"Goodmorning." Bati sa akin ni Julliane at Dana pagkapasok ko sa Dining Room. Tinanguan ko naman sila at naupo na sa pwesto ko.
Nilinga ko ang table at nakita kong wala pa din si Yvette. What happened to that girl again?
"Si Yvette?" Tanong ko sa kanila. Sabay sabay naman nilang tinuro ang kitchen at saktong lumabas don si Yvette dala dala ang ham and hotdog na nasa plate.
Napatingin naman sya sa akin at binati ako.
Nagsimula kaming kumain at ingay lang ng kutsara at tinidor ang naririnig. I don't usually talk lalo na kapag nasa harap ng pagkain but Julliane and Dana is silent than their usual self. I'm not used to it kahit na madalas ay naiinis ako kapag maingay sila.
"Any problem, guys?" Syempre sa isip ko lang yan sinabi dahil maghihysterical sila kapag nagtanong ako ng ganyang bagay sa kanila.
Natapos ang breakfast namin ng ganon ganon lang at pagkatapos non ay nagkanya kanya na kami ng gayak para pumasok sa school. And it is very unusual dahil hanggang matapos ang morning classes namin ay wala silang lahat sa mood.
Well,natural lang kay Debbie yon cause sa mga drawings at anime lang naman sya lagi. But those two,nagsisimula na akong mainis sa kanila.
Inis na sinapok ko silang dalawa nung nasa cafeteria na kami at hinihintay ang pagkain namin. Napa aray naman sila at tinignan ako. "Napakabrutal mo talaga." Sabi ni Dana na hawak ang ulo na sinapok ko.
"Why are you acting like that?" Inis din na sabi ko sa kanila na ipinagtaka nila. Nagkatinginan naman ang dalawa at parang naintindihan ang sinabi ko.
"Well, we made a deal that we will be a lady today. You know shy type ba ganon." Maarteng sabi ni Julliane.
At ano nanamang kagaguhan yon?
"Hmm, okay." Iniwan ko na sila ng makuha ko ang order ko,naghanap ako ng vacant table at doon na pumwesto.
Nagsimula na akong kumain at hindi na sila hinintay. Ilang sandali lang ay dumating na din sila dala dala ang mga tray nila na kaunti lang ang laman. What the heck?Nagmumukha nanaman akong timawa ditto dahil sa sobrang kaunti ng kinain nila.
"Bakit ba kaunti nyong kumain?"
"Diet." Sabi ni Dana na parang isang usual na gawain nya.
Habang kumakain kami ay tumunog ang mga speakers na nasa loob ng cafeteria at nagsimula ng magsalita si Principal De Leon.
"Students, proceed to the auditorium now." Ilang beses sinabi ni Principal yon kaya kahit labag man sa loob ng lahat ay nagsitayuan na kami para magpunta sa Auditorium. Inis naman akong tumayo at kinuha ang bag ko at nagpunta na palabas ng cafeteria,agad naman sumunod ang apat.
Just make it sure na importante ang meeting na yan kundi makakapatay talaga ako.
"Ken, kalma. Makakakain ka pa naman mamaya." Sabi ni Yvette na ngayon ko lang narinig na magsalita simula kaninang umaga. Inirapan ko lang sya at nauna ng maglakad.
Pagkarating namin sa loob ng Auditorium ay naabutan naming andon na halos lahat ang mga estudyante. Kumpleto na din ang mga teachers at staff na minsan lang lumabas sa office. At may mga hindi pamilyar na tao na nakasuit ang nasa harapan at kausap si Principal De Leon.
Pumunta si Maam sa gitna at nagsalita. "Students, we gathered you all here to personally choose some lucky students na kailangan ng mga Visitors natin ngayon. But don't worry mga anak dahil hindi namin kayo ibebenta sa kanila." Nagtawanan naman ang mga teachers at students na hindi nabadtrip dahil naudlot ang lunch.
"They are kind I assure you that so I will let them talk to you now." Inabot ni Maam ang microphone na hawak nya doon sa lalaking nakasuit na leader ata nila. I wasn't able to hide my smirk kaya nagtatakang napatingin ang mga kaibigan ko sa akin na napapailing na lang. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang bulong ni Dana.
"Iba na talaga epekto ng gutom sa kay Ken."
hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at binalik na uli ang atensyon sa harapan.
Ngumiti ito ng matamis ang lalaki sa aming lahat kaya bigla akong nagcrave sa leche plan. I think Dana is right, iba na nga ang naging epekto ng gutom sa akin.
"Eastern Summit students, first I will introduce myself. I am General Hayner and just like what Mrs. De Leon said a while ago, we're here to choose 5 students that will help us. It is such a pleasure for me that this school is willing to cooperate so I will not make it any longer. I'll start to choose those students." Napairap na lang ako at nagsimula ng maglakad palabas ng Auditorium.
It won't be possible na makuha ako jan cause there are thousands of students here and I am not lucky when it comes to that kind of matter.
