Alayja Gail Flores
Walang araw na hindi ako kinulit nung Lim na yon para lang sumama ako sa event na sinalihan niya. Ano magagawa ko kung hindi ako parte non, atsaka gusto ko ng peace of mind. Dahil hindi ko na alam gagawin ko sa babaeng yon!
Normal ba na lagi niyang sinasabi sa akin na gusto niya daw ako ligawan at maging girlfriend samantalang parehas kaming babae?! At isa pa studyante ko siya. Jusko!
Kung alam ko lang na ganito sasapitin ko sa babaeng to, hindi ko nalang sana pinunit ang papel niya at nagtiiis ako sa ugali niyang kademonyohan. Eh wala! Nadoble pa ngayon ung sakit ng ulo ko dahil sa babaeng yon! Walang kasing kulit!
Nagbibigay palagi ng kape sa akin, pero hindi ko iyon pinapansin. Pati pagbibigay ng boyfriend ko ng bulaklak papakialamanan pa!
Imagine, after nung pag uusap namin na hindi ako kasama sa event ay hinablot niya ung bulaklak pagkatapos hinagis iyon sa basurahan. Tapos maya maya ay may dumating sa akin ng sangkaterbang bulaklak. Anong tingin niya sa table ko, may lamay?! Ugh!
Kaya ayun, niloloko ako ng mga co-professor ko dahil inaakala nila na totoong nagbago na ung demonyita na yon. Lagi ko silang binabawal dahil baka may makarinig makarating sa head. Eh ung head ay mismong tatay nong babaeng yon! Nakakainis! Nasisira palagi araw ko sakanya!
Hindi tama ung ginagawa niya sa aking pangungulit. Naaapektuhan ung trabaho ko, pati si Von galit na galit sa akin at madalas kami mag away dahil buong akala niya ay may relasyon kami ng babaeng yon. Utang na loob! Parehas kaming babae, at studyante ko siya.
Alam kong may binabalak yon, akala naman niya ay mahuhulog ako sa bitag niya. Pero ang iniisip ko ngayon, ala na akong takas sakanya.
Pati nanay ko kinukulit niya, ung nanay ko naman tuwang tuwa kapag nagpapadala yon ng kung ano ano sa bahay.
At isa pa, ung Kuya ko gusto si Beatrice. Hindi ko nalang ito nirereplyan kapag kinukuha nito ang number niya. Dahil wala din akong maibibigay.
Binlock ko na din siya sa f*******:, laging tawag ng tawag sakin. Kahit madaling araw tawag ng tawag dahil namimiss niya daw ako. Jusko!
Minsan naiisip ko na ngang umalis nalang dito sa school. Pero hindi pwede maganda ang opportunity ko dito sa school ng mga Lim. Malas lang ako dahil ayaw ako tantanan ng anak nila! Tssskkkk!
" Hi sweetheart, how's your weekdays? " tanong sakin ni Von. Weekends nanaman, at andito kami ngayon nagdate sa isang restaurant.
Mag iisang taon na din pala kaming magkasintahan ni Von. Pero walang oras na hindi niya ako pinipilit ibigay itong sarili ko sakanya, pero lagi ako tumatanggi dahil hindi pwede. Hindi pa kami kasal. Mahal ko siya pero hindi sapat na dahilan iyon para ibigay ko ang sarili ko dito.
Ayaw din sakanila ng mga kuya at nanay ko dahil may ugali kasi si Von na mayabang at mahangin. Ayaw nila ng ganon pero dahil na din sa pagmamahal ko ay sinuway ko ang magulang ko. Bandang dulo ay wala na din naman silang nagawa.
Maalaga si Von, at alam kong mahal niya din ako. Minsan lang talaga may pagka p*****t ito pero tanggap ko naman iyon dahil lahat naman ng tao ay may bad sides.
" Nilayuan mo na ba ung batang yon? Wala akong tiwala don Gail. " seryosong tingin nito sa mga mata ko na tila nawalan ng gana sa pagkain.
Ewan dito at mainit ang dugo niya don, saka alam naman niyang siya ung mahal ko.
