Chapter 4

2690 Words
"No one's staring." Giit ko kahit na hindi ko alam kung sino ang sa apat na nasa likod ang nagsalita. Naupo na ako at dumukdok din sa table ko. Hindi pa man nag iinit ang mukha ko sa pagkakadukdok ay naramdaman kong may sumipa sa likuran ng upuan ko. Inis na napamura ako sa isip ko at hindi na lang pinansin. "Your temper is quite good." Bulong ng kung sino man sa likuran ko. Inis na inangat ko ang ulo ko at hinarap ang bwisit na nagsalita sa likod ko. "What the hell? What's your problem?" Singhal ko sa kanya. Napatingin naman sa amin si Debbie na nagdodrawing sa notebook nya at si Yvette na naglelecture. "Kumalma ka Ken." Bulong sa akin ni Yvette. Sinamaan ko naman ng tingin si Airic na nakangisi sa akin ngayon. I know that it's him cause I remember seeing it on the files that Ninong gave us. Bumalik ako sa pagkakaayos ng upo at tumingin na lang sa board. Natapos ang 1st and 2nd subject namin at recess namin ngayon. Nandito kami sa Cafeteria at masasabi kong okay lang dahil hindi masyadong crowded. Umorder na si Dana at Julliane at naiwan naman kaming tatlo sa upuan. Si Debbie ay naglalaro at si Yvette ang may ginagawa sa cellphone nya na hindi ko alam. Tinignan ko naman ang cellphone ko ng tumunog ito. Someone is calling. "Oh?" Sagot ko na nagpatawa sa nasa kabilang linya. "Where are you? Nagpunta ako sa school but they said na nagtransfer daw kayo. And why did you transfer in the first place?" Napairap naman ako sa sunod sunod na tanong nya. "Isa isa lang pwede?" Natawa naman sya sa sinabi ko at nag okay. "So why did you transfer?" "We need to do something,and you are not allowed to know it." "Ang daya naman eh." "That's a top secret." Natatawang sabi ko sa kanya. He just sighed and laughed after that. "But where are you? Don't tell me that's also a top secret?" "Well yeah,you're right." "You're so unfair." Tinawanan ko lang sya at binabaan na. Nang tignan ko naman ang dalawa ay nakita kong mangha silang nakatingin sa akin na parang may nagawa akong bagay na minsan ko lang ginawa. "You're happy..." "You laughed." Di makapaniwalang sabi nilang dalawa. Tinignan ko lang sila at hindi na pinansin ang sinabi nila. Why do they always make it a big deal. As if naman hindi ako tumatawa. Dumating na ang dalawa habang dala dala ang mga foods namin and as usual yung sa akin nanaman ang pinakamadami. "I'm not a pig." Panimula ko kaya nagtawanan sila na ikinainis ko. Natapos ang buong araw namin na hindi namin naalala na may babantayan nga pala kami. Kanina lang namin naalala ng makita naming palabas na ang tatlo kasama ang isang lalaki na hindi kasama sa babantayan namin. Pasimple kaming naglakad na parang natural lang. Papunta sila sa parking lot pero napahinto sila kaya napahinto din kami kaya napatingin sila sa aming lima. "Why are you following us?" Tanong nung lalaking hindi namin kilala. "Kaya nga,stalker kayo noh?" Klye asked habang nakahawak pa sa katawan nya. As if naman re-r**e-in namin sila. "Don't be too full of yourselves,hindi lang kayo ang may sasakyan sa Parking Lot." Nilagpasan ko sila at sumunod naman ang apat, napansin ko naman si Julliane na masama ang tingin sa akin. "Pano natin sila susundan kung alam na nila yung kotse natin?" Tanong ni Julliane. Napakabobo talaga. "Are you really thinking that way?Osige,ano sana sasabihin mo sa kanila? Na sinusundan natin sila kasi yon yung pinapagawa sa atin?" Napanguso naman sya at nagtago sa likod ni Debbie. "Eh pano na nga gagawin natin?" Mahinang sabi nya na sapat na para marinig ko. My plan is to make them go first and then doon pa lang kami sasakay kapag medyo malayo na sila. Hindi naman ganon kabilis ang magiging takbo nila dahil medyo traffic kapag rush hour na. "Just trust it with me." Binagalan ko ang lakad ko na ginaya nila kaya nauna