Beatrice Lim
" Tama bang hilahin ako kung saan saan Lim?! " sigaw sakin ni Flores. Andito kami ngayon sa department store. Wala na din ang kuya ko dahil may lakad pa daw siya, kung kanina ay kalmado lang si Flores ngayon parang sasabog na ito sa gilid.
" Mam, pinakilala lang kita kay kuya. Saka di mo ba narinig pinagmalaki kita sakanya? " ngiti ko dito sa babaeng yelo na to! Nakakainis siya!
" I don't care! " inis pa nito sakin.
Ngingiti ngiti lang ako dahil hindi sakin makatakas na umalis sakin tong si Miss Flores hahaha! Nang mapansin kong andito ung mga kaibigan ko malapit sa amin. s**t! Hindi nila kami pwedeng makitang magkasama! Masisira ung momentum ko!
Agad kong hinila itong babaeng to para makapagtago.
Niyuko ko ang ulo niya para hindi nila kaming dalawa makita, dahil alam kong sangkaterbang tanong nanaman ang ibabato nila sa akin. At baka mamaya bigyan pa nila ako ng sakit ng ulo.
" Shhhh. Wag kang magulo mam. May mga demons tayong tataguan. " bulong ko sakanya habang lilinga linga sa paligid dahil nawala sa paningin ko ang mga eto.
" Ehemmm. Sinong demons ba ang sinasabi mo Beatrice? "
" Nak ng pucha! " sigaw ko ng magulat ako na nasa likod ko na pala ang mga kaibigan ko.
" Bakit mo kami tinataguan ha?! Ay, andito kapala Mam Beautiful. " ngisi naman ni Zayn kay supladita. Ayon as always tango lang ang sagot niya.
" Mam, pagpasensiyahan mo na yang mga kaibigan ko. Ibagsak mo nalang sila kapag may nasabi silang di maganda sayo. Arayyy! " binatukan kasi ako ni Margarette.
" I have to go guys. " paalam ni Yelo
" Hala Mam, mamaya kana umuwi. Bonding naman tayo. " pagpipigil ni Jameson.
" Oo nga Mam. Halika na, inom tayo. May alam akong place. " hila ko sakanya at wala na itong nagawa pa para humindi. Bahagya naman akong napangisi sa mga kaibigan ko at sabay sabay nila akong binatukan. Mga walang hiya talaga ang mga hayup na to!
Nandito kami sa kila Zayn, naisipan kong dito nalang kami para naman hindi na kami lumayo. Tutal may mini bar naman ang bahay nila. Kaya ihanda niya at uubusin namin ang alak doon. Hahahaha!
" Hoy! Ano pinaplano mo bat ka mag isang ngumingisi diyan? " tanong sakin ni Marga. Bigla biglang sumusulpot ito sa likuran ko, nasa malayo naman ung teacher namin kausap ung dalawa kong malanding kaibigan. Hindi kayo papansinin niyan kahit anong diskarte pa ang gawin niyo! Hahahaha!
" Wala naman. Napaka advance naman ng utak mo. Lalasingin ko lang siya, tapos palabasin natin tunay na ugali. " ngisi ko
" Infairness, napapayag mo magchill ung terror nating professor, ibang klase ka talaga. Pero ingat lang baka makarma ka. Hahaha " kala mo demonyong tumawa tong babaeng to. Pero wala akong pakialam.
Nakakarami na din kami ng iniinom, walangya! Mukang ako pa ata ang malalasing dahil itong Flores na to tingin ko ay wala pang tama. Lahat kaming magkakaibigan nagkukulitan na pero siya tahimik padin na susulyap sulyap. Debale na! Wala akong pakialam, magpapakalunod ako sa alak dahil weekends naman bukas at walang pasok.
" Mam, smile naman diyan. Okay kalang ba? " bulong ko sakanya. Napaka gugulo ng kaibigan ko! Pano ko makakadiskarte kung ganito sila kadaldal na nagkukwentuhan!
" Hindi ako okay, tama bang kaladkarin ako kung saan saan Lim?! " mahinang bulong nito pero ramdam ko ang inis sakanya.
Napakamot lang ako ng ulo. Hahaha!
" Mam! May boyfriend kaba? " diretsyahang tanong ni Zayn. Pulang pula na ito dahil sa rami ng nainom.
Bahagya akong napalunok habang hinihintay yung sagot nitong Flores na to. Pero kahit nay boyfriend siya, tuloy padin ang plano ko! Hindi pwedeng ganon ganon nalang iyon.
Nakalipas ang ilang minuto pero lahat kami nakatingin sakanya habang hinihintay ang sagot nito pero wala atang balak sagutin. Siguro nga ay meron.
" Eh ikaw pala Beatrice. May karelasyon kanaba!? " tanong na nakakaloko ni Jameson.
" Guys bat ba pinakikialamanan niyo ung lovelife naming dalawa ha?! Wala na kayo doon! Atsaka, malapit nakong magka karelasyon. " sigaw ko sakanila pagkatapos ay tinapunan ako ng mga ngiti ng nakakademonyo.
" anyway, Mam! Dito nalang kayo matulog, may guest room. Late na din pala. " sabay ngisi ni Zayn sakin ng nakakaloko. Hayop talagang lalakeng to! Baka makita pa nitong si Flores kung ano pa isipin sa akin.
" I don't think na maganda ang iniisip mo. Kaya ko pang magdrive, at pangit tignan na ang isang professor nakikitulog sa studyante niya. " malamig na sagot ni Flores kasabay ng pag inom nito ng alak.
Walangya! Napaka lakas naman uminom nito bakit parang hindi nalalasing?! Tsssk!
" Hoy babae. Huwag mo hahayaan na umuwi mag isa yan. Sukdulang isilid ka namin sa compartment ng kotse niyan, pagkakataon mo na to. Go bea! Isuko ang bandera! " bulong sakin ni Marga.
" Gago! " sigaw ko
" What Miss Lim? May problema ba? " nakataas na kilay na tanong nito. Nagtaka siguro siya at nagulat dahil napasigaw ako ng gago. Hays!
" Mam, sama ako umuwi sayo. " ngiti ko sakanya.
Bwcit! Napaka dami na niyang utang sakin sa pag di ganti sa mga ngiti ko. Napaka tuod naman ng babaeng to!
" May bahay ka Miss Lim. "
" Pero Mam, gusto pa kitang kasama. Gusto kita makatabi matulog. " nag pout pa ako sakanya pero inirapan lang ako nito. Walang talab talaga ang pagpapacute ko.
" Guys, i have to go. Maraming salamat sa pag aya sakin. But this will be the last na pwede akong sumama sa inyo. " malamig na sabi nito.
--
To be continued.