If you were curious kung anong nasa first page ay mukha lang naman ni Ninong habang nakaheart sign.
Binuklat na namin ang next page at nakalagay doon ang kontrata na pinirmahan namin—yeah namin. They forged my signature kaya pati ako ay wala ng kawala dito.
The next page ay doon na nakalagay ang info about sa babantayan namin and to tell you honestly wala naman masyadong nakalagay. And that makes me want to kill my Ninong.
Sa buong page ng file, with a font size of 12 and new times roman font nakalagay ang tatlong pangalan. Yeah... three f*****g names and that is also the last page of the file.
Kung anong inihaba ng Contract ganon naman ang ikinahiya ng information about sa babantayan namin. Ang saya diba?
Airic Thomas Diestro Aerondale
Klye Anderson
Red Jensen Tennyson
Those three f*****g names lang ang laman ng file. That's all.
*
Nandito kami ngayon sa office dahil nakatanggap nanaman ako ng email mula kay Ninong na kailangan kaming makausap. And because nakalagay sa kontrata na kapag kailangan kami ay kailangan walang second thoughts na sundin naming iyon.
Hinihintay na lang namin si Ninong dahil masyado syang pa-VIP.
Ilang minuto pa kaming naghintay at dumating na si Ninong.
"Goodmorning General." Bati nila habang ako naman ay nanatili lang na nakaupo.
"Take your seat girls." Nagthank you naman sila at naupo na.
"So I gathered you here to personally say the information about the guys you were going to handle. And I know that someone in this room is pissed and already mentally killing me." Natawa naman ang mga kaibigan ko dahil sa sinabi ni General. Inirapan ko naman si Ninong na lalong nagpatawa sa kanila.
"Let's proceed." May inabot saming folder si General at hindi ko tinanggap iyon. "Don't worry legit na yan ngayon." Natawa pa ito ng sabihin nya. Kinuha ko iyon at binuksan na ang folder.
Unang page pa lang ay napasinghap na ang mga kasama ko dahil may picture na nakalagay don and it is not like what he sent us a while ago. It's totally different.
Nakalagay sa taas ng first page ang pangalang Klye Anderson and after that is his picture and under the picture is some basics information about him.
Klye Anderson
Age:20
Height:6'0
Birthdate:January 10,1999
Blood:A
Status: It's Complicated
Yan lang ang nakalagay kaya tinignan ko si Ninong na nakatingin din pala sa reaction ko.
"Like what I saw,may naiinis nanaman dito so I will say it personally ,its just a brief description so don't expect something more than that."
Bakit pa kasi binigay samin to?
"Let's start with Klye. He is an only son and as you can see gwapo naman ang bata but sadly his relationship status is complicated so I assume that he is also a complicated person." Natawa pa sya sa sinabi nya at ganon din si Julliane at Dana.
"And also,this kid is so stubborn he is childish and immature. I know it is not part of your mission to know their characteristics but I'm just giving you an insight kung paano nyo sila ihahandle. And Klye is a party goer so expect na mapupunta kayo sa bar when you're watching them."
Nilipat nanamin sa next page at bumungad sa amin ang lalaking red hair and I'm not Juice-a not to recognize that he is Red Jensen Tennyson dahil nakalagay naman na sa taas.
Red Jensen Tennyson
Age:19
Height:6'0
Birthdate: December 31,1999
Blood:O
Status:Single
"Red is also childish like Klye but he is much more childish,kung titignan nasa level 97 si Klye and Red is on level 100. Sya din kasi ang pinakabata sa kanila. Not to mention na sa months lang naman talaga nagkaiba and also Red is an only child. Actually lahat sila ay only child. And as I was saying si Red ang tipo na madaming kalokohan. And sya din ang main reason kung bakit kailangan nila ng secret bodyguards." Tumango tango naman ang apat at ako ay nanatili lang nakatingin sa pinakadulong page. This is the last page and I didn't wait for Ninong's permission sa paglipat.