" Von, she's my student. Hindi ko malalayuan, at siya ung anak ng may ari ng pinag tatrabahuhan ko. Hindi ko siya basta basta pwedeng layuan lalo at iisang school lang ang pinapasukan namin. " paliwanag ko sakanya.
" Damn you Gail! wala akong tiwala don sa student mo! Mukhang may gusto sayo yon! " sigaw niya na kinagulat ko.
For Pete's sake! Nasa restaurant kami, tapos sisigawan niya ako. Hindi ako nagsalita, dahil ayokong sinisigawan ako. Ibig ko tuloy maluha dahil nakatingin na sa mesa namin ang mga tao kaya napayuko nalang ako sa pagkakapahiya.
" Hindi ata tama na sigawan mo ang babae mapa public or private place Mr. Lalo pa at girlfriend mo siya " di ako nagkakamaling si Lim ang nagmamay ari ng boses na yon.
Teka, hanggang dito ba naman! Jusko po!
" You don't care little girl. At umuwi kana sa inyo mas mabuti pang mag aral kanalang muna. Huwag mo kaming pakialam. You may go. " nanlilisik na tingin sakaniya ni Von, pansin kong napayukom ang kamay nito. Pero di parin nagpapatinag tong Beatrice nato.
" Halika na Mam, I'm sorry. Ilalayo na kita dito. Hindi mo deserve na sigaw sigawan ng lalakeng yan. Kita mo sa inyo nalang nakatingin ung mga tao. ", sabay hila niya sa braso ko.
" Bitawan mo siya! " hila din sa akin ni Von. Hawak nilang parehas itong magkabilang braso ko.
" Alam mo Von, wala kang bayag. Kung ipapahiya mo lang si Mam, mas mabuti pang sakin nalang siya mapunta kesa sa katulad mong walang modo. " buong pwersa ako nitong hinaltak palabas ng restaurant habang ang mga tao ay napapansin kong nakatingin padin sa amin. Naiwan din don sa lamesa si Von na halos magwala dahil sa pagkahila sa akin ni Beatrice palabas.
" Ano bang problema mo Miss Lim! Nakakahiya doon sa loob, saka you don't care sa problema namin ng boyfriend ko! " ngayon palang ako nakasigaw sakaniya dahil galit na galit ako dito. Mas lalo niyang pinalala ung sitwasyon.
" Eh, bakit kasi hinahayaan mo ung lalakeng yon na sigaw sigawan ka?! " nakikipagsigawan din ito sakin.
Ngayon ko lang ulit nakita ung tingin niyang ganito na nanlilisik.
" Saka kung ayaw mo, dapat dun ka sa Von na yon. Bakit sakin ka nagpahila!! " pinipilit nito pakalmahin ung sarili niya.
" Wala kang pakialam kung nag aaway kami dahil natural lang sa mag boyfriend yon. Sino kaba sa akala mo ha?! Studyante lang kita. And uulitin ko, wala kang pakialam! Hindi kaba napapagod kakasunod mo sakin na parang tuta?! Ano masaya kana dahil mas lalo mong pinagulo ung sitwasyon! " tuloy tuloy kong salita sakaniya na nagpabago ng awra niya. Natahimik ito ng ilang segundo.
" Hindi mo alam ung naramdaman ko kanina nung nakita at narinig kong sigawan ka niya sa harapan ng maraming tao. Hindi mo deserved ung ganong klaseng boyfriend, pinagtanggol lang kita dahil babae ka. Kung mahal ka non, hindi niya gagawin na ipahiya ka at hindi tama na sigawan ka sa harap ng maraming tao, ako ang nasaktan sa ginawa niyang yon. Minura kanga diba? Samantalang ako, andito lagi para sayo tapos di mo ako napapansin. Kung akala mo tuta ako na lagi nakasunod sayo, hindi na kita guguluhin. Pasensiya kana kung nagugulo ko kayo ng boyfriend mo. Pasensiya na kung mali ako ng pinasok dahil ayoko lang makita kang nasasaktan ng iba. Sige na, bumalik kana don sa walang kwenta mong boyfriend. "
--
To be continued..