Sumunod naman na sa akin ang apat na lagi nilang ginagawa,nakakawit ang kamay ni Dana kay Julliane habang magkasabay naman na naglakad si Yvette at Debbie na nasa kabilang gilid ko. Hindi na namin pinansin ang nagsasalita sa harap pero ng malapit na kami sa pintuan ng Auditorium ay napahinto ako dahil sa narinig ko.
"Oh! I already found them." Excited na sabi ng General na nasa harapan pero hindi yon ang dahilan ng pagtigil ko kundi sa dinugtong nya. "I want those girls na naglalakad palabas ng Auditorium." Nanggigil akong napakapit sa strap ng bag ko.
"Did I hear it right?" Julliane asked habang nakatingin sa akin. I just shrugged and nagsimula na uling maglakad.
'Maybe hindi kami yon, hindi lang naman siguro kami ang lalabas ng Auditorium.' I mentally said like I'm also convincing myself.
Nakaupo ako ngayon katabi ang apat habang nasa harapan naman namin si General Hayner at Principal De Leon.
As I have said earlier hindi kami yon but I was wrong dahil gaya nga ng nangyari andito kami ngayon at kaharap sila cause we're the chosen ones. I'm sarcastic okay?
"So pinagsisihan nyo bang umalis kayo kanina girls?" Natatawang tanong sa amin ni General. Sinagot naman sya ni Julliane na ngiting ngiti kay General.
"Kinda, but the blame is on Ken for that matter cause she's the reason kaya palabas din kami that time." Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil sa sinabi nya.
Napatingin naman sa akin si General na hanggang ngayon ay nakangiti pa din. Pero iba na ang ngiti nya sa akin ngayon.
"What?" Inis na tanong ko sa kanya habang nakataas pa ang kilay ko. I know it's rude and unrespectful but I just can't help it cause I'm really pissed.
Umiling naman ito sa akin at nagseryoso na.
"Girls, I know you are here to study and to achieve your dreams but I just want to ask for your help alam ko na hindi nyo din naman gusto ito but I just badly wanted your cooperation right now and I am not just here as a General but a person asking for your help." He explained. What does he think? A general is not a person?
Nanatili lang kaming tahimik habang nakikinig sa kanya.
"As I was saying, this is not just a simple matter. It may harm you and make you in danger but I know hindi naman kayo basta basta so sa inyo ko pinapasa ang bag—" I cut him off dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi nya.
I smirked at him. "It may harm us? Hmmm. So to make it simple...you will make us in charge of the things na dapat kayo naman talaga ang gagawa?Right? That's a brave move General,at talagang sinabi mo pa yan sa harap namin." Bastos na kung bastos but I do have a point about it.
"You're right, just like what I said hindi namin kayang gawin yung bagay na yon so we need to find someone capable to do that. It's our job but that's not enough to tell us that we can do it." I just don't get him.
Magsasalita pa sana ako ng hawakan ni Yvette ang balikat ko and she mouthed me to stop. I just heave at sumandal sa upuan.
"Just tell us the matter and I'll assure you that we will help, Sir." Yvette replied and I just mentally kill her because of what she said. Piniga nya ang kamay ko at ginitgit pa ako sa upuan para iparating na wag na akong kumontra pa.
General Hayner discussed it but I just flooded my mind with other stuff.
"Ken, lets go kanina pa sila nakaalis." Ginising ako ni Dana na dala dala na ang bag ko. Nakatulog na pala ako sa sobrang kadaldalan ni General.
Tumayo na ako at naginat pa bago kami lumabas ng office. Pinayagan na kami ni Principal na umuwi,kunswelo na daw samin para sa pang iistorbo nila sa amin. And that is the best thing na sinabi nila simula pa kanina.
Nang makauwi kami sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ni Yvette na ikinagulat din nya. Ibinalik ko naman din ang tingin sa kanya kaya napaiwas sya.
"I'll sleep here." I stated at pabalang na nahiga sa kama nya,sya naman ay nagpunta sa CR at nagpalit ng damit.
Nilinga ko ang paningin sa buong kwarto nya at una kong napansin ang bukas nyang Veranda. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nagtungo doon at pagkalabas ko ay nakita ko ang likurang bahagi ng bahay kung saan ang pool. Tinignan ko naman ang kabilang side at veranda ng room ko ang nandoon.
Tinignan ko naman ang baba at nilinga ang paningin ko doon. Napakunot naman ang noo ko ng may mapansing isang bagay na kumikinang na nasa damuhan. Titignan ko pa sana ito ng malapitan ng may humawak sa balikat ko at nang tinignan ko kung sino iyon ay nakita ko si Yvette na nakapagpalit na ng damit nya.
"What are you doing?" She asked. Umiling lang ako sa kanya at nagpaalam na magpapalit muna ng damit.