sila Airic na hindi na kami pinansin. Napangisi naman ako ng sumusunod sa plano ang nangyayari. "Magusap usap kayo." Utos ko sa kanila na agad naman nilang sinunod. Dapat magmukhang natural lang kilos namin para hindi sila magtaka. Nakapasok na sila sa sasakyan nila at nauna na ang sinakyan nung lalaking hindi namin kilala.Isa pang tanong sa isip ko ang lalaki na yon,sino sya? Bakit hindi sya kasama sa mga babantayan namin? Nang makalayo na sila ay nagpunta na kami sa sasakyan namin. Pinaharurot ko ang kotse hanggang sa malapit na kami sa kanila. Hinayaan ko ang distansya namin at hindi inaalis ang pansin sa mga sasakyan nila. "Wait nga lang,hindi naman kasama sa kontrata na pati sa gabi bantayan natin sila diba? So we shouldn't do this and tail them kasi maggagabi na." Napaisip naman ako sa sinabi ni Yvette at bigla kong naipreno ang kotse ng makita kong nasa harapan na namin ang kotse ng apat at nasa tulay na kami. Bumusina naman ako para magmukhang naiinis ako at i aatras ko sana ang kotse ng makitang nakaharang ang isa pang kotse sa likuran. When did they got there? Inis na binuksan ko ang pintuan ng kotse at lumabas. "Don't go outside." Lumabas na din sila sa mga sasakyan nila at nakatingin sila sa akin ngayon.Tinaasan ko naman sila ng kilay. "What's your problem,huh? Kanina pa kayo ah." Inis na sabi ko kay Airic na kaharap ko. "We should be the one asking you that." Matiim na sabi nito sa akin. Napasinghap naman ako sa sinabi nya. "Ako pa? Sa pagkakaalam ko pauwi na kami tapos bigla kayong haharang sa daanan namin? Nanloloko ba kayo?" "Uuwi? Why? Where do you live?" "So sinong stalker satin ngayon? You're asking me now if where do we live." "This way is only exclusive for those who live on K&J Subdivision." Sabi naman ni Red na parang nanghahamon ng away. Ngumisi naman ako sa kanila. "Why? Don't tell me kayo lang nakatira don? Ano? The same scene awhile ago in the parking lot? "Napakunot naman ang noo ni Airic at napatiim ang bagang. "So what is your point?" "We also live there." Inisa isa ko pa sa kanya by word. "You live there? Well, you don't look familiar and we don't see you there not even once." Nakangusong sabi ni Klye. Is he a duck? Napairap na lang ako don at hinarap uli si Airic. "Minsan kasi wag nyong paiiralin yung pagkamayabang nyo,hindi porke mayaman kayo ay sa tingin nyo wala na yung iba na meron kayo. Tandaan nyo hindi lang sa inyo umiikot ang mundo,hindi lang kayo ang nabubuhay dito." "And by the way, get your cars out of the way and watch us enter that f*****g place." Binagsak ko ang pintuan ng kotse ng makapasok ako. Hinihingal na hinawakan ko ang steering wheel at pinagpupukpok ito. Hinawakan naman ni Yvette ang braso ko para pigilan ako. "Calm down, Ken." Pagpapakalma nya sakin. Tinignan ko naman ang mga kotse sa harapan ko at nakalihis na ito. Pinaharurot ko ang kotse paalis sa bridge at ilang sandali lang ay nakita ko na ang gate at guard house. Tinignan ko ang side mirror at nakita kong nakasunod na ang kotse ng apat. Dire-diretso kong pinaharurot ang kotse at dahan dahang bumukas ang gate kaya binagalan ko na ang takbo. Binaba ko pa ng kaunti ang windshield at tinanguan si Manong Guard kaya binati ako nito at nag salute pa. Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang maisip na may ibubuga ang mga lalaki na yon lalo na pagdatinf sa pera. They are so rich just by seeing their cars and lalo na ngayong nalaman ko na dito sa exclusive subdivision pa sila nakatira. Actually hindi kami dito nakatira at sa kabilang subdivision kami pero I have access on this place. Tatlong street na ang nadaanan namin at nakita kong nakasunod pa din ang mga kotse sa amin. Niliko ko sa kanan ang kotse at hininto sa sa pangalawang bahay. This is my parents house kaya nagawa naming makalusot sa kanila. Hindi