Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon at may kanya kanyang ginagawa.
Nagbabasa ako ng Harry Potter habang si Debbie naman ay naglalaro sa Cellphone nya at yung tatlo naman ay nanonood ngayon.
"WAAAAAAAH PATAYIN NYO NA YAN. AYOKO NA. PATAYIN NYO NA YAN. MAGPAPAKABAIT NA TALAGA AKO."
"MOMMY NATATAKOT NA AKO WAAHHH KAHIT ANO GAGAWIN NAMIN PROMISE PATAYIN NYO LANG YAN HUHUHU."
Nanonood sila ngayon ng horror movie na napagkasunduan nilang panoodin. Ewan ko ba sa mga yan, kalalakas ng loob manood hindi naman pala kaya.
Naupo na ako ng maayos at pinagpatuloy na Ang ginagawa kong pagbabasa. I love reading and actually most of my time ay nagbabasa lang ako.
"Napaka ingay nyo! Wag na nga kayong manood kung magsisisigaw lang naman kayo." Inis na sabi ni Debbie na mukhang natalo sa laro nya. I can't blame her, nakakadistract naman talaga yung ingay ng tatlo.
"Sorry na Debbieeee." Julianne
"Mianhe Debbie-ssi." Dana
"Sorry." Yvette
Hindi naman sila pinansin ni Debbie at nag walk out na.
Tumayo naman ako at lumapit sa kanilang tatlo. "Guys, you should do what you have said earlier." Sabi ko sa kanila at umakyat na din sa taas. Nagtataka naman silang tumingin sa isa't isa at ng mapagtanto nila ang sinabi ko ay tila nanghihina silang napaupo sa couch.
"Another hell for us, guys." Malungkot na sabi ni Dana bago pa ako makapasok sa kwarto ko.
Nang tuluyan na akong nakapasok at makarating sa kama ko ay naalala ko bigla ang dahilan kung bakit magkakasama kami ngayong apat sa bahay.
Grade 9 kami noon ng maging close kaming lima and after a year napagdesisyonan namin na sa iisang bahay na lang tumira kaya sinabi namin sa parents namin yon and luckily pumayag sila. And simula noon lagi na kaming magkakasama,hanggang sa school iisa lang ang pinapasukan namin.
Kinabukasan ay sabay sabay na kaming nagtungo sa School at gaya ng dati ay ako ang nagdrive. I'm already used to it lalo na at wala namang may balak sa kanila.
Nang makarating na kami sa parking lot ay nagkanya kanya na kaming baba ng mga gamit at bag namin. Nahuli akong bumaba sa kanila dahil mas madami akong dala sa kanila at isa pa ako din naman ang maglalock nito.
"Guys hold my drums first, I'll find a nice place na pagpaparkan." Binaba ko sila sa harapan ng school at nagtungo na ako sa parking lot.
Dali dali akong bumaba ng sasakyan at nagtungo na sa kanila. Nakaabang naman sila sa Gate ng school habang bitbit ang mga instrument nila. Nakababa naman sa gilid ang drums ko.
Okay, how can I carry these things with my two hands?
"The three of you...you know what you are going to do." Sabi ko sa kanila at binuhat ko na ang bass drum. Nakanguso namang binuhat ng tatlo ang mga drums habang dala dala din ang bag nila.
"Why don't you use the drums in the music room na lang kasi? Hindi yang araw araw na lang natin dinadala to." Maarteng sabi ni Julliane na ngayon ay dala ang symbals.
I don't know it, I just feel like using my own drums than that overused drums.
I just shrugged and start walking, nakasunod naman sila sa akin habang nagrereklamo.
Nang makarating kami sa room ay sabay sabay kaming napabuga ng hangin at hinihingal na naupo sa upuan namin.
"I will not carry these things anymore!"
"Baka nakakalimutan nyo, nangako kayo kahapon that you will do anything that I will ask."
"Oo na. No choice nga diba?" Inis na sabi ni Julliane. Inirapan ko lang sila at inayos na ang mga drums ko sa likod ng room.
Tinakpan ko ng tela ang mga ito para hindi pangit tignan sa room namin.
Nagsimula na ng klase ng dumating si Mrs. Navarro na adviser namin and also science teacher namin. Nagdiscuss sya about sa mga cells and functions nito.