Airic Thomas Diestro Aerondale
Age:20
Height:6'1
Birthdate:March 10,1999
Blood:AB+
Status:Single
"And because someone is excited to go home,kanina pa sya sa last page." Sinamaan ko naman ng tingin si Ninong.
Kanina nya pa ako pinagdidiskitahan. Nakakainis.
"As you can see,napakahaba ng pangalan nya but his friends are used to call him Dies but if you're not a friend and a nobody you, should call him Airic or Thomas. And as you all know,sya ang anak ni Mr.Aerondale nasabi ko na sa inyo na sya ang kaibigan ni President na humingi ng tulong para sa anak nya." I don't know that thing. So close pala silang tatlo sa President?
"And siya ang pinakailag sa lahat,he doesn't want to socialize and even talk to someone. Mga kaibigan at malalapit lang sa kanya ang kinakausap nya and he is the type of person na masasabi mong may ipagmamayabang na katalinuha—"I cut him off.
"Eh bakit hindi mo sya jowain Ninong? Parang type mo naman sya. Ilang compliments pa ba ang maririnig namin mula sayo? "Inis na pagbabara ko sa kanya. Hindi rin naman kasi makakatulong sa amin ang mga sinabi nya cause we will just watched them from a far.
"Inaanak,why so short tempered ha? Manang mana ka talaga sa pinagmanahan mo."
Sumingit naman si Julliane habang kausap ako ni Ninong na ipinagpapasalamat ko.
"General,if that Airic is smart. Hindi ba parang makakahalata yon?" Medyo bobong tanong nya.
At first naisip ko ang bagay na yan but mangyayari lang yon if we will not make our job clean and less suspicious. Kahit sino naman makakahalata kung mismong gumagawa ay nahahalata right?
"It will depend on how you should do your job girls." Yon lang ang sinabi Ninong at halata namang naintindihan nila dahil hindi na sila nagtanong pa.
"So eto lang ang sasabihin ko sa inyo ngayon and also bago ko makalimutan,this week pwede na kayong lumipat sa Northern Summit Academy. Maayos na lahat ng transfer papers nyo and also may schedule na din kayo na nakasend na sa Email ni Ken. And oh! by the way,classmate nyo sila so wag kayong papahalata. That's all girls. Goodluck." Lumabas na si General at iniwan kaming lima.
"Pwede pa naman siguro tayong magback out noh?" Out of the blue na tanong ni Dana.
"If you want to receive a lawsuit then why not?" Pabalik na tanong ko sa kanya.
"It'll be a breach of contract, Dana." Debbie answered her.
"Basta guys kaya natin to. Fighting!" Yvette cheered habang nakataas sa ere ang folder.
*
Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang iniisip ang mga maaaring mangyari kapag nagsimula na ang so called mission namin.
Ang dapat lang na ginagawa sana namin ay nagpapractice para sa performance sa PE and also nakikinig sa room para may matutunan but it's totally twisted and something happened na hindi namin inakala na mangyayari sa amin.
But I thought about it last night,hindi din naman masama kung minsan lumayo kami sa comfort zone namin and it is also a way para maexperience namin kung ano talaga ang kayang i-offer ng mundo sa amin. And this is it,we will guard those guys na mas malalakas pa sa amin at mas may kakayahang ipagtanggol ang sarili nila. I will just think that this is our of contribution to the country.
We're not a teen anymore and hindi masamang mag explore ng bagay bagay hanggang maaga pa. It is a new experience for us and I know that someday,we will going to cherish this moment na naging bodyguard kami.
Nandito kami ngayon sa harapan ng school na minsan ko lang napasukan dahil sa isang competition na nasalihan ko. And I can't imagine na dito na ako mag aaral from now on.
Hindi ko pa napapark ang kotse namin and medyo nakaharang pa kami sa daan kaya medyo pinagtitinginan na kami ng ibang tao but thanks to the one who invented the tinted windows dahil hindi kami kakainin ng kakahiyan ngayon.
"Andar na Ken." Nahihiyang sabi ni Yvette na nasa tabi ko ngayon. Binuksan ko na uli ang makina at nagtungo na sa parking lot.