Pagkalabas ko ng room nya ay hindi ako sa kwarto ko nagpunta kundi nagtungo ako sa hagdan at lumabas ng bahay. Nagpunta ako sa pool area at sinilip kung andon pa si Yvette sa veranda nya at ng masigurado kong wala na sya ay nagpunta ako sa ilalim nito at hinanap ko ang necklace na nakita ko kanina. Hindi naman ako nahirapan na makita ito,nagtungo agad ako sa kwarto ko nang makuha ang necklace na iyon.
It's a silver necklace with a moon pendant.
Wala pa akong nakita kahit isa sa amin ang nagsuot nito so I know na hindi isa sa amin ang may may ari nito. It is someone else's necklace.
Nilagay ko sa loob ng study table ko ang necklace na yon at nagpalit na ng damit. I should know something about this.
Ang balak kong pagtulog sana sa room ni Yvette ay naging disaster cause pati yung tatlo ay sumama so hindi kami natulog kundi nag movie marathon buong magdamag and without minding na may klase pa kami kinabukasan. I felt happy cause kahit hectic ang schedule at may madadagdag pa ay may time pa din kami sa isa't isa.
Andito kami ngayon sa Music Room at nagpapractice para sa performance namin sa PE and we don't know kung makapapagperform kami cause nasabi sa akin ng apat na magtatransfer kami ng school for the so called mission na sinabi ni General Hayner.
"Guys nakausap ko pala kanina si Sir Cariaga and he said that we can still perform kahit na lumipat tayong school." Sabi ni Debbie. Naalala ko galing nga pala sya sa Faculty dahil ipapass nya yung portrait na pinagawa sa kanya ni Sir para sa Art gallery na gagawin nila sa Foundation day. As if naman nandito pa kami sa foundation day.
"That's good pero kailan kaya isesend ni General Hayner ang info about sa mission natin?" Takang tanong ni Dana.
"I also wondered about it,but pano nya isesend sa atin yon kung di nya alam mga email natin?" Julliane asked. It's just an easy task for them, they work for the government so they have the connections to find us and know the information about us. But t's a question for me why they need some regular civilians to do this kind of matter. Hindi ba nila naiisip na baka mapahamak kami sa ganitong mission? I don't understand it.
Magbabantay kami? Magiging bodyguards? And not to mention na boys pa ang babantayan namin. And hindi lang yon, maiintindihan ko pa sana kung bata yung babantayan namin but they are college already. Kaya na nga nilang gumawa ng bata sa edad nila tapos babantayan pa sila na parang bata.
"Let's check our emails, baka naman nagsend na sya sa isa satin kahit na impossible." Suggestion ni Yvette. Inirapan ko pa muna sila at hinagis kay Yvette ang phone ko.
"Just check my email, hindi naman siguro sa akin isesend yan." Tamad na sabi ko at pinukpok na ang drums ko.
"Wala sa akin." Debbie said.
"Me too." Dana stated.
"Ako din." Julliane habang kinakalikot pa din ang cellphone.
"Ikaw Yvette?"
"Wala sa akin kasi na kay Ken. General sent it to her email." Napatingin naman sila sa akin ng nagtataka,I just shrugged and continue what I am doing.
"So anong nakalagay?" Pinagkakaguluhan na nilang tatlo ang cellphone ko habang si Yvette naman ay nakatingin lang sa akin na parang sinasabing magpunta ako don.
Bumuntong hininga ako at lumapit na sa kanila.
"May password yung file na sinend." Panimula nya. "And it stated na si Ken lang ang nakakaalam ng password."
Tamad na nilahad ko ang kamay ko at binigay naman nila sa akin agad ang phone ko. Agad agad naman silang sumilip sa cellphone ko habang tinatype ko ang password.
Ninongpogilablab
Halata ang gulat at mangha sa mata nila dahil sa nabasa. Bago pa man sila magtanong ay pinigilan ko na sila.
"You're right, kung anong nabasa nyo tama kayo. Ninong ko yon, masaya na kayo?"
"Kaya pala ganon ka umasta sa harap nya at parang natural lang sa kanya yung ugali mo." Manghang sabi ni Dana.
That's right,unang pagkakita ko pa lang sa kanya sa taas ay alam ko na ang balak nya and that is also my cue para sana makaligtas sa kung anong balak nila but unfortunately naging kampante ako na hindi nya ako pipiliin so naglakas loob akong umalis pero nagkamali ako.
"That was so amazing, ang dami pa talaga naming hindi alam sayo." Si Julliane ang nagsabi na nakapagpatahimik sa aming lahat.
Si Debbie ay nakikiramdam lang pero nakita kong kinurot nya ang tagiliran ni Julliane kaya napaigik ito. Si Dana naman ay nakayuko habang si Yvette ay matiim na nakatingin sa akin.
"He he he, basahin na natin yung Info baka gwapo yung mga yon swerte pa tayo." Pagpapasigla ni Julliane.
Bumalik naman ang lahat sa dating anyo at umikot muna kami para basahin ang Information.
Nang magbukas iyon ay sabay sabay kaming napamura ng makita ang nasa front page.
The f*ck!