Natapos ang 1st and 2nd subject namin at ang next na ay ang PE so kailangan pa namin magpalit ng PE uniform. Nang matapos kami ay nagtungo kami agad sa Auditorium at naabutan na namin doon ang iba naming kaklase na nakapila na. Pumila na din kami at ilang sandali lang ay dumating na si Sir Cariaga.
"Okay class, I just want to inform you about our performance task, and because hindi naman sya ganon kadali at kailangan ng mahabang preparation ay bibigyan ko kayo ng two weeks for practice, so ano nga ba ang performance task?" May ipinamigay si Sir na parang flyers at sa likod nito ay rubrics.
Past Band—past is past but music will last.
Yan ang nakabold na nakalagay sa Front ng papel at may background na music instruments and it gave us a hint kung ano nga ba ang gagawin namin.
"So as you can see, hindi naman kayo mga juice-a(tang-a) para hindi maintindihan yan but still, ipapaliwanag ko pa din naman."
"So I want you to choose a responsible groupmates, hindi ako ang maggroup sa inyo cause it will be unfair. Remember— choose a responsible members and also the groups may have a maximum of 6 members and minimum of 4." Pinal na sabi ni Sir may nagtaas naman na kaklase ko ng kamay.
"Yes, what is it?"
"Sir pwedeng 7 yung members?" Napakamot naman sa batok si Sir at inis na tinignan ang kaklase kong juice-a.
"Anong mahirap intindihin sa sinabi kong maximum of 6?"
Napangiti naman ng pilit ang kaklase ko na nakatikim ng sapok sa mga kasama nya.
"Mga siraulo talaga." Bubulong bulong na sabi ni Debbie sa gilid ko.
Hinarap ko naman sila."Practice later before tayong umuwi." Sabi ko sa kanila at umalis na sa harapan nila. I know hindi pa kami dinidismiss ni Sir but he doesn't care so i assume ko na lang na pwede ng umalis.
Nagpunta ako sa Garden ng school at doon nagpalipas ng oras bago ang last subject namin. Nagcut na ako at hindi naman na bago yon sa mga kaibigan ko kaya hindi ako umaasa na hahanapin nila ako. Nahiga ako sa bleachers at pinikit ang mga mata ko.
Nagising ako at nandito ako ngayon sa bleachers sa garden, tinignan ko ang oras at 3:30 na so it means dismissal na. Pero nakadepende din dahil minsan overtime sila. Naglakad na ako papunta sa Music Room at tinext sila na pumunta na dito.
Matagal tagal din pala akong nakatulog kanina sa bleachers and it made sense kung bakit masakit ang likod at balakang ko.
Pagkarating ko sa music room ay napangiti ako ng makita ko ang drums ko na nakaayos na. I'm sure na inayos nila ito kaninang lunch nung natutulog ako.
Naupo ako sa upuan at kinuha ang drum stick ko na customized. May mga nakalagay ditong mga drawings at stickers na binili ko pa sa ibang bansa.
Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng music room at isa isa silang pumasok na apat, mga inis ang mukha nila at halatang nabwisit dahil overtime ang last subject.
"Dapat pala nagcutting na lang din ako." Inis na sabi ni Danna at padabog na binaba ang bag sa upuan. Napangiti naman ako sa mga itsura nila.
"Oh ganyan ka, masaya ka kapag naghihirap kami?" Mataray na sabi naman ni Julliane na papunta na sa Piano nya.
Umiling lang ako at pinagpupukpok na ang drums ko.
"So,what are we going to play? What song?" Tanong ni Yvette na syang Vocalist namin. Nasa kani-kanilang pwesto naman na si Debbie at Dana na Guitarist.
Nag iisip naman sila ng kanta at inabala ko naman ang sarili ko sa paghum ng kanta. Napatingin naman sila sa aking apat kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"The Scientists." Sabay sabay nilang sabi at nakuha ko naman ang ibig nilang sabihin kaya hinampas ko na ang drums ko bilang panimula.
Come up to meet you
Tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are.
I had to find you
Tell you I need you
Tell you I'll set you apart.
Tell me your secrets
And ask me your questions
Oh let's go back to the start
Running in circles
Chasing in tails
Heads only science apart.
Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard.
Oh take me back to the start.
I was just guessing at numbers and figures.
Pulling the puzzles apart
Questions of science
Science in progress
They must speak as loud as my heart
Tell me you love me
Come back and hold me
I wanna rush to the start.
Running in circles
Chasing in tails
Comi'n back as we are.
Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard.
I'm going back to the start.
Tumugtog pa kami ng isang beses hanggang sa maisipan naming umuwi na.
Pagkarating namin sa bahay ay madilim na. Nagkanya kanya kaming punta sa kwarto at nagpalit na ng damit. Kinuha ko ang panjama at t-shirt sa closet ko at nagpunta na sa CR, pagkatapos ay bumaba na ako at nagpunta sa Dining Area. Andito na sila Debbie, Dana at Julliane pero wala pa din si Yvette.
Nasa gitna akong bahagi nakapwesto at si Julliane at Debbie ay nasa kanan ko, si Dana naman ay nasa kaliwang part. Hinintay pa namin si Yvette ng ilang minuto pero wala pa ito.
"What's taking her so long?" Inis na tanong ko sa kanila. Sabay sabay naman silang nagkibit balikat, hinarap ko si Dana at automatic na syang tumayo para puntahan si Yvette sa room nya.
"I know, I know." Sabi pa nito habang paalis sa dining Area.
Nakatingin lang ako sa plato ko habang hinintay ang dalawa na bumaba,sila Julliane naman ay nag uusap tungkol sa kung ano anong bagay.
"Ken! Si Yvette!" Napatingin ako sa hagdan ng marinig ko ang tawag sa akin ni Dana. Nagmamadali itong bumaba at hinihingal pa.
Napatayo naman ako at sinalubong na sya. "What happened to Yvette?" I ask worriedly. She gasped for air and pointed upstairs.
"Nasa sahig sya, nahimatay. I don't really know what happened basta naabutan ko na lang syang ganon."
Hindi ko na pinatapos si Dana na magsalita at umakyat na ako sa taas. Agad kong tinungo ang kwarto ni Yvette at naabutan ko syang nasa sahig malapit sa veranda ng kwarto nya. Nilapitan ko sya at binuhat ng bahagya ang ulo nya para ilagay sa hita ko.
Mahinang tapik ang ginawad ko sa pisngi nya para gisingin sya. "Yvette, wake up. Hey." Paulit ulit na sabi ko sa kanya. Ilang sandali lang ay dahan dahan nyang minulat ang mga mata nya at tinignan ako ng nagtataka.
"What happened?" Tanong nya.
"I should be the one asking you that."
"I don't know,I don't remember anything." Napahawak naman sya sa ulo nya at dahan dahang tumayo. Inalalayan ko sya at pinaupo na sa kama nya.
"Magpahinga ka muna, then let's talk later or maybe tomorrow. Just rest okay?" Tumango naman sya sa akin at tinalikuran ko na sya pero hindi sinasadyang nahagip ng mata ko ang Veranda nya. Napakunot ang noo ko at hindi na iyon pinansin pa, naabutan ko naman ang tatlo na nasa b****a ng pintuan at nanonood sa amin.
"Ano daw nangyari?" Julliane ask. I just shrugged and nilagpasan sila.
"Tanga! Di mo ba narinig? Hindi nga daw maalala diba?" Rinig kong singhal ni Debbie sa kanya.
Habang pababa ako ay hindi ko maiwasang isipin ang maaaring nangyari kanina kay Yvette alam ko na naalala nya yung nangyari but the question is...Why didn't she tell me? Is there something hideous that happened a while ago?
Naramdaman kong nakasunod na ang tatlo sa akin kaya tinanggal ko na sa isip ko ang nangyari kanina. Sabay sabay kaming nagdinner at pinadalhan na lang si Yvette ng pagkain sa room nya.
"Guys sleep early. No more shenanigans dahil may practice pa tayo bukas." Sabay sabay naman silang tumango at tumayo na para magpunta sa mga kwarto nila.
Pagkapasok ko ay hindi ko maiwasang isipin uli ang nangyari kanina, I saw it. Alam kong hindi ako namamalikmata pero nakita ko yon.
I saw someone.