Beatrice Lim
" What?! May boyfriend na si Flores?! " bulalas ni Zayn.
Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit dito sa school. Nagpasama ako sakanila para bumili ng coffee para kay Flores kahit hindi nito tinatanggap. Hmmm!
Nakwento ko na din sakanila ung nangyari doon sa bahay nila. At gaya ng inaasahan ko ay magugulat ang mga ito.
Tumango lang ako sakanila. Ang oa naman ng mga to kung makareact!
" Alam niyo yang pagmumuka niyo hindi pwedeng maging artista sa pagka-OA! " bulyaw ko sakanila
" Gago ka Bea, may boyfriend na pala. Hayaan mo na si Flores. Palagpasin mo na ginawa niya. Wala kang pag asa don. " bawal sa akin ni Marga
" Teka nga! I'm Beatrice Lim. Lahat nakukuha ko, kaya huwag niyo ko pangunahan sa dapat kong gawin! Eh ano kung may boyfriend siya, e magands nga yon. Double heartbreak siya kapag nagkataon. Hahaha! " halakhak ko sakanila. Para dama nila kung gaano ako kasaya kapag naiisip ko na tumutulo ang luha niya habang nagmamakaawa sa akin na mahalin ko siya.
" Magingat ka Beatrice. Kapag sayo bumalik yang ginagawa mo, ewan lang! " paalala sakin ni Jameson
" O diba't ikaw ang nagplano non? Tapos ngayon papatigilin moko! Anong klase ka! Diyan na nga kayo! Nakakainis kayo, lagi ako nawawalan ng momentum! Baka hinihintay na ako ni Flores at itong kape niya. " sabay layas ko sa harapan nila.
Lagi nilang sinisira ang araw ko kakapaalala sa akin.
Napansin kong nakasunod nadin naman sila sa akin, takot lang siguro nila kapag nalate kami kay Flores.
Nagpadala din pala ako ng breakfast para sa nanay namin. Nakuha ko ang number niya kahapon, at lagi ko itong kinakamusta. Tuwang tuwa naman siya sa akin. Para na daw niya akong anak.
Well mabait naman talaga ung family ni Flores. Sayang lang at hindi niya ito namana. Hahaha!
" Hi Mam! Coffee for you. " iniwan ko ito sa mesa niya.
Halos sabay lang kami pumasok sa pinto kaya hindi ko masasabi na late kaming magkakaibigan.
" Okay Class. Goodmorning, may announcement lang ako. Sa mga gustong sumama sa camping next week. Eto ang listahan, please pass. Pakisulat ang mga pangalan ng mga sasama. " sabay abot niya ng papel sa harapan.
Hindi nanaman niya pinansin ung kapeng binigay ko! Kainis!
Teka, camping ba sabi niya? Iniisip ko ngayon kung sasama ako. Pagkakataon ko na ito para makasama siya at makabonding. Hindi naman pwedeng puro dito ko lang siya nilalandi sa school namin. Kaylangan magpa goodshot ako sakanya, magandang pagkakataon yon! Kaya mabilis kong nilista ang pangalan ko kahit na hindi naman ako mahilig sumama sa mga ganong event ng school.
Mabilis natapos ang klase pero nakatitig lang ako sa walang emosyong mukha niya. Swerte mo Von ganito kaganda ang gf mo, pero malas kadin pala dahil ganyan ang ugali niya. Bigla nalang ako napangiti kapag naiisip ko un. Hahaha!
" Hey Miss Lim. What's funny? " tanong sakin ni Flores.
" Nothing Mam. " kindat ko sakanya. Akala ko tuloy ay papasagutin niya ako sa harapan dahil lagot ako, hindi pa naman ako nakikinig sakanya dahil nakatitig lang ako dito.
Minsan nga naiisip ko na tigilan na ung ginagawa ko sakanya, pero kapag sumisingit sa isip ko ung ginawa niya sa akin. Walang kapatawaran yon para sa akin. Kaya pasensiya na Flores kung mapapaikot kita bandang huli sa mga palad ko.
" Hoy, diba ayaw mo sa camping? " tanong ni Jameson. Tapos na ang klase namin nakaalis na din ung supladita na yon pero itong kape nasa lamesa padin.
" Eh ano naman sa inyo kung sasama ako, saka andon si Flores. Pano ako makakaganti kung tutunganga lang ako dito aber " singhal ko sakanila.
" Kaya napilitan din tuloy kaming ilista pangalan namin. Tssk! " maktol ni Zayn.
" Pare, may mga chicks don. Saka madilim don, alam mo na isip ko? " ngisi ni Jameson kay Zayn saka bigla nagningning ang mata nito.
" Kadiri naman kayo! " pag iinarte din nitong si Marga.
" Diyan na kayo, manliligaw muna ako kay Flores. Bye! " paalam ko sakanila. Tutal mamaya pa naman klase namin, may time pa naman siguro ako maglandi sakanya. Ahahaha!
Agad kong hinanap si Flores sa faculty room. Nakuha ko din kasi ang schedule nito, wag na kayo magtanong kung bakit ko nakuha ito. Dahil alam ko lahat at may access ako dito, haler! School namin to! I can do whatever i want!
" Hi mam. Coffee ulit? " abot ko sa harap ng table niya. Ngunit hindi manlang ito tumingin sakin.
Siya na nga lang dinadalan ng kape, susupladahan pa ko. Kung hindi lang ako nagbabait baitan dito kanins ko pa siya tinapunan ng kape sa muka.
Napansin kong may bulaklak sa harap ng mesa niya. Galing iyon siguro sa walang kwenta niyang boyfriend.
" Mam, tapon mo na bulaklak mo. Hindi maganda, palanta na. " upo ko sa harap niya.
" Miss Lim, ano ba kailangan mo? Kailan mo ba ako tatantanan. " iritadong tingin nito sa akin.
" Mam, ikaw ang kailangan ko. Titigilan kita kapag naging girlfriend na kita. " ngiti ko sakanya ng pagkatamis tamis.
" Nasisiraan kana ng ulo Miss Lim. Anong gf ba sinasabi mo?! Saka may bf na ako. " galit nito.
" Shhh. Wag kang magulo mam. Baka marinig tayo nila, isipin may LQ pa tayo. " bawal ko dito sabay lingon naman niya sa paligid. Nakangisi padin ako ito habang siya naman ay banas na banas nanaman sa akin. Ahahaha!
" Mam, simula ngayon huwag mo na tanggapin ung flowers ng bf mo. Malalanta na agad, ako magbibigay sayo. Super fresh pa gaya ng pagmamahal ko sayo. "
" Tumigil kanga Miss Lim. " bawal nito sa akin.
" Anyway mam, excited na akong makasama ka sa camping. " kwento ko dito.
" Hindi ako part ng event na yon Miss Lim. "
--
To be continued..