na sila nagtaka dahil kahit papaano ay naintindihan naman nila ang usapan naman kanina. Huminto ang kotse ng apat at lumabas sila. Unang naglakad si Airic na halata ang pagsisisi sa nagawa kanina. "I'm sorry about a while ago. I didn't mean to offend you and your friends." Tumango naman ako sa kanya. "That's okay. Hindi mo naman kasalanan na ganyan ka." Iniwan ko na sila at pumasok na sa bahay. Binati ako nila yaya na halatang nagulat sa pagdating ko. "Oh iha napadalaw ka? Wala pa ang mama at papa mo." Bati sa akin ni Yaya Maring. Nginitian ko naman ang matanda bilang pagbati. "Napadaan lang po kami ng mga kaibigan ko,actually aalis na din po kami maya maya." "Ay ganon ba? Magmeryenda muna kayo bago umuwi." Tumango naman ako kay yaya at naupo na sa sofa. Ilang sandali lang ay pumasok na din ang mga kaibigan ko. Buong gabi ako nakatulala lang ng makauwi kami sa bahay. I don't exactly know why I am acting like this. Basta simula ng makauwi kami ay wala na ako sa mood. Kinabukasan ay hindi ako sumabay sa kanila papasok,pinauna ko na sila kaya si Debbie ang nagdrive ng sasakyan. Kanina pa ako nakagayak pero wala ako sa mood na pumasok pero hindi rin pwede dahil kahit papaano ay kailangan nila ako para bantayan yung tatlo o apat? Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan si Ninong. I will ask if whose that guy na laging kasama nila Airic. Ilang ring lang ay sinagot na nya ang tawag. "What is it? May problema ba?" "Nothing,but I just wanna ask you something regarding to the guy na laging kasama nung tatlo,as far as I know hindi sya kasama sa babantayan namin but I'm just curious if who is that man." Ilang sandaling natahimik ang kabilang linya at napasinghap si Ninong. "Oh I remember,kasama sya sa babantayan nyo. Actually naubusan ng ink yung printer so I wasn't able to print his information and nakalimutan ko din sabihin yung about sa kanya. I am sorry but by the way,he is Leovanni Cervantes he's also an only child basta kasama din sya sa babantayan nyo." Binabaan na ako ni Ninong at hindi na hinayaan na barahin sya. So apat silang babantayan namin?The f**k? What if maghiwa-hiwalay yung apat na yon? It will surely be hard for us. 10 na ng mapagdesisyonan kong pumasok,kinuha ko ang susi ng kotse ko at pinaharurot ito papuntang school. Pagkapark ko ng sasakyan ay nagpunta agad ako sa Cafeteria ng makaramdam ako ng gutom. Halos wala ng estudyante dahil tapos na ang recess but there is still some who is brave enough to be late. Umorder ako ng Chips,Sandwich,and banana cue. Bumili naman ako ng Gatorade para sa drinks ko. Nagpunta na ako sa vacant table at nagsimula ng kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagsisiyesta ko ng may mapansin akong nakatayo sa gilid ko. Dahan dahan ko namang tinignan ang kung sino man na iyon ng makita ko si Airic na matiim ang tingin sa akin. Tinaasan ko naman sya ng kilay at sinamaan ng tingin. "What do you need? You're interrupting my moment with this delicious foods." Inis na sabi ko sa kanya at sumubo ng Chips. Dahan dahan ko itong nginuya at pagkatapos ay uminom. Tinignan ko naman syang muli ng hindi sya magsalita. I mouthed 'what' to him but he just walk out at lumabas na ng cafeteria. What's his problem? Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko at pagkatapos ay nagtungo na sa room. Kumatok ako ng dalawang beses at pinagbuksan ako ng English teacher namin na si Maam Nifras. Nakataas ang kilay nito sa akin na parang sinasabing 'why are you late?'