Naunang bumaba ang tatlo na nasa likod at nahuli nanaman ako dahil inayos ko pa ang pagkakasintas ng sapatos ko. Pagkababa ko ay nakatingin sa akin ang apat na akala mo nakakita ng multo.
"What?" I asked.
"Wala naman,we just wanted to piss you off." Tumawa pa si Dana. Sinamaan ko naman sya ng tingin at isang palatandaan na yon para lumayo sya sa harapan ko.
"Joke lang naman yon Ken." Maiyak iyak na sabi nito habang papalapit ako sa kanya.
"Si Julliane talaga nagplano non." Tinuro nya pa si Julliane na tuwang tuwa din.Tinakbo ko ang pagitan namin at sabay na hinawakan sila sa leeg. Umakbay ako sa kanila at binigyan sila ng napakatamis na ngiti.
"Maybe you have forgotten the deal we had,huh? So let me remind you. You.Will.do.anything.I.will.ask.you.to.do." Sabay naman na napaluhod ang dalawa kaya muntikan na akong masubsob buti na lang at hindi ko masyadong binigay ang pwersa ko sa kanila.
Nanggigigil na tinignan ko sila na nakalayo na at nasa entrance na ng School.
"Ken,calm down. It's our first day of school. Don't embarrass yourself because of them." Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. I click the key fob at nilagay na sa pocket ko. Mabuti na lang talaga at may Debbie na nagpapakalma sa akin.
Sumunod na sa akin ng dalawa habang nag uusap about sa napanood na Netflix series.
"I don't actually like the plot but the lead actor is handsome,so I still watched that." Yvette said.
"But for me the plot is just fine,I like the twist and stuffs. Pero ang creepy creepy nung bida."
Nag usap lang ang dalawa hanggang sa makarating kami sa office ng Dean. Naabutan naman namin yung dalawa na hingal na hingal habang nasa likuran namin.
"Where did you go? Bakit pagod na pagod kayo?" Yvette ask them.
"We got lost. Buti na lang may mabait kaming napagtanungan." Hinihingal na sagot ni Julliane. Buti nga sa kanila.
Debbie knock on the door before she opened it. "Dean?Tao po?"
Mukhang andon ang Dean dahil binuksan ng maluwang ni Debbie ang pintuan at pinapasok na kami.
"Goodmorning po." Bati nila at medyo yumuko pa. They are too formal.
"Oh! You're the students that Mr.Hayner told me. By the way,hindi nyo naman na kailangang dumaan dito. Maayos naman na lahat ng papers nyo and also naibigay ko na din ang schedule nyo. You can proceed now to your rooms bago pa magstart ang classes."
Nagpaalam na kami sa Dean at nagpunta na sa room namin kahit hindi namin alam kung saang parte ng mundo yon.
"Maybe we can ask somebody. Baka malate na tayo eh." Suggestion ni Yvette na halatang pagod na. I can't blame her,the school is so big and feeling ko nga naikot na namin ito eh.
Habang naglalakad kami sa hallway ay may isang grupo ng babae kaming nakasalubong,inagaw naman ni Julliane ang pansin nila at tinanong.
"Excuse me po, can I ask if where is Block 4's room? College po." Tanong nya sa mga babae. They doesn't look like bitches so I'm sure na hindi kami mapapaaway sa first day of school namin dito.
"Well,you don't need to find it any longer cause that room is just behind you." Medyo natawa pa sya habang tinuturo ang room na nasa likuran namin.
Tinignan ko naman ang nasa likuran namin at nakalagay nga dito ang 2 STEM–4. Napabuntong hininga na lang ako at lumapit na sa pinto.
Sa haba haba ng nilakbay namin sa 3rd floor, 2nd room lang pala kami mapupunta.
Kumatok si Dana sa pintuan at dahan dahan nyang binuksan. Nag-goodmorning sya at isang lalaking medyo mas matanda lang sa amin ang humarap sa amin.
"Oh you're the transferees?Come inside. By the way, I'm Sir Con your Adviser." Wow,he's so young kung 20 na kami I think nasa 23 pa lang sya or 24.
But I don't care. No one cared.
"Please introduce yourself infront." Naunang pumasok si Julliane kasunod si Dana at Yvette,nahuli naman kami ni Debbie na nakatingin lang sa tatlo na hiyang hiya sa buhay.
Introduction is so cliché but it's a part of being a transferees so I should bare with it.
"Hello. My name is Julliane Lopez. I hope for you to be nice on me." Nakangiting pakilala ni Julliane. She shouldn't be like that,people will think that she's an easy target,people here are superiors and they want people who's below on them. But I can't do anything for now cause I don't want her to be ashamed.
Sumunod naman na nagpakilala si Dana. "Hi I'm Dana Keith Gabriel." Mas naging kampante ako sa naging pag introduce nya dahil neutral lang.
"Kailey Yvette Clarke,be nice to me. Thank you."
"Debbie Jean Andrada, 20." Napangisi naman ako sa isip ko dahil sa pagpapakilala ni Debbie but I focused myself when all eyes are on me.
Tumikhim muna ako bago ako nagsalita.
"Ken."
Tinignan ko ang mga bago kong classmates na parang may nasabi akong hindi maganda.
"What?" Inis na tanong ko sa kanila. That's the right way to introduce your self dahil yun lang naman ang kailangan nilang malaman sayo at hindi mo naman kailangang sabihin sa kanila ang buong buhay mo.
May nagsalita naman sa gitna na babae na halatang halata na maarte.
"That's it? Yan lang ba pangalan mo?" Nakangisi nyang tanong na parang iniinsulto pa ako. Hinawakan naman ako ni Yvette sa braso at pinipigilan ako.
Ngumiti ako sa kanya. "Well,if you want to add something on my name just go to the court and change it. All expenses is on me."
Hindi naman sya makapaniwalang naupo at kinausap ang kaibigan nya ata. Tumayo naman ito at mataray din na tinignan kaming lima.
"Looks like may ibubuga kayo,but we know nothing about you. So we need to assure that you can get along with us. We don't like cheap and those who are poor so what's your parent's work? Business?"
So ganito pala ang patakaran dito,kapag mayaman ka tatratuhin kang maayos pero kapag mahirap ka ikaw na ang magiging laruan nila. Well then,let's play their game.
Tinignan ko silang apat at naintindihan naman nila ang nais kong iparating.
It is already planned,bago pa man kami pumasok sa school na ito ay nakaplano na ang lahat hindi lang sa babantayan namin kundi sa mga taong makakasalamuha namin.
Unang nagsalita si Julliane. "My dad is a jeepney driver and my mom is a housewife."
"I'm living with my aunts cause my parents died when I was a kid." Dana said.
"Hiwalay ang parents ko so sa lola ako nakatira,she's a sewer." Yvette answered habang maluha luha pa.
"Ako sa ampunan." Sagot lang ni Debbie.
Napangisi naman ako sa mga sagot nila at sa reaksyon ng mga kaklase ko.
"Don't expect something on me,kung ganyan sila ganyan din ako– but sadly,That's all a made up stories. But I won't give you the right answers to your questions. So let us seat on our chairs then we're all good." Tinignan ko si Sir Con at tumango naman sya bilang pagsang ayon sa pag upo namin.
I thought hindi namin magagamit ang linya namin na yon but unfortunately di talaga mawawala ang mga taong mapagmataas.
Tinignan ko naman ang bakanteng upuan na sakto sa aming lima,tinignan ko naman ang nasa likuran namin na kanina pa nakadukdok magmula ng dumating kami. I don't need to know if who's this person cause I am 100% sure that these guys are the ones who we need to take care of. Pero napakunot ang noo ko ng makita na apat sila. How come? I thought they're just three. Maybe nakitabi lang?
Hindi ko naman maiwasang magulat ng may magsalita sa isa sa kanila.
"Stop staring." He said.