatrice Lim
" Ibang klase ung Flores nayon! Hindi ko alam kung mapapasa ko ung subject niya! Araw araw nalang may quiz! Ang daya pa! May favoritism! Siguro kayo na hano?! Umamin kanga samin Bea! ", reklamo ni Zayn sakin.
" Bigyan niyo ko ng peace of mind. May date kami bukas ng laruan ko. " ngisi ko sakanila.
" What?! " sabay sabay pa silang nagulat sa sinabi ko.
Hahahaha!
" Don't tell me, may something na nga sa inyo ni Flores? Nagulat ung lahat kanina ng abutan ka ng kape nung terror na professor natin! Ibang klase! Bravo! Bravo! Unti unti mo nakong napapabilib Beatrice. " tila may palakpak pang nalalaman itong si Jameson.
" Swerte mo Bea, tagal ko na pinagnanasaan ung professor natin na yon. Ang ganda niya at ang hot, buong akala ko ay mahihirapan ka. Tssk! Ako nalang sana nanligaw don! " pagmamaktol naman nitong si Zayn.
Hahaha! Kung alam niyo pang dinadanas ko sa babaeng yon, hirap na hirap na ko sa totoo lang na kuhanin ung loob niya. Masyado siyang matigas at hindi ko mabasa ang tumatakbo sa utak niya. Pero isa lang ang sigurado ako, unti unti na siyang kumakagat sa bitag ko.
Umalis na ako ng school after non dahil nagtext sakin ung kuya ko. Inaya ako nito mag shopping sa mall. Himala, dahil ang buong akala ko ay galit ito sa akin dahil na din sa mga pagkukumpara ng mga magulang ko saming dalawa.
" Hi kuya, sorry na-late ako. " ngiti ko sakanya.
" It's okay, halos kakarating ko lang din. So tara bonding naman tayo? Namiss ko ang kapatid ko na paborito nila Mom and Dad. " sabay tawa niya pero alam ko sa loob loob nito na nasasaktan siya.
" Kuya, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na ganon. " seryosong sagot ko sakanya. Ngayon nalang ulit kasi kami nagkasamang dalawa. Dahil busy ito sa negosyo niya at ako naman ay sa school kaya madalas hindi kami nagtatagpo sa bahay.
" No, it's okay bunso. Hindi mo kasalanan kung ganon ung tingin sakin nila daddy. Ako naman may kasalanan. Tara na? Baka magkaiyakan pa tayong dalawa dito. Ahahaha! " tawa niya at hinila na niya ako dito sa isang boutique.
Tamang bili lang ako ng mga bagong damit para may pang pa-impress ako sa Flores na un, saktong sakto din ito para sa date namin. Gusto kong maglaway siya sa akin, hahaha!
Pagkatapos namin mamili ng kung ano ano. Napag isipan namin kumain nalang sa isang fast food chain, walang gaanong tao ngayon kasi weekdays naman. Kaya mabilis kaming nakaorder at nakakain.
Tamang kwentuhan lang kaming dalawa tungkol sa pag aaral ko, may time pa na sinabi ko sakanya na bakit hindi nalang sundin sila Daddy para hindi na sila mag away na dalawa dahil para sakin, ayokong nakikitang lagi silang ganon.
Ngunit ayaw niya talaga, mas pipiliin niya daw tanggapin ung galit ng tatay namin kesa gawin ung isang bagay na hindi naman siya masaya.
Alam ko kung ano ang tunay na pagkatao ng kuya ko, dahil nararamdaman ko na nakakubli pa sa sarili niya ung totoong gender nito.
Hinihintay ko nalang na umamin siya sa akin. Pero wala ako sa posisyon para kusang itanong sakanya yon dahil baka maoffend siya.
Para sakin, kahit ano naman kasarian ng kuya ko ay okay lang sakin. Tanggap at mahal ko padin siya, peropagdating kila Daddy kung sakali man na ilabas na niya ay panigurado baka itakwil siya ng mga ito. Dahil itong about pag aaral palang ay hindi na sila magkasundo.
" So how's Zayn? " muntik pakong masamid sa tanong ng kuya ko.
Sabi sa inyo eh. Crush nito ung kaibigan ko, hindi naman silang close na dalawa. And ilang beses palang sila nagkita dahil ung mga kaibigan ko ay labas masok din naman sa bahay.
" He's good naman. Lagi lang lutang ang utak pagdating quiz. " ngiti ko sakanya. Patay malisya nalang ako dito.
Tahimik lang ako nakatingin sa labas ng may napansin akong pamilyar na muka na naglalakad.
Si Flores un ah!
Agad akong tumayo nagpaalam lang ako kay Kuya na may puntahan ako saglit. Pumayag naman ito
" Hi mam! " bati ko sakanya na kinagulat nito.
" Mam, pansinin mo naman ako. Maraming tao, baka isipin nila snob ka saka mapahiya ako. " bulong ko sakanya.
" Anong ginagawa mo dito? Wala ka na bang klase? " tanong niya.
Hindi ko ito sinagot, hinila ko siya papunta sa fast food restaurant kung saan andun ung kuya ko. Ewan ba sa sarili ko at bigla ko itong hinila.
" Maupo ka muna diyan mam. Order lang ako pagkain natin, Kuya sabihin mo nga sa waiter linisin yang lamesa na yan. " utos ko sa kuya ko sabay tinignan niya ako ng question-look
Sa sobrang aligaga ko, nih hindi ko manlang napakilala muna si Flores sa kuya ko. Feeling ko tuloy ang awkward ng dalawang yon don.
At tama nga ako, hindi sila nag iimikan na dalawa. Hahaha!
" Ay nakalimutan ko pala ipakilala sayo Kuya, si Mam Alayja Flores. Teacher ko, one of the food teacher sa school natin. And Mam, this is kuya Leo. " pagpapakilala ko sakanilang dalawa
" Okay na bunso. Kilala ko na siya, nagusap na kami kanina pagkaalis mo. " sabay nginitian ako ng nakakalokong nitong kuya ko.
Don't tell me nakakahalata siya sa galaw ko. Hmmm!
Kahit busog na busog na ako ay mas pinili kong kumain ulit. Abot naman ang tingin sakin ng masama nitong teacher ko hahaha! Ihahanda kona ang sarili ko dahil sa pagkaladkad ko sakanya dito.
--
To be continued..