. "I don't feel well a while ago so I went to the clinic." Dahilan ko na mukhang kumagat naman sa kanya at pinapasok na ako. Napatingin naman ako sa pwesto namin at nakita ko yung apat na napapailing na lang sa akin habang nakangiti. Nang makalapit ako sa kanila ay humagikgik pa sila sa akin. "Kailan ka pa nakakita ng galing sa clinic na may maliliit na chips pa sa gilid ng labi?" Kinapa ko naman iyon at meron ngang particles ng chips,inabutan ako ng tissue ni Yvette at pinunas ko iyon sa gilid ng labi ko. "Buti na lang malabo mata ni Ma'am." Pahabol na sabi ni Julliane. I just shrugged and comfortably sit on my chair. Hapon na at nandito kami ngayon sa parking lot, nagulat naman ako ng mag aya sila dito at hindi pinagkaabalahan ang binabantayan namin. Tinry ko silang tanungin kung bakit kami nagpunta dito at hindi sinundan ang apat pero ang sabi lang nila ay 'just wait,Ken.' Nakaupo ako ngayon sa gilid ng parking lot at nilalaro ang bato na nakita ko sa gilid. Paulit ulit ko lang itong ginulong at hindi sinasadyang napalayo ito,kukunin ko na sana pero may lapastangang tumapak dito. Inangat ko naman ang tingin ko at nakita ko si Airic na nakatingin sa akin. "Ano nanaman?" Walang ganang tanong ko sa kanya at bumalik sa pagkakaupo sa gutter ng parking. "Tumayo ka na jan,aalis na tayo." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Kami?aalis? "What the heck? Bakit naman ako sasama sayo?" "You're not going to come with me,but with your friends. They won't come if you wouldn't come so please get up now and go to your car." Aba! At sya pa ang bossy? Hindi makapaniwalang tinignan ko ang mga kaibigan ko na nakangiti naman lang sa akin kaya agad ko silang pinuntahan. "What is happening here? Nawala lang ako ng ilang oras sasama na kayo sa kanila?Ano bang pumasok sa kokote nyo ha?" Singhal ko sa kanila habang nakahawak pa sa magkabilang bewang ko. But an idea came up my mind. Maybe this is will be a great chance para mapadali ang pagbabantay namin sa kanila. If we befriend them then hindi sila maghihinala kung makikita nila kaming nakasunod sa kanila. And also we will be able to monitor them closely. "Nevermind,saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila. Nakuha naman nila na alam ko na ang idea na gusto nilang mangyari. "Nag aya sila sa bar and it's a great time para makapag reduce tayo ng stress and Saturday naman bukas so pwedeng magparty." Julliane explained na tinanguan ko naman,nagpunta na ako sa kotse at yung apat naman ay doon sa kabila habang ang driver ay si Debbie. Pagkarating namin sa Bar ay nagkanya kanya kaming baba sa mga sasakyan namin. Nasa parking lot kami at hinihintay makababa ang apat sa kotse,nilinga ko ang paningin ko sa buong lugar at ganon na lang ang gulat ko ng may hindi inaasahang tao akong nakita. Hindi lang sya nag iisa,magkakasama silang apat. Nanginginig na napakahawak ako sa pintuan ng kotse ko at hindi ko mapigilang masuntok ang gilid nito. Naramdaman ko namang napatingin yung mga kasama ko dahil sa ginawa ko. "Ken,what happened? Are you alright?" Nag aalalang tanong ni Dana na nasa tabi ko na. Nanatili namang nakatingin sa akin ang iba na halatang nagtataka sa inasta ko. I'm shaking because of fury and I can't help myself cause I can see red right now. Hindi ko kayang pumasok sa loob ng bar lalo na at alam kong nasa iisang lugar lang kami. Hindi ako makakapagpigil. Marahang pinikit ko ang mga mata ko at tinignan sila. "I need to go,may kailangan pa pala akong gawin. Enjoy guys and take care." Hindi ko na sila hinintay pa na magsalita at sumakay na ako uli sa sasakyan ko. Mabilis na pinatakbo ko ang kotse at hindi inalala kung ilang beses na ba akong nag overtake. Memories keep flooding on my mind,those happy memories where I smile because of them and the time that we're sad because of the problems that we had but the least memory that I don't want to remember is keep on flashing on my mind. Those memory that became a scar on my life, that memory na ayokong ayokong maalala. "You're all just a memory, please don't come back."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD